01

902 17 7
                                    

CHAPTER ONE

"CONGRATULATIONS, Uncle," mahigpit na kinamayan ni Macky ang tiyuhing doctor, kapatid ng yumao niyang ama. Kasunod noon ang paghalik sa pisngi ng Tita Bella niya.

"Maraming salamat, iho. Mabuti't nakadalo ka. Kumusta si Mildred?" Ang Mama niya ang tinutukoy ng Tita Bella niya.

"She's fine. Gustong-gusto nga niyang sumama sa akin, pero hindi ko pinayagan. Bago pa lang siyang nakaka-recover sa depression, ngayon lang ulit siya nakakatulog ng maaga. Pasensya ka na, Tita, ayoko munang puyatin si mama." Kamamatay lang ng Papa niya at masyado iyong dinamdam ni Mrs. Mildred Gregorio.

"I understand, iho. That's very nice of you. Sana'y kaparis mo rin anng pinsan mong si Lyndon. Para kasing hindi siya nag-aalala sa akin," nagkibit ito ng balikat bago nagpatuloy.

"Mabuti pa ay tumuloy ka na sa loob, kumain kang mabuti."

"Thanks Tita."

Hindi na kailangang ituro kay Macky kung saan kukuha ng pagkain. Halos sa bahay na iyon na yata siya lumaki. Masyadong close ang papa niya at ang uncle niya, dahilan para maging close din ang kani-kanilang mga asawa. Dahil siya ang unang pamangkin at hindi kaagad nagkaanak ang mga Tita Bella niya, sa kanya nabuhos ang atensiyon ng mga iyon. Magpa-hanggang ngayong binata na siya.

Kumakain siya nang lumapit si Lyndon. "Pinsan, mabuti't dumating ka," tapik nito sa balikat niya. "Join ka sa grupo mamaya. May kasamang chicks si Pareng Rene. Hanep sa wankata, at mayaman. Gynecologist. Imagine mo na lang kung ilang beses siyang mag-caesarian sa loob ng isang buwan."

"Ikaw talaga, mag-aasawa ka na't lahat, babae pa rin ang nasa isip mo. Pero, maganda ba talaga?"

Nag-thumbs-up signal si Lyndon, pagkatapos ay tumalikod na ito habang sumesenyas na sumunod na lamang siya sa hardin.

Bata ng halos sampung taon sa kanya si Lyndon, ngunit magaasawa na ito. Ngayong gabi ang announcement ng engagement ni Lyndon at ng babaing napili ng mga magulang nito para sa
kanya.

Napili, pagkat purong Chinese ang
grandparents ni Lyndon sa mother side. Mula noon, hanggang ngayon, ganoon pa rin ang patakaran ng mga ito. Chinese mestiza rin daw ang babae at mas bata kay Lyndon ng limang taon. Katatapos lamang nito ng kolehiyo.

Matapos kumain ay nakihalubilo nga si Macky kina Lyndon. Tulad niya, mga professionals na rin ang mga naroroong kaibigan ng pinsan. At tama ito, maganda talaga ang Gynecologist. At type niya ang pagiging outspoken ng babae, kahit tungkol sa seksuwalidad. Para na rin niyang nakaharap si Margarita Holmes, sa katauhan ni Katerin Chavez.

"Nothing is wrong with a fellatio, as long as you're not forcing your partner into doing it. Kapag nagkaroon na ng pilitan, that's where the problem usually begins," deklara ng gynecologist, habang iba naman ang nasa isip ni Macky.

"Gawin kaya niya sa akin ang sinasabi niya?" tanong ng malikot nitong kukute. "Hindi na ako kailangan pilitin, kusang loob akong papayag."

Kung papansining mabuti ay makahulugan ang ngiti at sulyap niya kay Katerin, ngunit walang nakakapansin sa kanya, pagkat lahat ng nasa grupo nila ay kay Katerin nakatingin, o sa cleavage nito na tila nangangako ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Naputol ang paghabi ni Macky ng kahalayan nang lumapit ang maid nina Lyndon.

"Ser, dumating nap o si Mrs. Lee," anito kay Lyndon. Napansin ni Mack yang pag-asim ng mukha ng pinsan.

"Pare, maiwan ko muna kayo. May dumating lang na bisita si Mommy," ani Lyndon at tumayo.

Nagtataka si Macky sa kilos ng pinsan. Hindi tugma sa sitwasyon. Bakit hindi ito excited na malamang dumating na ang magiging misis nito?

Maya-maya pa'y narinig na nila ang tinig ni Dr. Pedro Gregorio, ama ni Lyndon. Nasa gazebo iyon sa kabilang bahagi ng hardin. Tumayo si Macky upang saksihan ang pag-a-announce ng engagement ng pinsan. Gusto rin niyang Makita kung anong hitsura ng mapapangasawa nito.

Accidental Bride | ROSE TANWhere stories live. Discover now