Twenty three

71 3 0
                                    

Jack's POV

We're on our way to Rizal, my farm.

Doon ko naisip na itago ang mag-ina ko.

About kanina, sayang hindi natuloy.
Well, kung hindi siya sasama, natuloy na siguro.

Tigas din ng ulo eh.

"Gusto mo bang kumain muna bago sunduin si Georgina? Pag-order na lang natin siya ng food."

"Ikaw, bahala ka na."

Ugh! Napaka-dry kausap.

"Mag-take-out nalang pala tayo para mabilis."

"Saan mo ba kami balak dalhin?"

"Yung tanong mo parang kinidnap kita ah."

"Saan nga?"

"Sa Rizal. Sure ako magugustuhan mo ro'n. Hindi ka maiinip."

"Why?"

"Dahil may fruit farm ako ro'n."

Nag-order na ako ng makakain namin.

"So, may mga tauhan ka roon?"

"Oo. Pero dalawa lang. I mean tatlo, pati si Anton."

"Anton? Mapagkakatiwalaan ba natin ang pamangkin mo?"

"Oo naman."

"I think we are not safe if we go there."

"Bakit naman? Malayo na nga tayo sa mga taong naghahanap sa 'yo."

"We are not sure about it."

"Oh baka naman iniisip mo na hindi mo ako masosolo?"

She rolled her eyes.

"Tsk! Bakit ko naman iisipin 'yon? What I'm saying is... May ibang tao sa pupuntahan natin, meaning, baka malaman nila 'yung dahilan bakit tayo magkasama."

"Edi..." Bigla akong nahiya sa naisip ko.

"Ano?"

Kinuha ko na order namin ng nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Kalimutan mo na."

"If you have something in mind baka makatulong."

"Payag ka na magpanggap tayo na nagkabalikan tayo?"

"That's a big no. Never in my life na inimagine ko ang bagay na 'yan."

"O baka naman natatakot ka na ma-fall ulit sa 'kin?"

"I'll never repeat the same mistake I've done before.

"Don't you believe in second chance? Can't you forgive me just once?"

"Hangga't masakit pa, parang hindi ko pa kaya magpatawad. Maybe, I can forgive you but I can't say that I can give you a second chance."

"Kung tatanungin ka, payag ka ba na kilalanin na ako ni Georgina bilang tatay niya?"

"Wala sa 'kin ang desisyon. Nasa sa kanya kung gusto ka niyang tanggapin sa buhay niya."

Fast forward...

Claire's POV

Ilang oras na biyahe at nakarating na kami sa Rizal kasama na namin si Georgina.

"Good morning, Sir!" Sabi nung isang mama na may kasamang lola. Mag-asawa siguro sila.

"Good morning din ho sa inyo." Bati naman niya sa kanila.

"Asawa mo?" Tanong nung isang lola.

"Ah hindi ho." Sagot ko naman at biglang sumabat si Jack.

"Fiancé pa lang ho, Manang..."

One Word to Forever Where stories live. Discover now