03

516 10 2
                                    

CHAPTER THREE

SA silid, hindi makapaniwala si Penny sa kinalabasan ng usapan. Buong akala niya ay mauuwi sa demandahan ang lahat dahil sa pagsisinungaling niya. Kaparis ni Lyndon, wala pa ring balak mag-asawa si Penny, lalo na ngayong nakapila ang mga talent scouts na gustong makuha ang serbisyo niya. Isang modelling agency ang agad naghain ng kontrata sa kanya. At hindi na niya kailangang dumaan pa sa mga screenings. Gustung-gusto na niyang pirmahan ang kontratang iyon, ngunit bigla ngang nagkasundo ang mga magulang niya at ni Lyndon na ipakasal sila. Goodbye modelling.

Nang sa hindi niya maipaliwanag na pangyayari ay nagisnan niya si Macky na nakahubad at katabi niya. Nagkaroon siya ideya. Alam niyang hindi siya pakakasalan ni Lyndon kung aaminin niyang nagalaw siya ng pinsan nito. Kung papalabasin naman niya na pinagsamantalahan siya habang natutulog, malamang na idemanda ng mga magulang si Macky. Hindi na siya mag-aasawa. Siya na rin ang bahalang mag-urong ng demanda kung saka-sakali, dahil wala naman siyang balak na ipakulong si Macky, dala lang ng pangangailangan niya kaya niya nagawang magsinungaling. Hihingi rin siya ng paumanhin sa lalaki.

Ngunit hindi rin tumugma sa plano niya ang lahat. Mag-aasawa pa rin siya. Hindi nga lang kay Lyndon, kung hindi kay Macario na sa tingin niya ay masyado namang maedad kaysa kaniya. Hindi pa rin matutupad ang pangarap niya na maging kilalang rnodelo, na siya niyang pangarap mula pa noong bata siya. Nasa kanya na ang lahat ng sangkap na kailangan sa pagmornodelo. Taas, sukat ng katawan, kinis ng balat, good upbring, hindi hamak na nakaungos siya ng malaki sa mga kasabay niya, iyon lang, hindi siya malaya. Paano siya makakapunta sa ibang bansa kapag may mga
shows doon kung may asawa na siya?

Ngunit hindi siya dapat mawalan ng pagasa. Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na si Lyndon ang mapapangasawa niya. Ang isang bagay na nagsusumiksik sa isipan niya ay ang katotohanang labag din sa loob ni Macky ang kasunduan ng mga nakatatanda sa kanila. Hindi ba malaking advantage iyon para sa kanya? Galit sa kanya si Macky dahil sa pagsisinungaling niya, gagamitin niya ang galit na iyon upang makamit ang kalayaan niya.

Sa mga Chinese, kapag nag-asawa na ang isang babae, wala nang pakialam ang mga magulang. At wala na rin iyong pakialam sa kanyang mga magulang. Samakatuwid, kung ano man ang mangyari sa kanila ni Macky, labas na doon sina Mr. at Mrs. Lee. Lalo niyang gagalitin si Macky upang ito na ang magmadaling mag-file ng annulment o puwede ring kausapin niya ito upang magsabwatan sila, Tama, kakausapin niya si Macky. Hindi tututol ito sa plano niya, pareho silang makikinabang.

PAUWI na si Macky at ang Mama niya. Tahimik ang binata, pilit na ibinabalik sa isipan ang maaaring dahilan ng lahat. Paano nangyaring sa silid ni Penny siya nakatulog? Si Lyndon ang huling kasama niya, imposible namang ipasok siya ng pinsan sa silid ng mapapangasawa nito!

Ngunit nasaan ang pinsan niya sa panahon ng pag-uusap at kaguluhan?

"Mabuti na rin ang nangyari, anak, malalagay ka na sa tahimik. Kahit papano'y mababawasan na ang tungkulin ko sa iyo," ang Mama niya.

"Ano naman ang ibig ninyong sabihin? Sawa na kayo sa pag-aalaga sa akin? Malaki na naman ako, a. Hindi naman ako nagbibigay ng problema sa inyo."

Punung-puno ng hinanakit ang tinig ni Macky, lalo pa nga't masama ang loob niya dahil ni hindi man lang siya ipinagtanggol nito nang tahasan siyang pagbintangan ni Penny ng hindi totoo.

Nang dumating ang mama ni Macky kasama ang tsuper nito, ay muntik nang hindi mapigil ng lalaki ang sarili na yumakap sa ina. Akala niya ay may kakampi na siya nang dumating ang ina. Wala pa rin, bagkus ay agad- agad itong nakipagsundo na ipakasal sila ng babaing bruhilda. May kutob pa siya na si Mrs. Mildred Gregorio pa mismo ang nagsuhestiyon ng kasal na iyon.

"Huwag kang magdamdam, anak. Matanda na ako at alam mo bang ikaw na lamang ang inaalala ko. Paano kapag nawala ako? Sino ang titingin sa iyo? Mukhang mabait na bata si Penny at napakaganda niya, anak. Tiyak na magaganda ang mga apo ko."

Gustong tumawa ni Macky ng malakas sa salitang "apo". Wala siyang balak sipingan ang prinsesa ng lagim, mabuti na iyong sigurado.

Baka mamaya ay kay Penny pa magmana ang magiging anak nila. Tiyak na pawang tiyanak ang mga iyon, may kanya-kanyang sungay.

"Naiintindihan mo ba ako ha, Macario? Hindi ko masasabi kung hanggang kailan pa ako dito sa mundo. Baka bukas makalawa ay sumunod na ko sa Papa mo. Ayokong isipin na iiwan kitang mag-isa. I love you so much. Ayokong malungkot ka ng husto kapag wala na ako. Believe me, lahat ng ito ay sa kabutihan mo. Mother knows best, tandaan rno iyan." Litanya nito na tila batang musmos si Macky.

"Mama, you're healthy. Ano ka ba naman? Wala ka namang sakit. Psychosomatic daw ang nararamdaman rno, dahil parati kang nag-iisip. But it's over. Wala nang problema sa iyo, Mama. You'll live up to a hundred."

"I know. I know. Still, I'm happy that finally you are settling down. Maybe a little more responsibility will do you good. Finally, you've found a purpose."

"Ma, anong palagay ninyo sa akin, walang responsibilidad. I am a responsible man. See how I'm doing with Dad's business? Aside from, I have my own business and I'm good at it too. Kulang pa ba iyon? Dahil sa akin, maganda ang takbo ng negosyong iniwan ni Daddy at nakapagpundar ako ng sarili kong negosyo. Is that irresponsibility?"

"Hindi iyon ang tinutukoy ko. Look at you, walang direksiyon ang buhay mo. You can go and leave as you please. Kahit anong oras mo gustuhing umuwi, nagagawa mo, Kahit ilang babae, kayang-kaya mong pagsabayin. Lahat ng pera mo, ginagastos mo para sa sarili mo lang. Sarili mong bisyo at hilig," patuloy pa ni Mrs. Gregorio.

"Anong masama doon, Mama? Wala naman akong inaagrabiyadong tao. Ganoon talaga kapag binata, di ba?"

"Precisely! I hate seeing you drift from one relationship to the next. I hate seeing you forever wandering. Having a family is a great thing, Macky. You'll see. Kung buhay ang Dad mo, siya mismo ang magsasabi sa iyo. It transforms a man."

Tahimik si Macky. Walang mangyayari sa usapan nila. Hindi siya maiintindihan ng Mama niya. Of course, may balak din naman siyang mag-asawa, kaya lang e, hindi pa niya natatagpuan ang babaing ihaharap niya sa dambana. Baka si Katerin Chavez, malaki ang crush niya sa Gynecologist pero hanggang kailan?

Hindi importante iyon, ang mahalaga'y makuha niya si Katerin. Bahala na kung saan dadalhin ang relasyon nila. Iyon ang prinsipyo ni Macario sa pag-aasawa. Kung ukol, bubukol.

Wala pa naman siyang naging girlfriend na nabuntis niya. Si Pam noon, kaso'y ipinalaglag nito ang bata. Masyado pang bata si Pam noon. Disi-otso at nag-aaral sa school ng mga madre. Wala siyang nagawa doon, dahil hindi rin naman niya sigurado kung kanya nga ang bata.

Mauutak na ang mga babae ngayon. Hindi basta-basta nagpapabuntis, maiingat. Ngunit aminado si Macky, na madalas ay siya ang nag-iingat. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, dumarating siya sa punto na nawawalan na siya ng interes sa kasalukuyang girlfriend at kapag ganoon wala siyang balak na patali.

Naisip niya si Penny, ang bruhitang si Penny. Ito ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan sa buhay niya, Anong malay niya kung sinadya ni Penny iyon mapakasalan niya dahil may gusto ito sa kanya? Baka na-love at first sight sa kanya.

Ngunit alam niyang hindi. Nang ma-finalize ang usapan kanina, isang ngiti ang ipinukol sa kanya ni Penny. Ngunit hindi ngiti ng isang babaing may gusto sa kanya, bagkus ay ngiti ng isang kaaway na nakaisa sa kanya at nagpanting ang tenga niya sa ngiting iyon.

Accidental Bride | ROSE TANWhere stories live. Discover now