Twenty six

44 2 0
                                    

JACK'S POV

Few weeks later...

Napag-desisyonan namin na sa mansion na kami uuwi ng mag-iina ko.

Doon, maaasikaso siya ng maayos.

Gagawin ko lahat para makuha ko ang tiwala ni Claire.

Si Georgina na ang gumawa ng paraan para makapagsimula kami ulit.

Sana matutunan na ulit akong mahalin ni Claire kahit sa ganitong paraan lang.

"Dito ba tayo nakatira?"

"Opo. Maganda rito para marelax ka."

"Akin na muna mga gamit niyo papasok ko muna sa loob."

Hay! Ang hirap pala magpanggap. Pero para kay Georgina gagawin ko 'to.

Pumasok muna ako sa loob para makapag-usap sila.

Narrator:

Inaalalayan ni Georgina ang kanyang mama sa pagpasok.

"Dito ba talaga tayo nakatira? Ang oa ng bahay ah? Konti lang tayong nakatira pero ang laki ng bahay."

Napangiti na lang si Georgina.

"Kasi po, para sa atin kaya pinagawa po ni papa na ganyan ang bahay. Dahil po 'yon sa atin."

"I just wondered, may mansion pero wala kaming wedding ring? You know my point?"

"Ma? Magtiwala ka lang po. Wala ka pong maalala kaya tutulungan ka po namin ni papa na  makaalala ka. Okay?"

"Sige. Magtitiwala ako, hindi para kay Jack, kung hindi para sa'yo."

"Bakit po hindi ka rin magtiwala kay papa?"

"Hindi ko rin alam e. Are we okay? Bago ako mabaril, okay ba kami? I don't know anything about him. Bakit ganoon?"

"Huwag mo na pong isipin 'yan baka sumakit pa ulo mo. Bakit hindi na lang po tayo mag-enjoy lalo na magkakasama po tayo ngayon."

"Buti na lang nandiyan ka. Ikaw ang lakas ko."

"At salamat po ma dahil hindi ka sumuko. Lumaban ka talaga para sa akin."

"Magpahinga kana muna alam ko pagod ka rin."

"Maya maya na po ma. Gusto pa kitang makasama e."

"Yung papa mo na saan?"

"Baka nasa kabilang kwarto po."

"Tumabi ka na lang sa akin para makatulog ako agad."

"Sure! Mas gusto ko ng po na magkatabi tayo para mamonitor din kita."

"Tulog na tayo?"

"Opo. Good night! I love you, mama!"

"I love you more!"

"I love you most!"

Hanggang sa makatulog na ang mag-ina na masayang magkatabi.

Sinilip naman ni Jack ang dalawa at tulog na ang mga ito.

Natulog na lang din si Jack sa loob ng kwarto kung nasaan sila pero sa lapag siya humiga.

Few hours later...

Maagang nagising si Claire. Since, hindi siya pamilyar sa detalye ng mansion, nilibot niya ito habang tulog pa ang dalawa.

Sa paglibot-libot niya, napukaw ang atensiyon niya sa garden na tila ba may naalala siya rito.

She's trying to remember it pero hindi niya maalala.

Samantala, nagising si Jack na wala na si Claire sa kwarto kaya ginising niya na rin si Georgina para hanapin si Claire.

One Word to Forever Where stories live. Discover now