Aakmang aalis na sana si sammy sa make up room nang biglang pumatay sindi matay sindi yung mga ilaw sa loob.
Dahil dun ay agad akong kinabahan.
“See? Sinasabi ko sayo na may kakaibang mangyayare dito!“ sabi ko at malapit nang magpanik.
Tinawanan lang ako ni sammy at nagpatuloy na siya sa labas, kaya sumama na ako sa kanya dahil natatakot ako sa loob.
Nanood kami ng talent and fortune ng mga princess and prince hanggang sa isa-isa na silang natapos kaya bumalik nanaman si sammy sa loob ng room.
Pero ako? Nagpaiwan lang ako dito sa labas dahil napakaraming tao, mas magaan ang loob ko pag nasa mataong lugar ako.
Hanggang sa lumipas ang ilang oras at nasa huling parte na ng patimpalak, ang paangasan ng gown. Kaya mas lalong nagiging busy si sammy sa kaka make-up sa nagbayad sa kanya.
Habang nag hihintay ang mga tao kung kailan sisimulan ng mga kalahok ang mag paangasan ng gown ay lumingon lingon muna ako sa paligid, tinitingnan ko ang mga tao at aksidenteng nahagip ng aking mga mata ang isang matandang nakatalikod.
Pero ang ipinagtataka ko, wala siyang ulo at putol ang binti niya sa kanan. Kaya aakmang lalapitan ko sana siya subalit may biglang tumapik sa likuran ko kaya agad akong napalingon sa kanya tsaka siya biglang nagsalita.
“Huwag kang maniniwala sa mga nakikita ng iyong mga mata, maaaring tinatakot ka lang nito o baka may gusto siyang ipahiwatig sa'iyo. Ang gawin mo ay alamin kung ano ang motibo o sadya ng multo para mahanapan mo ng solusyon.“ Sabi nung matanda.
Agad akong nagulat, papanong nakapunta siya sa likuran ko? e'kakakita ko palang sa kanya sa harapan ko na walang ulo?
Kaya dali dali akong tumingon sa harap at sa pag lingon ko ay biglang nawala yung isang matanda na walang ulo.
Dahil dun ay agad ko ring binalik ang tingin ko sa matandang tumapik sa'kin, pero pag tingin ko sa kanya ay bigla nalang siyang nawala.
Isa din kaya siyang kaluluwa?
Or isang ispiritu na binabalaan ako?
Ang dami ko tuloy'ng iniisip, at sa ganitong pagkakataon ay dapat kalmado lang ako. Dahil kung magpapanik ako at ipagsasabi ko na may mga kababalaghang nangyayare sakin ay baka pagtatawanan lang ako ng mga tao, ang mas malala pa ay baka sabihin nilang isa akong baliw.
Sa totoo lang, natatakot na talaga ako. Sa loob lang ng isang araw ay ang dami ko nang nakikitang hindi ko manlang kayang ipaliwanag.
Lumipas pa ang ilang minuto at natapos na ang patimpalak, hindi nanalo ang kalahok ni sammy bilang isang princess of the night pero masaya naman siya kaya masaya na rin ako.
Magkasabay kaming naglakad pauwi at hindi ko sinabi sa kanya ang sinasabi nung matanda kanina.
Kaya kinabukasan…
Nagising ako dahil sa ingay ng selpon ko.
*Ring!* *Ring!* *Ring!*
Agad ko itong kinuha at nakita kong tumatawag si Kenneth, ang kuya-kuyahan ko. Kaya nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o babalik nalang ako sa pag tulog since magkalapit lang naman ang mga bahay namin, isang sigaw lang ay maririnig ko na agad ang boses niya sa labas.
Nga'pala, si kenneth ay kapatid ni sammy. Pero kuya-kuyahan na ang turing ko sa kanya.
Kaya napagpasyahan kong e reject nalang yung tawag at aakmang babalik na sana ako sa pag tulog ngunit tumawag nanaman siya ulit.
“Arggh! Umagang umaga kuya ha!“ Sabi ko sa sarili ko sabay sagot ng tawag.
“Hello?“ Sabi ko sa pataray na boses.
Bigla namang sumagot si kuya, pero sa pasigaw na may halong kaba na paraan.
“Karra! Huhuhu! Si samuel, wala na.“ Sabi pa niya.
Bigla akong napaupo galing sa kakahiga at sumagot.
“A-ano!?“ Gulat kong sabi at dali dali akong tumayo tsaka nagpunta sa labas ng bahay, nawala bigla ang antok ko.
“Si samuel, yung best friend mo wala na. namatay siya kaninang alas tres ng madaling araw habang papunta kami ng hospital.“ Dagdag pa niya.
Pagdating ko sa labas ay napansin kong walang tao ang bahay nila at nakalock yung pintuan sa labas ng bahay.
“A-ano!? Anong pinagsasabi mo kuya?“ Ika ko pa at dali daling nagtungo sa bintana nila sammy, ngunit ang naabutan ko nalang ay ang natutulog na bunso nilang kapatid na si kelly. Dapat magkatabi lang sila ni sammy matulog sa sala.
Hindi sumagot si kuya at humagulhol ng iyak.
“N-nasaang hospital kayo!? Pupunta na ako jan!“ Sabi ko habang nag papanik pero hindi ako pinapayagan ni kuya na pumunta doon dahil walang mag babatay sa kapatid nila dito sa bahay. At ang sadya naman talaga ng pag tawag niya sakin ay para ipaalam na wala na si sammy at nakikiusap na bantayan ko si kelly sa bahay nila.
“Nasa morgue na kami ni mama. Inaayos na namin ang papelist ni sammy para maiuwi namin jan sa bahay.“ Sagot niya at rinig na rinig ko ang pag hinga niya na may halong iyak.
Halos hindi ako makakapaniwala, paanong nawala na si sammy? Kagabi palang e'ang saya saya pa naming naglalakad pauwi ng bahay.
Dali dali kong pinuntahan si kelly at kumatok ako sa pintuan nila, tiningnan ko ang oras at alas kwatro(4) palang ng madaling araw.
Habang kumakatok ako ay napansin kong nagising ko si tito sa pagkatulog, kaya agad niya akong pinuntahan sa pintuan.
Pero bago pa ako madatnan ni tito ay naramdaman kong may isang matanda ang lumitaw sa likod ko tsaka siya nagsalita.
“Sinabi ko na sayo na huwag mong baliwalain ang palatandaan. Pero hindi ka nakinig.“ Sabi niya.
Agad akong lumingon sa likod ngunit bigla nalang siyang naglaho.
“Ano yun karra?“ Kalmang sabi nang papa niya at kitang kita sa mukha na hindi pa siya nakatulog.
“Nasaan po sila sammy?“ Tanong ko.
Bigla namang nagtaka si tito at sumagot.
“Wala ba sila sa bahay? (Sabay kamot sa ulo at tiningnan niya ang sala) siguro wala pa, kakarating ko lang kasi sa bahay eh.“ Sagot niya.
So hindi niya alam na tumawag sakin si kuya Kenneth, kaya mas pinabuti ko pang huwag nang sabihin kay tito at hahayaan ko nalang na sila kuya Kenneth ang mag sabi sa kanya.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.

YOU ARE READING
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #1)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang buong storya sa nangyayar...