Part III

12 5 0
                                    

Hinawakan ko ng mahigpit ang suot suot 'kong mahabang tela, Hindi ko lubos maisip na makikita ko ang sarili 'kong suot suot ang bagay na ito. Ginawa ko ang lahat para lang magising ako.. pero kahit anong gawin ko ay talagang walang epekto.. Takot man na sabihin pero.. Hindi ito panaginip.


Totoo ito na nangyayari..


Bumaba ako ng kama habang hirap na hirap sa suot 'kong wedding gown, Nakita ko ang isang kutsilyo sa gilid ng kama sa ibabaw ng lamesa. Bago tumayo ay inilibot ko ang paningin.. itong kwarto pa lang ay alam mo ng nasa isang magarbong bahay ka, Ang laki ng kwarto na halos kasing laki na ng bahay namin. 


Dumiretso ako sa nakita 'kong kutsilyo sa lamesa.. tsaka ko lamang nakita ang mga dugo sa kamay ko. Nanginginig ko itong dinampot at hinawakan ng mahigpit, tsaka ako tumingin sa walang buhay na lalaki sa kama. Punong puno ito ng dugo sa katawan at batid 'kong ilang ulit itong sinaksak sa dibdib. 


Nanghina ako ng mapagtantong.. ako ba ang gumawa nito? Ako ba ang pumatay sa kaniya? Ako ba? Ako ba ang sumaksak? 


Umihip ang malakas na hangin na nagpangatog sa buong pagkatao ko, Nilipad niyon ang malaking kurtina kasabay ng isang papel na nakapukaw ng atensyon ko. 


Lumang papel na ito at animoy galing pa sa ilalim ng lupa dahil sa dumi, Kahit nanginginig ang mga kamay ay dinampot ko ito at tinignan ang loob. Isang liham na gawa sa isang kulay pula na tinta, hindi ko alam kung ano ito pero malansa ang amoy. 


Tsaka ko binasa ang nakasulat na sana hindi ko nalang ginawa, Humawak pa ako sa gilid ng lamesita para alalayan ang sarili ko.. 



Liham Para Sa Aking Minamahal

Noong una kitang makilala, Alam ko na agad na ikaw ang lalaking makakasama ko hanggang pagtanda

Dahil pinaramdam mo sa akin kung paano magmahal, Pinaramdam mo sa akin kung ano ang pagmamahal, Tinuruan mo akong magmahal ng tapat at totoo.

Kaya pinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, Ikaw at Ako ang magsasama hanggang dulo, Masaya ako sa piling mo dahil sa wakas naranasan ko ang una't huling pag-ibig ko. Ipinaranas mo sa akin kung paano maging masaya sa isang pag-ibig, Naranasan 'kong mangarap na magkaroon ng isang pamilya mula sa iyo. 

Pero hindi mo itinuro sa akin kung paano masaktan, hindi mo itinuro sa akin ang sakit, hindi mo ipinakita sa akin ni isang beses na hindi mo ako mahal. Hindi mo itinuro sa akin ang pekeng pagmamahal na ipinakita mo..

Noong nag-desisyon na akong manirahan kasama mo, marami akong nakitang hindi mo naman ipinapakita noon. Nagagawa mo na akong saktan pero hindi mo naman nagagawa kapag nandyan ang mga pamilya mo o ang ibang tao, Na-ikekwento mo sa kanila kung paano tayo naging masaya sa loob ng isang tahanan, Kahit na alam ko ang totoong nangyayari sa atin ay ipinag-sawalang bahala ko ang pagsisinungaling mo.

Isang araw ay naabutan kita sa loob ng iyong trabaho kasama ang isang babaeng hindi ko pa naman nakita kahit kailan, Batid 'kong may kaya ito sa buhay katulad mo, Batid 'kong katulad mo rin itong anak ng isang mayaman. Ang akala ko noong una ay kaibigan mo lang ito katulad ng sinabi mo sa akin. 

Pero nahuli ko kayo, Nahuli ko kung paano dumikit ang katawan niya sa iyo, Nakita ko kung paano mo ito hawakan na hindi mo na ginagawa sa akin. At nasaksihan ko kung paano mo ito halikan, nasaksihan ko ang pagtataksil mo, Ikakasal na tayo pero bakit ngayon ko pa nakita iyon?

Noong araw na dinala mo ang babaeng iyon sa bahay natin ay pinalagpas ko dahil sabi mo, wala na itong ibang mapupuntahan, Dahil ayokong iwan mo ako at para matuloy ang kasal ay pumayag ako. Simula noon ay nanlalamig kana sa akin.. Nagigising akong wala ka sa tabi ko at kung pupuntahan ko ang babaeng iyon sa kwarto niya ay batid 'kong naroon ka dahil sa ingay niyo. 

Bago ang araw ng kasal ay nalaman ko na gumawa ng plano ang babaeng iyon, Nais niyang mawala ako upang hindi matuloy ang kasal kung kaya't kinompronta ko ito. Nagawa niya ang gusto niya, Nagawa niya akong saktan at higit pa doon.. nagawa niya akong patayin. 

Sakit, pighati at poot ang naramdaman ko hanggang ngayon.. kung hahayaan ko sila sa gusto nila ay tuluyan akong hindi matatahimik. Ginawa ko ang lahat para makausap ang nag-iisang kapatid ko.. Gusto 'kong sabihin sa kaniya ang lahat ngunit takot siya. Hindi ko rin alam kung paano siya kakausapin..

Matagal ng wala akong tampo o galit kay Eurkistea pero hindi ko siya kayang harapin dahil sa pagtatanggol sa lalaking trinaydor ako. Pero ayokong matuloy ang binabalak ng dalawang taong nananakit sa akin..

Patawarin sana ako ng kakambal ko sa gagawin ko.. Sinugal ko ang kaluluwa ko sa kadiliman upang mahiram ang katawan niya.. Natuloy ang kasal gamit ang katawan niya.. Pero dahil sa galit na tuluyang bumalot sa pagkatao ko ay nakalimutan ko na ang pagmamahal na naramdaman ko para sa kaniya. Hindi ko na inisip na madudumihan mismo ang kamay ni Eurkistea dahil sa  gagawin 'kong makakapag-panatag ng loob ko. 

Pinatay ko siya.. gamit ang mga kamay ng kakambal ko. 

Ngayon na nakuha ko na ang hustisya para sa kasalanan nila sa akin ay masaya na ako, masaya na ako kahit na hirap ang nararanasan ko dito sa kadiliman. 

Dahil pinangako ko sa sarili ko na kung hindi ako magiging masaya sa buhay 'kong ito.. pwes hindi rin sila pwedeng maging masaya. 

Nagmamahal,

Eutostea.



Hindi ko na napansin ang sunod sunod na luhang tumutulo sa mga mata ko, Nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko kayang intindihin ang nakasaad sa sulat. Naghirap ang kapatid ko.. Naghirap sa kamay ng lalaking unang minahal niya.. 


Bago ko pa balingan ang kutsilyo na nabitawan ko ay isang matulis na bagay na ang bumaon mula sa likod ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa sakit, Sumuka ako ng dugo dahil hindi siya nakuntento sa isang saksak lamang.


"Walanghiya ka Eutostea! Pinatay na kita! Paano ka nakabalik? Bakit mo ginawa ito kay Vincent! Hayop ka! Hindi ka tao! Mamamatay tao!" Nang-gagalaiting sigaw ng kung sinong babae sa likod ko.


Siya ba? Siya ba ang babaeng nanakit sa kapatid ko? Narinig ko ang pangalan ng kakambal ko.. napagkamalan niya ba akong si.. Eutostea..


Natumba kami dahil hindi na kinaya ng tuhod ko sa sakit at sa dugong nawala sa akin. Ang puting wedding gown na suot suot ko ay lalong nadumihan ng dugo, Wala akong nararamdaman. 


Kahit sakit ay wala na.. At ang tanging naiisip ko na lamang ay ang kakambal 'kong nakangiti na hinihintay na ako.


Huwag ka mag-aalala, Eutostea. Papunta na ako.. hinding hindi na tayo maghihiwalay.



End

Liham - One Shot Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now