CHAPTER 22: FATE

5 0 0
                                    

Jessa P.O.V

Naaninag ko ang liwanag mula sa isang apoy at gano'n din ang dalawang taong nakaupo sa harapan ko. Dali-dali akong napatayo at pinagmasdan ang paligid. Tila ba nasa isang lumang kuweba kami na hindi kayang pasukin ng liwanag mula sa labas.

"Huwag mo masyadong pilitin ang katawan mo, kailangan mo pang magpahinga," isang boses ng lalaki ang kumuha sa aking atensyon.

"Sino ka! Sino kayo!? Nasaan si Jeremy!?" sunod-sunod kong tanong sa kanila.

"Hindi kami ang kalaban mo rito at para sagutin ang iyong katanungan—"

"I'm Faye, Faye Crusoe o mas kilala sa pangalang Pearl Crusoe. Siya naman ay si Robert Keen o mas kilala sa pangalang Illian Keen," pagpapakilala ng magandang babae.

"Kung gano'n, kayo ang two legendary Leda na matanggal na panahon ng nawawala. Ano at bakit ngayon kayo nagpakita?" takot at naguguluhan man ay nagawa ko pa ring magtanong sa kanila.

"To help him— to help our son."

Nagulantang ako sa mga sinabi niya. Hindi ko mapigilang magkunot noo at tumingin sa kanila at kay Jeremy nang salitan.

"Imposible," hindi makapaniwala sabi ko.

"Jenna is our dearest friend. Siya ang tumayo at kinilalang ina ni Jeremy pero hindi mababago ang katotohanang kami ang mga magulang niya." Pagpapaliwanag ni Faye.

"Anong balak niyo ngayon? Paano natin ililigtas si Jeremy?" paglilinaw ko para sa naiisip nilang plano.

"Walang natin, Jessa. We're going to leave this place. We will take Jeremy with us. This is not our fight," tugon niya na nagpanginig sa katawan ko.

"No, you're wrong! This is our fight, it's everyone's fight. Kung hindi natin mapipigilan si Lazarus, wala ng mundo para sa lahat," pangungumbinsi ko sa kanila.

"I'm sorry, Jessa. We're still going to do this for Jeremy. Alam namin kung ano ang mas nakabubuti para sa kaniya," bakas naman sa boses ni Robert ang pangangamba.

"That is not right. Kung magising si Jeremy, sa tingin niyo ba papayag siya sa plano niyo?" nagtinginan naman silang dalawa matapos kong sabihin 'yon.

"Hindi, kaya naman aalis na kami habang mahimbing pa ang tulog niya." Tumayo sila at binuhat si Jeremy.

"Sandali, hindi kayo p'wedeng umalis!" Kahit pa nahihirapan ay sinubukan kong tumayo gamit ang isang patpat na nakuha ko sa sahig.

Tumigil si Robert sa paglalakad at humarap sa akin. "You have to stay away from Jeremy, Jessa."

"At kung hindi? Ano, papatayin niyo ako?" Panghahamon ko sa kanila.

"Lahat naman tayo ay mamatay pero kung ipagsisiksikan mo ang sarili mo sa mundong mayro'n si Jeremy—'yon ang magdadala sa'yo sa maaga mong pagkawala rito sa mundong ibabaw. Nakita ko na ang lahat, Jessa at bilang pagpapasalamat sa mga nagawa at gagawin mo palang sana para sa aming anak. Ituring mo na lamang itong pagpapakita ng mabuting loob. Mabuhay ka ng malayo sa kaniya o maaga kayong magkakahiwalay ng panghabang buhay." Mahabang litanya ni Robert.

"Sandali lang!" Pagpigil ko sa kanila.
"Hayaan niyo naman sana akong makapagpaalam sa kaniya kahit sa huling pagkakataon. Paki-usap kahit ngayon lang," kahit hirap ay pinipilit kong lumapit sa kanila.

Inilapag naman ni Robert si Jeremy sa sahig nang dahan-dahan at saka ko sinapo ang kaniyang ulo.

"Paki-usap bigyan niyo kami ng kahit saglit na oras. Kung ito na ang huli naming pagkikita, gusto kong masabi sa kaniya ang lahat," paki-usap ko sa kanila. Lumayo sila sa amin at binigyan ako ng oras para maka-usap si Jeremy.

Royal Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon