Kabanata 4

0 0 0
                                    

CHAPTER 4: Meet The Female Lead

Felicity/Anastasia's POV

Hindi pa lang sumisikat ang araw ay dali-dali na akong gumising.... Nag-hilamos at nag-bihis na ako para sa araw na ito

Kahit na hindi ko ito sariling katawan ay halos kabisado ko na ang lahat ng personal na ginagawa ni Anastasia, ang may ari ng katawang ito

Base sa natatandaan ko at sa kwento ng libro, personal na katulong ako ng bidang babae na tinatawag na Lady Diana Nielle Detroit, anak ng isa sa mga mayayamang Baron said buong nayon

Habang naglalakad ako dito sa pasilyo ng kanilang bahay o tawagin na nating mansyon sa laki, ay hindi ko maiwasang kabahan...

Alam ko kung anong klaseng ugali ang mayroon kay Lady Diana.... Abusado sya sa yaman ng kanyang pamilya, malupit sa mga katulong at higit sa lahat ay walang awa ngunit magpagayon man ay madami ang nag-mamahal sa kanya...

Ang weird nga eh, bakit andami pa ding nag-mamahal sa kanya kung gayong malupit sya?

"Tasha!!!! Buti at ayos ka na!!" salubong na bati ni Cordell sa akin na lubos kong ikinabigla

"C-cordell, ginulat mo naman ako.. " nauutal kong wika habang nakahawak sa aking dibdib

"Ay... Hehe, pasensya na" tila ba nahihiyang sabi niya

"Ayos ka na ba? Diba dapat ay nag-papahinga ka lang? Wala ka namang balak na mamasukan muna Kay Lady Diana, di ba?" sunod-sunod at tila ba nag-aalalang tanong niya

"Ayos na ako Cordell,,... Salamat sa pag-aalala.." nakangiting wika ko sa kanya sabay lagpas at dali-daling binilisan ang pag-alis

Pag-tumagal pa ang usapan namin ay baka kaladkarin ako non patungong silid-pahingahan at isa pa may kailangan akong malaman kaya gusto kong mamasukan na

May gusto lang akong kumpirmahin tungkol sa pinaka-mamahal na bidang babae

- - - - - - - - - - - - - -

Nandito na ako sa tapat ng kwarto ni Lady Diana.... Huminga muna ako ng malalim bago ako marahang kumatok

'Tok! Tok! Tok!'

"Lady Diana, Uhm... Ako po ito, si Anastasia po" mahinahon kong sabi ngunit hindi pa din maitago ng nanginginig kong mga kamay ang kaba

"............ Pasok" kalmadong wika ng taong nasa loob

Paunti-unti kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang maaliwalas at napakagandang kwarto....

Ang kurtinang kulay rosas ay nakarolyo ng napaka-ayos, ang sahig na mayroon carpet, at higit sa lahat ay ang malaki at mukhang malambot na kamang kulay puti

Sa gitna noon ay naroon si Lady Diana, naka-upo ng pagka-elegante...... Ang kanyang mukha ay mala-anghel sa ganda at amo, ang kanyang mga matang  mapupungay at kulay rosas, mga maliit ngunit nanaisin mahagkan nino man na mga labis,  ang kanyang kilay na hindi gaanong makapal pero nasa saktong hugis, ang kanyang kutis na mala-porselana sa kinis at puti at higit sa lahat ang kulay asul at maalon nyang buhok

"Anastasia, ang napaka-ganda kong alalay...... Come closer to me..."  mahinahon ngunit may diing bigkas niya sa akin

Dahan-dahan at may pag-iingat na lumapit ako kay Lady Diana

"Bakit...... Ngayon ka lang Anastasia" pag-tatanong nya habang marahang itinagilid ang kanyang ulo

"Pasensya na po, nag-pahinga po kasi ako" nakayukong ani ko

'PAK'

Napatabingi ang aking ulo sa lakas ng pag-kakasampal nya sa akin

"How many times that I told you na hindi ka dapat mag-papahinga hanggat hindi ko sinasabi!!!!" sigaw nya saakin

'Tsk.... Masyado akong nag-padala sa temperament nya...... I forgot na hindi pala mabait si Lady Diana

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Change Of StoryWhere stories live. Discover now