Chapter 8

117 18 1
                                    

Napabalikwas ako nang bangon at napahawak sa ulo. Sobrang sakit ng ulo ko parang binibiyak.

"Mabuti gising ka na, Zev."

Napamulat ako. It's Carius and Agnar.

Nilibot ko ang tingin ko at nasa kampo na ako.

"Anong nangyari?" tanong ko. Ang alam ko may tumakip sa bibig at ilong ko.

"Pinaabangan ka sa amin ni Heneral sa Sierra. Kaso saktong hinihintay ka namin may nakita kaming mga sundalo ng Musvil na galing sa Azuter. Mukhang pinaghahanap ka. Sinundan namin sila, kaya ka nakaligtas," ani Carius.

"Muntik ka nang pumalpak. Kung wala kami. Ewan ko na lang kung buhay ka pa ngayon," nakahalukipkip na sabat ni Agnar.

Napaiwas ako nang tingin. Totoo naman ang sinabi niya. Kung wala sila baka hawak na ako ng Heneral Duncan na 'yon at papatayin.

"Tama na 'yan, Agnar." Pagsuway ni Carius. "...ang importante ngayon hindi siya nabuko. Nga pala, Zev, anong nalaman mo sa mga Musvil?" kuryosong tanong niya.

Sasagot na sana ako nang may biglang pumasok sa barracks.

"Gising ka na pala, Zev. Kumusta ang pakiramdam?" nakangiting bungad ni Heneral.

"Ayos naman na ako, Heneral. Masakit lang po ang ulo ko dahil siguro sa panyong ipinantakip sa akin," sagot ko.

"Mabuti kung ganoon. May nalaman ka ba sa pagpunta mo sa Goryo?"

"Heneral, narinig kong bukas. Babalik si Heneral Duncan sa Musvil. Kasama niya ang isang daan sa kanyang mga sundalo."

"Kung ganoon pwede na tayong maglakbay sa Sierra ngayong gabi, Tiyo!" excited na sabi ni Carius. Nanatili namang tahimik si Agnar.

"Sige, pero ibabalita ko muna ito sa mga opisyal para makapag-usap kami kung anong susunod na plano," ani Heneral.

Kung pwede lang sanang sumilip sa pag-uusapan nila.

Mabilis siyang naglakad palabas sa barracks pero ilang sandali lang ay bumalik siya.

"Pwede kayong sumama sa pagpupulong. Isama niyo na rin si Henry. Kayo ang may pinakamataas na nakuhang marka sa pagsusulit. Baka may ideya kayong pwedeng makatulong."

Napatayo ako nang marinig iyon.

Dahil narito na si Heneral Andres at mga hukbo niyang bihasa sa pakikipaglaban. Siguradong may laban na kami sa mga Musvil Army.

Ilang sandali lang kaming naghintay sa silid ni Heneral Andres bago dumating ang mga opisyal ng Azuter. Hindi ko mapigilang mamangha nang sa wakas ay makaharap sila. Mga tenyente, kapitan, komandante, at koronel ng Azuter!

General Andres is the Brigadier General of Azuter, and it seems like he will be promoted to Major General soon. 

My father is even of high rank. He was just promoted as Captain General when he was killed. Just one step, and he will be in the highest rank, the Minister Marshal.

Baka nga kaya siya pinatay dahil masyado nang tumataas ang posisyon niya. Maliban pa na may iniimbento siyang sandata.

He was also a very famous general to many people across Ancard.

Having too much military power is really a threat and attracts enemies. 

I listened carefully as they discussed the plan for our attack. They have the map of Goryo as well as molded clays that serve as a representation of the whole place of Goryo and its surroundings, like the Sierra. The thing here is that they don't have any high-tech presentations, but they're pretty artistic and accurate too. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Legend of ZevpheraWhere stories live. Discover now