CHAPTER 24: First End

3 0 0
                                    

Jessa's P.O.V

Kasalukuyan naming tinatahak ang daanan patungo sa kinaroroonan ni Lazarus at ng ibang tapat niyang alagad.

Nang magising si Jeremy ay ipinaliwanag namin sa kaniya ang magiging takbo ng plano na kaagad niyang naunawaan. Mabuti na lamang at nasa katinuan na siyang muli.

Gaya ng plano ay nagtungo si Jeremy sa gitna kung saan makikita at mararamdam siya ni Lazarus. Kaagad na tumindi ang presensya sa paligid na kahit normal na taong gaya ko ay ramdam ang bawat bigat sa paligid.

Nang makalapit si Jeremy ay kaagad siyang sinugod ni Lazarus at nagsimula na ang isang labanang hindi ko inaasahang matutunghayaan ko.

Sumugod naman si Lincoln at Raven nang biglang tumulong ang ibang tapat na alagad ni Lazarus para matalo si Jeremy.

Bawat isa sa kanila ay mayro'ng katapat. Si Lazarus laban kay Jeremy, si Raven laban sa yin and yang siblings, at si Lincoln laban kay Nile. Hindi man patas ang laban ay lamang pa rin kami dahil nasa amin ang alas.

Binabantayan ko naman si Alezea habang sinusubukan niyang kumunekta sa spirit world. Sa oras na magawa niya iyon ay kailangan ko na lamang magbigay ng senyalas sa mga kasama ko.

Habang tumatagal ay mas tumitindi ang labanan na nangyayari. Kinakabahan naman ako sa bawat aksyon na kanilang ginagawa. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasalubong ang tingin namin ng isa sa yin and yang siblings at hindi ako sigurado kung nakita niya rin ako.

Ilang segundo lamang ay nasa harapan ko na ang isa sa kanila. Nagkatitigan kami ni ng ilang segundo at saka siya nag tungo kay Alezea.

"Tumigil ka, hindi mo siya p'wedeng likutin," pagpigil ko rito.

"I'm here to help," nang maalala ko ang kaniyang mukha ay muli kong naalala na siya ang tumulong sa amin noon ni Alezea at binitawan ko ang kamay niya.

Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang ulo ni Alezea at isang liwanag ang pumukaw sa atensyon  ng lahat. Matapos iyon ay bumagsak sa lupa ang katawan isa sa yin and yang siblings at bigla namang tumayo si Alezea.

Nang makita ko iyon ay agad kong pinaputok ang signal flare para kina Lincoln. Nang makalapit si Alezea ay nagsimula itong basahin ang chant at yumanig ang buong paligid.

Sinubukan kong lapitan si Alezea habang gumagapang dahil sa matinding pagyanig.

"Jeremy! Ngayon na!" Sigaw ni Lincoln.

Mula sa kinatatayuan ni Jeremy ay tumalon ito patungo kay Lazarus at mabilis na tinusok ang puso nito. Unti-unti namang nawala ang itim na ulap sa kalangitan na bumabalot sa liwanag at muli naming nasilayan ang sinag ng araw.
Kasabay ng matinding liwanag ay ang paghihingalo ni Lazarus.

"Hindi pa ito ang katapusan. Muli akong magbabalik at sa susunod na mangyari iyon ay sisiguraduhin ko ang katapusan niyong lahat." Tumawa ito nang malakas at tuluyang naglaho na parang abo sa hangin.

Nang mawala ang kaniyang wangis ay muling bumungad sa amin si Jean na walang malay. Habang natutuwa ang lahat sa mga nangyayari ay patuloy pa rin si Alezea sa chant na ginagawa niya.

"Lincoln, si Alezea!" Sigaw ko para agawin ang kanilang atensyon.

Kumakalat na ang itim na mga linya sa buong katawan ni Alezea at maging isa nitong mata ay kulay itim na rin.

"Stop, hindi mo siya maaaring likutin nang basta-basta o masisira ang kaluluwa niya. Hanggang ngayon ay konektado pa rin siya sa spirit world," paliwanag ni Raven.

"Anong gagawin natin? Hindi natin siya maaaring hayaan," aniko.

"Let the darkness consume her body. That's the only thing that we can do," she answered.

"No, we can't let that happen," sabi ko.

"Alezea, wake up! Gumising ka, Alezea!" Sinubukan kong yugyugin nang marahan ang katawan niya ngunit mas lalong kumakalat ang itim na bagay sa katawan niya at parehas na mata nito at mistulang bolang itim na.

Habang sinusubukan kong ibalik si Alezea ay isang dart ang tumama sa dibdib niya at bumagsak sa lupa. Nang humarap ako ay nakita ko ang mga taong nakakulay puting cloak at gaya ng kay Alezea ay isang dart ang tumama sa akin at nawalan ako ng malay.







Nang magkaroon ako ng malay ay nasa isang pamilyar na akong lugar. Ang bahay ni Lincoln, kaagad kong hinahanap ang iba at nakita kong kumakain sila sa kusina.

"Where's Alezea?" I asked.

"They took her, they will take care of her until she's cured." Raven answered.

"Who are they?" I asked again.

"We call them guardians, sila ang nagpapanatili ng harmony between the supernatural and humans. Sinisigurado nilang walang bakas na kakaiba ang maiiwan sa scene upang hindi gaanong mapukaw ang atensyon ng mga tao," paliwanag niya.

"Can we visit her?" I asked.

"No, sobrang higpit ng security nila at kahit ano pang gawin natin ah hindi tayo makakapasok sa loob," pagsagot niya.

"At ayos lang kayo sa gano'n? Nakita niyo naman ang kalagayan ni Alezea matapos niya tayong iligtas," pangungulit ko.

"Kumalma ka lang, Jessa. Magiging okay rin si Alezea," tugon ni Raven.

"Jean!?" paghahanap ko ng kakampi.

"I've been there, in that facility. Sigurado akong mas ligtas at inaalagaan siya ro'n. There's nothing to worry about, Jessa! She will be fine," pagpapakalma niya sa akin.

"Hindi dapat 'yan ang isipin natin. Matapos maglaho ni Lazarus, nawala rin si Nile at ang iba pa. Alam kong hindi sila titigil hangga't hindi nila muli nabubuhay si Lazarus," ani Lincoln.

"May lead na ba tayo kung saan natin sila p'wedeng makita?" Tanong ni Jeremy.

Umiling lamang si Lincoln bilang pagsagot. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kahit na sinabi na mismo ni Jean na magiging okay lang si Alezea sa lugar na pinagdalahan sa kaniya ay hindi mawala sa isip ko ang mag-alala.

Nagawa man naming matalo si Lazarus ay hindi pa rin ligtas ang lahat sa badya ng kaniyang pagbabalik. At ang isa pa ay ang tadhanang nakalaan para sa akin na sinabi ng mga magulang ni Jeremy.

"Bago kayo umalis, ipangako niyo na wala kayong pagsasabi ng kahit na ano tungkol sa mga nagyari at higit sa lahat, ang tungkol kay Alezea, maliwanag ba?" Pagpapaalala ni Lincoln.

Hindi pa rin maganda ang kutob ko sa kalagayan ni Alezea. Lalo na at huli ko siyang nakita ay binabalot siya ng matinding kadilim. Ang sobrang itim niyang mga mata, nakita ko ang kamatayan at iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng matinding takot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Royal Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon