Chapter 5

93 19 4
                                    

Nanlalaki ang mga matang napalingon sa akin si Elena. Halatang hindi rin makapaniwala.

"Ang galing naman niya!"

"Iisa lang ang mali niya!"

"Tinalo niya si Agnar!"

"Oo nga! Akala ko si Agnar ang mangunguna ngayong taon!"

"Grabe! Ang talino! Sino siya?"

"Kilala ko iya-" agad kong tinakpan ang bibig ni Elena at hinila na siya palayo.

I don't want to be the center of attention.

"Bakit mo namang tinakpan ang bibig ko?" inis niyang tinanggal ang kamay ko.

"Ayaw kong makuha ang atensyon ng mga tao."

"Sus! Ito naman! Ayaw mo no'n bibida ka. Hays! Ewan ko talaga sa 'yo!" maktol niya at tinalikuran na ako papunta sa pinag-iwanan namin ng kabayo niya.

Agad akong humabol sa kanya at baka iwanan pa ako nito.

"Pasensya na, Elena! Kilala mo naman ako, eh."

"Bakit mo kasi tinakpan ang bibig ko? Tingnan mo naikalat pa tuloy ang palamuti sa labi ko!" iritang muling sigaw niya. "Ang pangit ko na!"

Nilapitan ko naman siya para tingnan. Yumuko ako para maayos na makita ang labi niya. Ang liit kasi ng babaeng 'to. Hanggang balikat ko lang.

Totoo ngang naikalat ang lipstick sa pisngi niya at may ilang parte pang nabura kaya hindi na pantay tingnan. Napunta kasi sa kamay ko ang ilang lipstick niya.

Kung bakit kasi ang kapal-kapal nang nilalagay niya!

Ikinalat ko ang lipstick sa labi niya gamit ang daliri ko. Nang makitang ayos na saka ko pinunasan ang kalat sa pisngi niya gamit ang panyo ko.

"Oh, ayan! Ayos na!" masayang sabi ko at dumiretso na sa kabayo niya.

"Uy! Tara na!" aya ko at tinapik siya nang nanatili siyang parang tuod na nakatayo roon.

Tila wala pa siya sa sarili nang tulungan ko siyang umangkas sa kabayo.

"Wala naman nakakita sa ayos mo," sabi ko pambasag sa katahimikan.

Siguro nag-aalala siyang may ibang taong nakakita sa kanya kanina.

Maarte pa naman ang babaeng ito at masyadong concern sa itsura niya. Ayaw niya pa ngang lumabas ng bahay nang hindi nakaayos.

"Huwag mo nang uulitin iyon," mahinang sabi niya.

"Pangako! Pasensya na talaga. Hindi ko naman sinasadyang takpan ang bibig mo. Nataranta lang talaga ako," paliwanag ko.

Ayaw kong magalit siya sa akin kasi grabe pa naman ito magtampo.

"Ang laki na pala ni Alda. Ang bilis ng panahon," sabi ko sabay haplos sa kabayo niya para maiba naman ang topic.

"Syempre! Alaga ko, eh. Pati rin naman si Alegro."

Bale magkapatid kasi ang kabayo namin. Nagtampo kasi siya noong nalaman niyang bibigyan ako ng kabayo ni Heneral kaya binigyan din siya kahit hindi pa siya no'n marunong sumakay.

Maldita pa kasi siya noon at nagseselos siya kapag binibigyan ako ng atensyon ng kanyang ama. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil sobrang busy ni Heneral at halos hindi na sila maalagang mabuti tapos makikihati pa ako.

Binigyan ako ni Heneral ng bagong kabayo mula nang malaman niyang ibinenta ang kabayo ko.

Hindi ko na kasi agad nabalikan ang kabayo ko sa pinag-iwanan ko sa dami nang nangyari sa araw na 'yon.

The Legend of ZevpheraWhere stories live. Discover now