HWMN : 24

3.4K 95 18
                                    

CHAPTER 24
 

LEVANA ASIA

 
              "THESIS DEFENDED! Good job, guys!" Jude happily said.
 

Hindi ko mapigilang ngumiti sa sinabi niya. Ito na ata ang unang ngiti ko matapos ang tatlong linggo.


 
Mabilis lumipas ang mga araw. Facing another day wasn't easy, especially for me. I feel so tired and weak. Wala akong gana lumabas ng kwarto. Siguro lalabas lang ako kung may gagawin.


 
Bihira na lang din akong pumasok sa shop. Kung pupunta man ako, dadaan lang... may mga clients na gustong ako ang mag tinta sakanila pero hindi ko sila mapag bigyan dahil hindi ko pa kaya sa ngayon.


 
Wala na 'kong narinig na kahit ano mula kay Klaus. I think it's for the better dahil hindi na nadadagdagan ang iniisip ko.


 
Though part of me still wants to talk to him. May mga bagay pa 'kong hindi nasasabi sakanya. Yung picture na sinend ni James sakin, I want to hear his explanations. Kahit wala na kami, I deserve to know what really happened in that picture.


 
Alam na ni Lola na wala na kami ni Klaus. Nagulat siya at nag tanong. Sinagot ko naman siya pero mostly puro kasinungalingan lang din. Ayaw kong sumama ang loob niya.


 
"Inom tayo!" tili ni Krizzy nang ma-defend din ang thesis nila.


 
Tumango ako agad. "Game! Saan tayo?" ngisi ko.


 
Alam nilang break na kami ni Klaus that's why napapadalas na ulit ako sakanila. Well, I really think that I deserve this kind of life. Hindi yung lagi 'kong inaamo ang lalaking 'yon.


 
"May bagong bukas na bar ang tito ko. Doon na lang tayo! Maraming pogi ro'n!" tili niya ulit.


 
Pumayag ako kaagad. Wala naman akong pakialam kung saang bar kami pupunta at kung may pogi man o wala. Hindi rin naman kasi ako naghahanap ng ibang lalaki. I don't like to entertain someone while I'm still wounded.


 
We went to that bar after class. Me and my circle. It felt so good and right to be back in my old life. Even though I miss... fuck! Stop it, Asia! 


 
Medyo maaga pa nang dumating kami kaya hindi pa gaano ka-wild ang mga tao. Nag-chill din muna kami.


 
"Girl, oh," my friend, Kim, handed me a glass of liquor.


 
"Ano 'to?" I asked as I tasted it. 
 


Tang ina! I stuck my tongue out nang hindi ko magustuhan ang lasa ng inabot niya sakin. It was Alfonso! Wala man lang halo. I never liked his one. Hindi ko gusto ang lasa!


 
"Drink it na lang, 'no!"


 
Well, wala rin naman akong magagawa!


 
"Lev, halatang malungkot ka, alam mo ba 'yon? For once naman, alisin mo muna sa isip mo 'yang ex mo."


 
What?! Hindi ko naman iniisip si Klaus at the moment! Well, I admit that naiisip ko siya lagi, but that's normal! Kaka-break lang namin and I loved him so much. Hindi naman agad agad mawawala ang nararamdaman ko sakanya. Ano ako, alien?


 
Hindi na 'ko umapila sa sinasabi nila. Katulad ng gusto nilang gawin ko, I enjoyed the party.


 
Good thing we have no uniforms that's why we can go straight here.


 
"Drink it all, Lev!" they cheered for me nang taasan nila ng shot ko.


 
I did what they wanted me to do. Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming nandito dahil kung saang saang table na rin kami napunta to socialize with others. Kanina pa ako nahihilo pero hindi ko tinitigilan ang pag inom dahil kumikirot ang dibdib ko.

He wants Me, not?Where stories live. Discover now