Twenty four

57 3 1
                                    

Narrator:
                 
                 Lumabas si Claire para makipagkita kay Gino. That's exactly 7:30pm.

Jack has no idea that Claire left him in his house.

Nasa labas na ng restaurant si Gino at hinihintay ang pagdating ni Claire.

Unfortunately, may hindi kilalang lalaki ang nakasunod kay Claire na may dala pang baril at nakasuot na itim.

Nakita ni Gino na may babaril kay Claire mula sa likuran niya pero may kalayuan naman. Kaya sumigaw na lang si Gino ng "Claire, dapa!"

Ngunit hindi nagawa ni Claire na dumapa dahil hindi naman niya inaasahan na may biglang babaril sa kanya.

Ang pagkikita nilang muli na humantong sa madilim na karanasan.

Matapos barilin si Claire ng lalaki agad itong tumakas.

Walang ibang ginawa si Gino kung hindi itakbo siya kaagad sa hospital dahil sa ulo siya tinamaan.

"Lumaban ka, Claire... Please."

Napaka-wrong timing nito para sa kanilang dalawa.

Ilang minuto pa ang nakalipas nakadating na sina Gino at Claire sa hospital at diretso siya sa OR.

"Kami na po ang bahala Sir. Dito na muna po kayo maghintay habang inooperahan ang pasyente. May mga details po itatanong ang nurse mamaya."

"Sige po. Gawin niyo po ang lahat to save her."

GINO'S POV

Bakit nangyari pa ito? Gusto lang namin makita ang isa't-isa tapos ganito pa ang nangyari.

Dapat pala ako na pumunta sa kanya, hindi na sana nangyari ito sa kanya.

It was my fault.

Ugh!

Dumating ang nurse para kunin ang information ni Claire.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?"

"She's my friend. She's Claire Francisco."

"Ilang oras po mula ng mabaril siya?"

"Basta mula nung barilin siya agad ko na siyang tinakbo rito."

"Okay, sir. Salamat."

JACK'S POV

Bumangon ako para kumuha ng tubig. Pagbangon ko bigla akong nakaramdam ng kakaiba. 'Yun bang ang bigat bigla ng pakiramdam mo.

Dinedma ko na lang at uminom ng tubig.

Sakto napatawag si Georgina.

"Oh napatawag ka? 'Di ba dapat tulog ka na?"

"Hindi po kasi ako mapakali. Hindi ko rin matawagan si mama, hindi po siya sumasagot. Kaya tumawag na ako sa 'yo. Pasabi naman po kay mama sagutin yung mga tawag ko."

"Sige, tatawagin ko lang sa kwarto niya."

So, I did.

Ilang beses akong kumakatok at tumatawag sa pangalan niya pero walang tugon.

Kaya sinubukan kong buksan ang pinto at nakita kong hindi ito nakalock. Ang masama pa wala si Claire sa kwarto niya.

"Georgina, wala sa kwarto ang mama mo."

"Saan po siya nagpunta?"

"Hindi ko alam. Hindi rin maganda pakiramdam ko nung bumangon ako para kumuha ng tubig."

"Please, papa hanapin niyo po si mama."

It was the first time I heard her calling me papa.

Pero hindi sa ganitong sitwasyon na nawawala na naman si Claire.

"Hahanapin ko siya. Pangako ko sa 'yo 'yan."

Narrator:

Binigay sa nurse ang cellphone ni Claire.

Bilang maraming beses na tumawag si Georgina kay Claire binigay kay Gino ang cellphone ni Claire.

"May natawag po sa cellphone ng pasyente, baka kamag-anak niya po. Tatawag po siguro ulit 'yan."

"Sige, salamat."

GINO'S POV

Tiningnan ko ang cellphone ni Claire at ang daming ngang call ni Georgina.

Buti tumawag ulit. Kaya sinagot ko na.

"Hello, ma? Ma, nasaan ka po? Wala ka raw sa bahay ni tito Jack?"

"Hello, I'm sorry but this is not Claire."

"Sino po kayo? Bakit hawak mo ang cellphone ng mama ko?"

"I'm Gino. Kaibigan ng mama mo. Nasa hospital siya, inooperahan."

"Inooperahan? Ano pong nangyari kay mama? Pakitext po sa akin ang address please, pupuntahan ko si mama."

"Bukas mo na puntahan ang mama mo. Susunduin kita."

"Mama ko nasa OR kaya please hayaan niyo akong puntahan siya."

"Delikado, kung pupunta ka dapat may kasama ka. Hindi ka pwedeng mag-isa dahil baka kilala ka rin ng taong bumaril sa mama mo. Understand?"

"Bumaril? Sino pong bumaril sa kanya? Nakilala niyo po ba?"

"Hindi, dahil naka jacket at sumbrero siyang itim. Lahat ng suot niya itim. Hindi ko na rin naisip na kilalanin pa yung bumaril dahil mas mahalagang maoperahan ang mama mo."

"Papasama na lang po ako pagpunta riyan."

GEORGINA'S POV

Tinawagan ko agad si tito Jack para malaman ang nangyari kay  mama.

"Natawagan mo na ba ang mama mo?"

"Opo, pero hindi si mama ang sumagot. Nasa hospital po si mama dahil may bumaril daw po sa kanya."

"Alam mo ba kung saan hospital siya nandoon?"

"Opo. Puntahan mo na po ako rito gusto ko makita si mama."

"Sige, hintayin mo ako."

Narrator:

Umabot na ng limang oras ang pag-oopera kay Claire pero wala pa rin lumalabas na mga doctor.

Magkasama sina Georgina at Jack pumunta sa hospital.

Hindi sila mapakali dahil na rin sa pag-aalala kay Claire.

Maski si Gino ay hindi na rin nagawa matulog kahit pagod at antok na.

GINO'S POV

1am na nung may lumabas na doctor. Isa-isa silang nagsilabasan mula sa OR.

"Kamusta po ang pasyente?"

"It was very difficult procedure to save her life. Actually, nag-flat line na. We've just revived her by doing CPR. Kung hindi mo siya agad nadala rito mukhang hindi na siya maliligtas. Pero swerte pa rin siya dahil ligtas na ang pasyente."

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko 'yon mula sa doktor.

"Maraming salamat. Maraming, maraming salamat po doc. dahil nagawa niyong iligtas ang kaibigan ko. Ngayon lang kami ulit nagkita after 16 years tapos ganito pa nangyari."

"Hindi pa niya panahon. Ililipat na siya sa ICU kaya pwede mo na siyang makasama. Tumawag lang kayo 'pag may emergency sa pasyente."

"Sige, ho. Maraming salamat po ulit."

Buti na lang fighter talaga si Claire. Alam kong hindi siya susuko kahit kailan para sa anak niya.



One Word to Forever Where stories live. Discover now