HWMN : 18

2.8K 74 13
                                    

CHAPTER 18
 

LEVANA ASIA
 

                NAKATITIG AKO SA email na natanggap ko galing sa hotel nina Klaus. Mukhang naayos na ni Klaus ang hotel rooms namin dahil bukas na rin naman na ang alis namin ng mga groupmates ko.
 
Tatlong kwarto ito. Isa para sa mga lalaki at isa para sa mga babae. Then my own room.
 
My groupmates are happy dahil nakalibre kami ng hotel. Okay lang naman sakin. Ang hindi lang okay sakin ay yung hindi pa rin kami nagpapansinan ni Klaus.
 
Nag-away kami kagabi. Well, hindi ko siya totally na inaway dahil takot ko lang na hiwalayan niya 'ko. Ayaw niyang mag-sorry sakin kaya hindi ko na siya pinilit. Hindi ko na rin siya pinansin.
 
"Asia, saan ka namin susunduin? Sa shop mo ba?" Jude asked habang sabay kaming naglalakad palabas ng building namin.
 
"Hmm. Hindi na 'ko nakatira ro'n."
 
Napalingon siya sakin. "Saan kung gano'n?"
 
I shrugged. "I'm living with my boyfriend. Uhm, send ko na lang yung address sayo mamaya,"
 
Klaus is too busy to drive for me. Isa pa, hindi nga kami okay! At kasama ko ang mga ka-grupo ko.
 
Hindi naman umimik si Jude sa gilid ko. We're going home. Well, ako ay uuwi na. Ewan ko lang kay Jude kung saan pa siya pupunta. Hindi ko rin alam kay Klaus kung susunduin niya ba ako o ano dahil nga hindi naman kami nagpapansinan.
 
"Na-print ko na papers natin. Gusto mo bang i-double check?" he asked again. I can feel him looking at me.
 
Ngumisi ako sakanya. "Check it for what? Ako naman ang nag-edit niyan, Jude,"
 
He chuckled. He just realized it, huh? Hmm. Maybe he's trying to have a longer conversation with me?
 
As I said, minsan na 'kong pinormahan ni Jude noong third year pero binasted ko lang agad dahil hindi ko siya type. He's too good for me. Kaya naman hindi na 'ko nagugulat ngayong gumagawa siya ng topic pa namin.
 
"6:30 in the morning tomorrow, Asia," he said nang maghiwalay kami sa bench nitong school.
 
"Yup,"
 
I turned my back on him. I guess, today isn't my lucky day dahil paglingon ko ay may nakabungguan ako!
 
"Shit!" I cursed.
 
"H-hala! Sorry, Ate!" natatarantang sambit ng freshman nang matapon sa damit ko ang juice niyang amoy strawberry at kulay pula pa!
 
Nakonsensya naman agad ako nang makita kong takot na takot siya.
 
I forced myself to smile and nod. "Yeah, it's okay," bumuntong hininga ako.
 
"Asia, here,"
 
Hinarap ako ni Jude sakanya. May hawak na siyang panyo ngayon. Bago ko pa maabot o makuha 'yon sakanya, naunahan niya na ako. Pinunasan niya agad ang braso kong basa pa.
 
He's not supposed to do this!
 
"Jude--"
 
"Levana."
 
I feel like that voice is a freaking thunder inside my head. I had goosebumps even before I turned my head back to see him.
 
Nilingon ko si Klaus. He's standing behind me. Hindi maipinta mukha niya. Masama ang tingin niya kay Jude na ngayon ay humakbang paatras sakin. Tumungo ako at nagkagat ng ibabang labi.
 
Fuck! Bakit ba ang guilty ko? Wala naman akong ginagawang masama!
 
Klaus usually waits in front of his car pero ngayon ay lumapit siya sakin! Because he saw Jude trying to help me wipe the juice!
 
"E-eto, Asia," Jude handed me the handkerchief.
 
"Thank you, Jude,"
 
I was about to get the handkerchief from him pero nagulat ako nang hinila ako ni Klaus palapit sakanya. Nanlamig ako. He's glaring at Jude, and he's not even trying to make an effort para hindi ipahalatang galit siya o ano! What the hell?
 
"She doesn't need your help. Leave," my eyes widened.
 
How rude!
 
Jude left without looking back. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko nang tinignan ko si Klaus.
 
"Klaus, that's so rude--"
 
"Rude? I don't fucking care, Asia. Who the fuck is that man?" he sounds so irritated.
 
Oh, really? Nagseselos siya? Kung sa ibang pagkakataon ay sigurong matutuwa pa 'ko dahil nagseselos siya ngayon! But hell... hindi pa nga tapos ang misunderstanding namin pero ito siya at gumagawa na naman ng away!
 
"He's Jude. He's my thesis leader. Klaus, you're so rude--"
 
"Rude? If I am rude, I should have told him to fucking pay for his hotel room,"
 
What?
 
"Klaus, ano bang nangyayari sayo?"
 
 
 
I still tried my best to calm my ass down dahil ayaw kong mas mag-away kami. Ayokong umalis ako nang hindi kami okay! Baka wala na 'kong uwian. That is the last thing that I want to happen.
 
 
 
He still looks so pissed. Hindi ko na alam kung paano ko siya pakakalmahin. Halata namang ayaw niyang hawakan ko siya o ano. Hindi ko alam kung anong gagawin ko!
 
 
 
"Just get inside the car and keep your mouth shut," he said emotionlessly.
 
 
 
I feel like someone just stabbed my heart when he turned his back on me without even trying to talk to me in a nice freaking way.
 
 
 
Tahimik akong sumunod sakanya para hindi na namin ito pag-awayan pa. 
 
 
 
Hindi niya matago ang inis niya kahit noong nagmamaneho na siya. Puro overtake ang ginagawa niya! Hindi ko na rin mabilang kung ilang sasakyan na ba ang bumusina samin!
 
 
 
Nang makarating kami sa tower ng condo namin ay hindi ko na mapigilang tignan siya dahil hindi siya bumababa o ano.
 
 
 
"Go. I'm going somewhere," he said without looking at me.
 
 
 
"Ha? Saan?"
 
 
 
He closed his eyes. "Just somewhere, Asia. Can you just go?" iritado niya akong pinasadahan ng tingin.
 
 
 
"But bukas na ang alis ko papuntang Batangas. Don't you want to spend time with me--"
 
 
 
"Spend time with you? Why? Hindi ka ba uuwi agad?"
 
 
 
I licked my lips. "Baka isang linggo akong--"
 
 
 
"Oh, isang linggo lang naman pala. You're overacting, Asia. It's not like I won't be able to breathe and move when you're not here. I can function without you,"
 
 
 
Napalunok ako para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil parang pinukpok ang puso ko sa sinabi niya! Parang sinasabi niya saking kung mawala man ako sakanya ay hindi na malaking bagay 'yon sakanya! While me... I can't live without him anymore!
 
 
 
Nangilid ang luha ko. Ayaw ko mang makita niya 'yon ay huli na. Mas lalo tuloy siyang nainis.
 
 
 
"I fucking told you, Asia. Huwag mo 'kong aartehan. Stop those stupid tears and get the hell out of my car," mariing sabi niya sakin.
 
 
 
My lips trembled, and my hand, too. Nanginginig akong lumabas ng sasakyan niya katulad ng gusto niya. He didn't even bother to say anything. Humarurot na lang ang kanyang sasakyan agad papalayo sakin.
 
 
 
I don't like the idea of crying in a public place kaya pumasok na ako sa tower agad. And when I reached our unit, I let my tears fall.
 
 
 
He's losing it, am I right?
 
 
 
Nababawasan na ang halaga ko sakanya. Hindi niya na ako gusto, hindi ba? His feelings for me are slowly fading, right? Kung talaga ngang may nararamdaman siya sakin?
 
 
 
It's impossible, na wala! I can see it in his eyes! May nararamdaman siya sakin! Hindi lang siya sobrang vocal pero nakikita at nararamdaman ko 'yon! But... it's slowly fading. Ano nang gagawin ko?
 
 
 
Ilang oras akong nabaliw sa wala hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong inaayos ang mga damit na dadalhin ko para sa Batangas. 
 
 
 
Gumabi na lahat lahat pero hindi pa rin nakakauwi si Klaus. I tried to call him once pero hindi nito sinagot ang tawag ko. Nag-text lang siya sakin at sinabing tigilan ko ang pag tawag sakanya.
 
 
 
I cooked his favorite dish para mabawasan ang inis niya! I waited for him to go home pero halos bumagsak na ang mga mata ko kahihintay sakanya pero hindi naman siya dumating.
 
 
 
Nagising ako nang 5 a.m. My eyes softened when I saw Klaus lying on the bed next to me. He's sleeping... hindi ko man lang namalayan ang pag-uwi niya. Anong oras kaya siya umuwi?
 
 
 
I looked at the digital clock. Kailangan ko nang mag-handa para mamaya.
 
 
 
I slowly and carefully hugged Klaus from behind. Nakatalikod kasi siya sakin. I hugged him for the last time. Matagal pa kasi bago ko magawa ito sakanya ulit.
 
 
 
"I'm gonna miss you..." I whispered.
 
 
 
We're not okay. Hindi siya nakapag-sorry sakin. Hibang na ata ako dahil ayos na 'yon sakin bigla. Ang importante sakin ay hindi siya mawala. I love him... so much. I'm so stupid.
 
 
 
Maingat akong umalis ng kama nang makuntento ako sa kakayakap kay Klaus. I took a warm shower before I cooked our breakfast. Gusto kong paggising ni Klaus ay may makakain siya.
 
 
 
I smiled bitterly nang makita kong napanis ang niluto ko kagabi dahil wala namang kumain. Tinapon ko 'yon agad bago pa magising si Klaus. He hates this.
 
 
 
I was wearing long sleeves and pants. Maliit na maleta rin ang dala ko and of course, some small bags to easily carry my things that I need to access all the time.
 
 
 
Nasa living room ako at nakikibasa sa mga chats ng groupmates ko sa group chat namin nang lumabas si Klaus ng kwarto. Napaayos ako ng upo nang makita ko siya.
 
 
 
Maaga siyang gumising ngayon kumpara sa mga normal na oras ng gising niya tuwing may pasok siya. Six pa lang ng umaga and he usually wakes up at 6:30 or 7 a.m. He's up early today.
 
 
 
"G-good morning," bati ko sakanya.
 
 
 
He looked at me pati na rin sa mga gamit kong nakahanda na. Ready na rin kasi talaga akong umalis at hinihintay na lang ang mga ka-grupo kong puntahan ako rito.
 
 
 
"Uhm, aalis na 'ko at 6:30. Nagluto ako ng breakfast mo," I said.
 
 
 
Tumayo ako at nilapitan ang niluto kong breakfast niya. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko. What's wrong with him? Hindi ba talaga niya ako papansinin? Bakit ba parang ang dali lang sakanyang hindi ako pansinin habang halos hindi ako mapakali?
 
 
 
"I'm going to call you from time to time. You better answer all my calls, Asia," masungit niyang sabi sakin.
 
 
 
"Of course," napapaos kong sagot.
 
 
 
Sinaluhan niya naman ako sa hapag. Para akong nakahinga nang saluhan niya ako. Tahimik lang kaming dalawa. Maya't maya ang tingin ko sakanya dahil hindi siya umiimik sakin.
 
 
 
"Uhm, may pasok ka today, 'no?" I tried to create a topic for us.
 
 
 
"Yeah,"
 
 
 
Ugh! That's so tipid!
 
 
 
"Uhm... one week din akong mawawala. I'm kinda worried sa shop ko, but I know naman that my co-artists can handle my shop," I chuckled to make things lighter.
 
 
 
He was still silent kahit noong tapos na kaming kumain. I washed the plates. Medyo nagmamadali na rin ako dahil papunta na ang groupmates ko rito sa condo namin ni Klaus.
 
 
 
"Klaus, bababa na 'ko sa lobby," I said after kong mag hugas.
 
 
 
Wala siyang imik na tumayo at kinuha ang maleta ko. Natigilan ako sa ginawa niya. Ihahatid niya ba ako sa lobby? I didn't ask for it, but I can't deny na sobra akong nasiyahan sa ginawa niyang 'yon.
 
 
 
I held his hand habang nasa elevator kami. Hindi naman siya nagreklamo at hinayaan lang akong gawin 'yon.
 
 
 
We waited in the lobby. Parehas kaming nakaupo ro'n. Nakasiksik ako sakanya at nakahilig sa kanyang braso. Parang ayaw ko na tuloy umalis at mas gusto ko na lang mag lambing sakanya!
 
 
 
"I'm gonna miss you..." I whispered.
 
 
 
Hindi siya tumugon sakin, but ayos na 'yon kesa itaboy niya ako. I kissed his hand. Napatingin siya sakin dahil sa ginawa kong 'yon. Maliit akong ngumiti sakanya.
 
 
 
"I'm sorry kung super busy ko lately, hmm? Malapit na 'kong mag-graduate, Klaus... konti na lang," I licked my lips.
 
 
 
"How sure are you that we're still together once you graduate?" 
 
 
 
Natawa ako sa sinabi niya. "I'll do whatever it takes to keep our relationship, Klaus."
 
 
 
He chuckled. "You sound obsessed..."
 
 
 
"Am I not?" ngisi ko sakanya.
 
 
 
Naningkit ang mga mata niya sakin. "And if you can't keep our relationship?" he arched his brow.
 
 
 
Mas lalo akong ngumisi sakanya. "Try me, Klaus. You don't know how far I can go. I've never been this in love with someone before."
 
 
 
He just smirked. "I don't like obsessive women," he stated.
 
 
 
I licked my lips. Now, I don't know what to say anymore. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin sakanya o ano. Nanahimik na lang ako.
 
 
 
Bumaba ang tingin ko sa labi niya. I don't want to make out here in public, but I also want to kiss him right now. Matagal pa bago ko siya mahahalikan ulit.
 
 
 
But to my shock, Klaus held my nape and kissed me on the lips! Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya ngunit hindi ako umapila. I just let him kiss me.
 
 
 
Using my hand, I covered our lips so no one could witness us.
 
 
 
My eyes were so sleepy when he pulled away from the kiss. He smirked when he saw my sleepy eyes.
 
 
 
"Are you sure you still want to go, hmm?" he caressed my cheek.
 
 
 
Mas namungay ang mga mata ko. "I wish we didn't argue last night... I really want you, Klaus," I whispered. Mas sumiksik ako sakanya.
 
 
 
He combed my hair. "I want you, too," he said. Napangiti ako sa sinabi niya. "Do your thing faster, Asia,"
 
 
 
Tumango ako sakanya. Dumating na ang mga ka-grupo ko. Sinamahan ako ni Klaus hanggang labas.
 
 
 
"Good morning, Levana," bati ni Irish nang makita ako.
 
 
 
"Good morning," bati ko rin.
 
 
 
Lumabas na rin si Jude mula sa van. I glanced at Klaus, and I saw him looking at Jude, too. Ano naman kayang iniisip nito?
 
 
 
"Tulungan na kita sa gamit mo, Asia," Jude said without looking at Klaus.
 
 
 
"Sure,"
 
 
 
Kinuha ko ang maleta ko kay Klaus at inabot 'yon kay Jude. Nakasunod pa rin ang tingin nito kahit noong nilalagay nito ang maleta ko sa likod ng van.
 
 
 
Sa harap ako uupo dahil ayaw kong may katabi.
 
 
 
I faced Klaus. I held his hands. Halata pa rin sa mukha niyang naiinis siya o ano. I pouted my lips and squeezed his hands.
 
 
 
"I don't know why I'm so scared of leaving you here, Klaus... hindi ako mapakali because no one will cook for you because I'm not here,"
 
 
 
He licked his lips. Halos matunaw ako sa mga tingin niya. His aurora-green eyes look perfect every freaking time.
 
 
 
"That's why you must do your thing fast, Asia. Or else... you'll miss me. I will not be with you, but I have eyes everywhere. Behave, hmm? And don't spend time with that leader of yours if you're alone. You know that I won't like it."
 
 

LESSURSTORIES
 
 

He wants Me, not?Where stories live. Discover now