CHAPTER 04

870 23 8
                                        

Pag tingin ko sa salamin ay bigla akong nagulat at kinabahan, natigilan akong maglakad nang nakita ko yung babaeng ni-make-upan ni sammy na walang ulo.

Imbes na magtanong ako kay sammy ay mas pinili ko nalang na sa iba ko nalang itatanong, ang weird ng nangyayare sakin.

Habang naglalakad ako ay bigla kong nakita ang mga balloon sa gilid na hindi pa nalagyan ng hangin sa loob. I think ito na yun kaya dali dali kong kinuha at agad akong bumalik.

Pero bago pa ako makalabas sa make up room ay tiningnan ko ulit yung babae, pero may ulo na siya sa salamin.

Di ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng mga nakikita ko, kaya agad na akong lumabas.

Pagkalabas ko ay agad akong naglakad papunta sa harap ng stage para i-decorate namin yung mga balloon, pero habang naglalakad ako ay may nakabanggaan akong isang  matanda.

Agad akong tumingin sa kanya at nagsalita.

“Hala! Sorry po! Sorr—”

Naputol ang pagsasalita ko dahil bigla siyang nagsalita.

“Aparisyon iha, huwag mong baliwalain.“ Sabi niya at agad ring naglakad palayo.

Agad naman akong nagtaka, yun lang ba ang sadya niya para banggain ako?

Hindi ko nalang siya ininda at agad na akong nagpatuloy sa pag lalakad at binigay ko sa bakla ang mga balloons.

Ilang oras pa ay nag alas otso na, ngayon na sisimulan ang prince and princess.

Pumwesto ako sa harap para kitang kita ko ng buo ang mga rarampa sa stage kasama ang mga prince nila.

Pagkasimula palang ng patimpalak ay agad na akong kinabahan na hindi ko manlang maipaliwanag kung ano ang dahilan, ngayon lang to nangyare sakin.

Pero hindi ko nalang yung ininda, siguro kinabahan lang ako sa sobrang excited.

Ilang minutong pag hihintay ay nag salita na nga ang announcer at pinakilala ang mga prince and princess, pag natawag ang pangalan nila ay tsaka lang sila maglakad papuntang stage.

Agad naman kaming nag palakpakan, bukod sa magaganda at gwapo yung mga contestant ay nakikita ko rin sa gilid ang ngiti ng mga make up artist nila.

Ewan ko ba, dahil pinagpapawisan ako kahit ang lamig ng simoy ng hangin.

Habang nakatingala ako sa gitna ng stage ay napatingin ulit ako sa gilid, hinahanap ko si sammy pero hindi ko makita ang mukha niya.

I wonder kung nasaan ang baklang yun, hindi naman pwedeng nasa backstage lang siya buong gabi.

Habang nagsihiyawan ang mga tao at nag e-enjoy sa patimpalak ay agad akong umalis sa harap at nagtungo sa likuran ng stage, hahanapin ko sana si sammy pero natigilan nanaman ako sa paglalakad nang makita ko ulit yung matandang nakabanggaan ko kaninang hapon. Nakatayo siya sa gilid habang nakatitig sakin.

Biglang tumaas ang balahibo ko at medyo nakakatakot siya tingnan, pero hindi naman yun hadlang para hindi ko pupuntahan si sammy sa loob ng make up room.

Agad akong naglakad palapit sa kanya at nang makalapit na ako ay hindi ko sana siya papansinin pero nagsalita nanaman siya.

“Nakikita mo ang mga palatandaan, huwag mo itong baliwalain dahil hindi lang ito isang guni-guni, kundi nagpapahiwatig rin ito ng isang kamatayan.“ Sabi niya.

Nang marinig ko yun ay bigla akong kinilabutan, ano bang problema ng matandang to?

“H-ha? Sorry po lola, pero wala po akong nakikitang mga palatandaan na sinasabi mo.“ Sagot ko at naglakad, pero hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit tsaka siya sumagot.

“Imposible! biniyayaan ka ng isang kakaibang kakayahan upang makita mo ang mga hindi nakikita ng mga tao!“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Iha, makinig ka.“ Dagdag pa niya at huminga ng malalim tsaka nagsalita.

“Ang taong biniyayaan ng aparisyon ay nakakakita ng mga multo, kaluluwa o ispiritung hindi matatahimik.“ Sabi niya.

Hindi ko siya ma gets, kaya nagsalita ako.

“Lola, sorry talaga pero hindi po ako ang tinutukoy ninyo. Hindi nga ako nakakakita ng mga multo.“ sagot ko.

Mas lalong lumalalim ang titig niya sakin at nagsalita.

“Alam kong nakakakita ka ng isang palatandaan, maari itong tao na patay, taong namatay, o kaya ginaya niya ang anyo ng taong malapit sa iyong puso upang mag bigay ng palatandaan.“ ika pa niya.

Medyo kinabahan ako sa mga sinabi niya, kaya nagtanong ako.

“Kagaya ng ano?“ tanong ko.

Sumagot naman siya

“Kagaya ng mga taong malapit sayo pero kulang ang mga katawan, paa, kamay, o kaya walang ulo or nakatalikod pero hindi gumagalaw pero nakatayo.“ Sagot ng matanda.

Sa narinig ko ay biglang humangin ng malakas at lahat ng balahibo ko sa katawan ay mas lalong nagsitayuan nang naalala kong nangyare na iyan lahat kay sammy.

“Anong mangyare sa taong ginagaya niya ng anyo lola?“ Sabi ko dahil kakaiba ang kutob ko rito.

Mas lumapit pa siya sakin at nagsalita.

“Wala naman, pero huwag kang makampante. Dahil maaring isa itong kaluluwa na gusto ng hustisya, o kaya isang kaluluwang isasama ka sa impyerno.“ Sabi niya.

Wala akong masabi sa narinig, nanginginig ako na maiiyak sa nalaman.

Sa dinami-rami ng tao dito sa mundo, bakit sa'akin pa? Ano bang meron sa'kin? Tsaka wala namang espesyal sa katawan ko.

Pagkatapos ng pag uusap na yun ay agad na siyang umalis, tsaka napansin ko yung mga contestant ay bumabalik na sa loob ng make up room para mag bihis.

Agad akong pumasok sa loob at pinuntahan ko si sammy, pagkarating ko sa pwesto niya ay hinintay ko munang matapos niyang bihisan at make upan ang kalahok niya sa rampahan. Pagkatapos nun ay tsaka ko lang siya kinumpronta.

“Sammy makinig ka, nakita kita kanina sa salamin na walang ulo.“ Sabi ko.

Bigla naman siyang natawa at sinapak ako sa balikat.

“Kakanood mo yan ng wattpad at kakabasa ng Kdrama.“ Sabi niya na sinadyang ibaliktad ang mga salita.

“Sammy! Hindi ako nagbibiro!“ Ika ko pa.

Tinarayan naman niya ako tsaka siya sumagot.

“Alam mo inday, 500 ang binayad nila sakin. Kaya wag mo akong i-isturbohin maliwanag? Tsaka wag kang mag alala, dahil kahit hindi kapa nakasali sa patimpalak ay panalong panalo ka sa mga mata ko.“ Ika pa ni sammy at aakmang aalis sa make up room nang biglang pumatay sindi matay sindi yung mga ilaw sa loob.

Dahil dun ay agad akong kinabahan.

“See? Sinasabi ko sayo na may kakaibang mangyayare dito!“

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)Where stories live. Discover now