01

476 12 2
                                    

CHAPTER ONE

HINAYANG na hinayang si Cookie. Isang linggo nang hindi kumikita ang shop ng kanyang Tiya Paquing. Dumalo diumano ito sa convention at hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa bumabalik. Nagpasya siyang kumilos.

“Zelda!” tawag niya sa pinsan, anak ni Tiya Paquing. “Zelda! Yuhoo!”

“Narito ako sa banyo, gaga!” tugon ni Zelda. Iritado dahil naabala ang pagdedeposito ng sama ng loob.

Tinungo niya ang banyo, kinatok. “Saan nakalagay yung tarot cards mo?”

Umungol ang nasa loob. “Bakit na naman? Katatanong mo lang kagabi, hindi puwedeng araw-­‐‑araw. Maguguluhan ka lalo. Umalis ka riyan, hindi ako makapag-­‐‑concentrate.”

“Hindi ko tatanungin, may gagawin lang ako. Saan mo nga inilagay?”

“Sa lalagyan ko ng mga panty—”

Hindi pa ito tapos magsalita ay pumulas na siya. Alam niya, kahit hindi nito sabihin ay nagtataka ito kung ano ang gagawin niya sa tarot cards.

Ang tarot cards nito ay yaong nabibili sa bookstore, may kasama pang booklet para i-­explain ang mga drawings. Regalo iyon dito ni Tiya Paquing. Hinuhubog na si Zelda para pumalit sa trono nito—Manghuhula ng Bayan.

Iyon ang trabaho ni Tiya Paquing at pinanghihinayangan niya ang mga kliyente nitong dumaraan at umaalis kapag nalamang wala ang batikang fortune teller.

“Kaya ko rin ‘to,” bulong niya sa sarili. Binalasa niya ang mga baraha. Paubos na ang kanyang allowance at alam niyang hindi siya makakautang kay Zelda. Nuknukan ng kakuriputan ang kanyang pinsan. Kung tatanggap siya ng kahit dalawang walk-­‐‑in na kliyente, kikita siya ng mga isang libo. Magagamit na niya iyong pamasahe at pangkain sa Lunes para sa interview niya sa kompanyang inaaplayan.

Sa state college sa kanilang probinsiya siya nagtapos ng HRM two years ago. Nakapagtrabaho naman siya sa ilang restaurant ngunit hindi siya napepermanente. Patakaran na ng mga may-­‐‑ari na gawin lang siyang casual. At dahil may katigasan ang kanyang ulo, pagkatapos ng anim na buwan ay napapaalis na siya.

Nagpasya siyang lumuwas. Nakitira siya kay Tiya Paquing. Tatlong hotel ang pinag-­‐‑aplayan niya. Umabot lang siya hanggang first interview.

Hindi niya alam kung bakit. Sa Lunes ay pupuntahan niya iyong three-­‐‑star hotel na pinadalhan niya ng resumé at application form.

Tinawagan siya at pinakuha ng exam. Pagkatapos niyon ay tinawagan ulit siya para nga sa interview.

Matanggap na kaya ako? tanong niya sa baraha. Humila siya ng isa. Wheel of Fortune. Binuklat niya ang booklet at binasa ang ibig sabihin niyon.

Hmm. Tumangu-­‐‑tango siya. May posibilidad na magkatrabaho na siya. Dahil hindi naman talaga manghuhula, hindi na niya naisip na iba ang ibig
sabihin kapag nakabaligtad ang baraha, at baligtad ang Wheel of Fortune na hawak niya.

“HERE?” Hindi makapaniwala si Roger nang pahintuin ng nobyang si Jeanette ang kotse sa tapat ng: MADAM PAQUING Tarot card reading, Palmistry, Numerology, Feng Shui

“Regular client niya si Mama, she asked me to try it. Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko, ‘di ba?”

“Hindi naman totoo ‘yan, e,” aniya. Minsan ay nakakairita ito. Kung hindi nga lang niya mahal at kung hindi nga lang malaki ang trust fund na magagamit niya sa expansion ng kanyang negosyo sa sandaling makasal sila—which was a month from now.

“Let’s go. Itanong natin kung suwerte ang napili nating date ng wedding. Itanong din natin kung compatible ang ating mga pangalan.” Nauna itong bumaba ng kotse. Napilitan siyang sumunod.

Fortune Cookie | ROSE TANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon