Chapter 7

97 21 2
                                    

Goryo is a rural area, but it offers good food, it is a center of food production, especially agriculture sector, and caters and supplies most cities in Ancard.

That's the reason that Heneral Andres fought for it against the Estazan army before.

Kaya paniguradong malaking kawalan sa Ancard kung hindi namin ito maprotektahan ngayon.

Paakyat na kami ng kagubatan ng Sierra na naghihiwalay ng Azuter at Goryo. Gaya ng Mazvacarda ay masukal din ito.

Sobrang bilis nang takbo ng mga kabayo namin. Kung pasugod pa lang ang hukbo ng Estazan dapat mauna kaming makarating sa Goryo.

Naabutan na kami ng gabi sa bundok. Nagpahinga lang kami ng ilang minuto para kumain saka kami tumuloy.

"Maghintay lang tayo rito," sabi ni Tenyente nang tatlong kilometro na lang ang layo namin sa Goryo.

May inutusan siyang sundalo na magmanman muna kung ano nang nangyayari sa Goryo. Hihintayin namin itong makabalik.

Halos dalawangpung minuto rin kaming naghintay bago ito bumalik.

Humahangos itong tumakbo palapit kay Tenyente. 

"Tenyente, masamang balita! Nasa tarangkahan na sila ng Goryo at mali ang nakuha nating impormasyon. Hindi ang hukbo ng Estazan ang sumugod sa Goryo kundi mga Musvil."

"Ano? Akala ko ba sa border sila sumugod!" Napahilamos siya sa mukha.

"Mukhang nalinlang tayo, Tenyente! Mukhang hindi ang border at kapital ang totoong puntirya nila kundi ang Goryo."

"Sino ang namumuno sa hukbo ng Musvil?"

"Hindi ko nakita ang mukha niya Tenyente dahil nakamaskara ito. Pero sa tingin ko, siya ang bagong heneral ng Musvil na tinitingala ngayon."

"Si Heneral Duncan..." Kita ko ang sandaling pagdaan ng kaba sa mukha ni Tenyente.

Natigilan din ako sa binanggit na pangalan.

"Duncan..." wala sa sariling banggit ko sa pangalan.

A sudden memory flashed in my head. The kid who is smiling brightly while we are riding a horse.

"Ako nga pala si Duncan. Anong pangalan mo?"

What if? Pero imposible! Baka kapangalan lang. Saka masyado pa siyang bata para maging heneral.

"Lagot! Kung totoong si Heneral Duncan."
Napalingon ako kay Cesar.

"Kilala mo ba siya Cesar?" pabulong kong tanong.

"Oo, naririnig ko na ang pangalan niya sa mga sundalo sa kampo. Si Heneral Duncan ang kinakatakutan nilang heneral ng Musvil dahil matalino ito at mabagsik. Si Heneral Duncan ay hindi rin basta-bastang heneral dahil pangalawang anak siya ng Emperador ng Musvil."

He is also a prince!

"Siya ang pinakabatang heneral ng Musvil pero unang taon niya pa lang bilang heneral ay marami na siyang nasakop na mga bayan sa Estazan. Ngayon, mukhang isusunod niya ang Ancard."

"Tingin mo, ilang taon na siya?" Abot-abot ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya.

"Hmm, kung hindi ako nagkakamali. Labing-pitong taong gulang pa lang siya."

Nawalan ng kulay ang mukha ko.

Shit! Then there's a big possibility that he is the kid I saved!

"Hindi pa ito kailanman sumugod sa Ancard at kung siya nga ang heneral nila na sumugod sa Goryo. Hindi natin alam kung paano ang mga galawan niya. Sinasabing ito ay mabagsik at hindi nadadala sa pakiusap gayundin na napakatalino nito," ani Tenyente.

The Legend of ZevpheraWhere stories live. Discover now