Kabanata 2

0 0 0
                                    

CHAPTER 2: Transmigration Process


Felicity POV:

Nababalutan ng dilim ang paligid.. Palutang-lutang lamang ako habang ang mga alaala ng aking nakaraan ay nanunumbalik

'Nasaan ako' naitanong ko sa sarili habang litong-lito

Kahit na nang-hihinayang sa buhay na nawala sa akin ay hindi ko pa din maiwasang mapangit dahil sa wakas, malaya na ako..

Sa responsibilidad, sa pagod, sa mga isipin, sa mga problema at iba pa...

Ngunit, tama bang iwan ko ang pamilya ko?

Siguro ang kamatayan ko na lang ang mag-sisilbing gantimpala sa lahat ng nagawa kong kabutihan... Kung meron man

- - - - - - - - - - - - -

Hindi ko alam kung anong oras, araw, linggo, bwan, at taon na ang lumipas ngunit wala pading pag-babago sa sitwasyon ko ngayon

Patuloy pa din akong lumulutang dito sa kawalan na puros kadiliman lang ang nakikita..

Ang tanging nakakasama ko lamang ay ang mga memorya ko noong nabubuhay pa ako

Lungkot, saya, tuwa, mga kasiyahan naming buong pamilya, pagtatalo, pagod, mga libangan ko dati tulad ng pagbabasa, at iba pa...

Ah, naaalala ko din minsan ang huling libro kong nabasa..

Meron itong pamagat na  "Female Lead But VVillianes Attitude"  nakakatawa lang kasi ito din ang paborito kong istorya sa lahat ng nabasa kong nobela

Halos ulit-ulitin ko ng basahin at dumadating pa sa puntong kabisado ko na ang bawat kaganapan doon..

Gustong-gusto ko ang takbo ng istorya doon kasi hindi tipikal na babae ang bida dahil sya mismo ay masasabi mong b*tch talaga

Ang takbo kasi ng istorya ay mag-uumpisa sa isang madugong bakbakan..

Ang bidang lalaki at ang assistant nya na isa din sa bida ay mapapasok sa isang laban at doon mapupuruhan ng sobra

Kasabay din noon ang pagtatagpo ng landas nila ng bidang babae at doon sila mag-kakabutihan

Dahil nga hindi tipikal na babae ang bida, hindi nya tutulungan ang mga bida.. Bagkus, pababayaan nya itong mamatay

Doon naman papasok ang paborito kong karakter ang katulong ng bidang babae na biktima din ng abuso na mula mismo sa bidang babae

Sya yung pasekretong mag-gagamot sa dalawang bida ngunit sa huli ay mamamatay sa kamay ng mga bidang lalaki

Hindi pa doon nag-tatapos ang istorya dahil malalaman ng bidang lalaki na ang bidang babae ang nawawala nyang kababata na pinangakuan nyang pakakasalan dahil sa marka nito sa bandang batok... Ang markang buwan na may lobo

Dahil nga ayaw ng bidang babaeng sumama kahit na nanganganib ang buhay nito kasi sya ay literal na b*tch ay mapipilitan ang mga bidang lalaki na dukutin ito

Lilipas ang taon na nandoon sa piling ng mga bidang lalaki.. Ang bidang babae ay hindi kailanman iibigin nito ang bidang lalaki na labis na ika-lulungkot ng bidang lalaki

At sa huli lalabas na hindi pala ang bidang babae ang hinahanap na kababata nito kaya mag-paplano silang patayin ito na hahantong naman sa kamatayan nila dahil nalaman ng bidang babae ang plano nila kaya sinabotahe nya ang lahat

Sa halip na ang mga bidang lalaki ang makapatay sa bidang babae, sila ang papatatayin nito

Sa huli, makikita ng kamag-anak ng bidang babae ito ay tuluyan na nilang ililigtas at lilisanin kung saan naikulong ang babae

So, samakatutal hindi sila nag-katuluyan....

- - - - - - - - - - - - - - -

Ang kwentong yun ay ma-trahedya... Haha nakakatawa lang dahil sa kwentong yun ako na-adik....

Hindi dahil sa mga bidang karakter o sa mismong istorya bagkus doon sa katulong..

Naaawa kasi ako sa kanya dahil parang parehas kami ng sitwasyon... Nag-papakahirap sya ngunit kamatayan ang magiging pahinga nya

- - - - - - - - - - - - - - -

Napapangiti lang ako habang inaalala ang kwentong yon...

Akala ko talaga noong una sila yung mag-kakatuluyan pero napaka-ganda ng plot twist nito

Hanggang sa........

Ang kaninang madilim na paligid ay unti-unting nag-liliwanag..Ang liwanag na ito ay ang sumilam sa akin....

- - - - - - - - - - - -

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam sa langit.... Bakit parang ang hapdi ng aking likuran.. Na tila ba mayroong mainit na gumuguhit dito

"Latiguhin nyo pa sya" isang boses na nadidinig ko

Pilit ko mang iangat ang aking ulo ngunit may kung sinong sumipa sa likuran ko

"Stop, It's enough for now" isang malumanay na tinig ang nag-pahinto sa paglalatigo sa akin

Bago ko ipikit ang aking mga mata ay may lumapit na babae at iniangat niya ng unti-unti ang aking ulo, isang napaka-gandang babae na may mala-anghel na mukha ang bungad sa akin....

"Please my lovely maid, wag mong pangunahan ang mga desisyon ko" naka ngiti nyang sabi

Dahil sa sobrang sakit ng nadarama ko sa aking likuran ay tuluyan na akong nilamon ng dilim.....

The Change Of StoryWhere stories live. Discover now