Kabanata 3

0 0 0
                                    

CHAPTER 3: New World

Third Person Point Of View

Sa isang kwarto na may napaka-daming kama, mayr isang doong okupadong kung saan naka-higa ang babae

Sya ay may kulay kayumanging buhok na may pagka-kulot ang dulo, may maliit at matangos na ilong, ang kanyang labi ay may natural na mala-rosas ang kulay at ang kanyang mga pilik-mata'y mistulang maliliit na mga pamaypay

Kahit na ang kanyang katawan at mukha ay may mga sugat at pasa, hindi ito maitatago ang taglay na ganda ng babae

Ang kanyang dating malinis at puting-puti na bistida ay may mga bakas pa ng dugo, ang ibang parte ng kanyang suot ay may punit na

Mula rito sa kwarto na kinalalagyan ng babae ay madidinig mo ang mga bulungan ng kapwa nya katulong

"Nakaka-awa si Tasha no?" wika ng isang babaeng may hanggang balikat at itim na buhok

"Kaya nga, ginawa nya lang naman yun para kay Lady Diana" Gatong naman ng isa pang babae habang bit-bit nya ang kahong nag-lalaman ng mga gamot

"Hindi kaya..... Kaya ganyan kalupit si Lady Diana kay Tasha kasi alam nyang may taglay itong ganda na hindi mo maipag-kakaila?" Sabat pa nga isa habang papalapit sila sa pintuan ng kwarto-pahingahan ng mga katulong

"Kahit na anong rason pa yan,, wala tayong karapatan para mag-reklamo.. Tayo ay mga katulong lamang" pagtatapos ng isa pang katulong


Felicity / Anastasia's POV

Sobrang sakit ng katawan ko... Ang hapdi din ng aking likuran..Pakiramdam ko ay mag-kakasakit ako..

Ang huli ko lang na tatandaan ay noong may limalatigo sa akin..

Yung pag-sipa....... Yung magandang babae... Tapos.. Tapos.. Yung..

Bigla ko na lamang naimulat ang aking mata at dali-daling bumangon kahit masakit pa ang katawan ko, na sya naman ikinagulat ng mga kasama ko dito sa kwarto

Ngayon ko lang napansin na may iba pang tao bukod sa akin at ang kanilang mga kasuotan ay para bang nasa Victorian's Era sa haba

Ang kanilang mga suot ay bistidang kulay itim na may puting apron, hindi lang yan kasi yung mga apron nila ay may mga design's na frills o kung ano man yun

Meron ding parang panyo na nakalagay sa kanilang mga ulo, ito din ay kulay puti

Pansin ko rin ang kanilang mga buhok na ibat-ibang kulay... May maikling itim, may pula, kumanggi at medyo berde

"Tasha!!, buti at gising kana.... Ano may masakit pa ba sayo?"

Tanong ng medyo batang babae na may pulang buhok habang dali-daling nag-abot ng tubig na agad ko namang ininom

Pag-katapos kong uminom ng tubig ay takhang pinag-masdan ko naman sya

'Teka, kilala ko ba sya' tanong ko sa sarili

Ngunit para bang isang kidlat ang tumama sa akin.... Sobrang sakit ng ulo ko... Ang mga memoryang hindi sa akin ay patuloy sa pag-dagsa na para bang isang Dam ng tubig ang pilit na kumawala at patuloy na namiminsala

"Argh!!" hiyaw ko habang ang kaliwa kong kamay ay nakahawak sa aking ulo

"Tasha, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng babaeng may berdeng buhok

"May masakit ba sayo?,, Saglit lang at tatawag ako ng Doktor" tila ba natatarantang tanong ng babaeng may itim na buhok

"S-saglit, ayos lang ako.. Hindi mo na kailangang tumawag ng Doktor" wika ko kay Mariel, ang babaeng may itim na buhok

Napag-alaman ko rin ang kanilang mga pangalan sa tulong ng mga memoryang biglang pumasok sa akin

Ria ang pangalan ng babaeng may berdeng buhok, Cordell naman yung mayroong kayumanging buhok at ang babaeng may pulang buhok ay Fely

Teka......

Dali-dali akong nag-hanap ng salamin upang kumpirmahin ang aking hinala at buti na lang ay nakahanap ako ng isang malaking salamin dito sa kwarto

Bawat hakbang ko ay parang kay bigat,,, natatakot ako... Takot na baka tama ang hinala ko

Nag-tataka man ay sinundan parin ako ng mga babaeng kasama ko rito at ng nasa harapan na ako ng salamin ay tila ba gumuho ang aking mundo

'Hindi ako ito, Hindi ito ang aking katawan' kahit na naguguluhan ay pilit kong iniangat ang aking kamay patungo sa aking kanang pisngi upang makumpirma ang isang bagay

Ako nga ito.... Sa ibang mukha... Sa ibang katawan..... Sa ibang pagkatao at mundo

"T-teka, Tasha may problema ba?" Alalang tanong ni Mariel

"Ako ba si Anastasia Natividad?" Wala sa sarili kong tanong

"Pfftt... Syempre, sino ka pa nga ba!!" Tila natatawang sambit ni Cordell

"Pwede bang...... Umalis muna kayo?.... G-gusto kong mag-pahinga" tila nang-hihina ko pakiusap sa kanila na agad naman nilang sinagot ng tango

- - - - - - - - - - - -

Naka-higa ako ngayon sa aking kamang kinanalalagyan ko kanina.... Mukhang tama nga ang hinala ko..... Noong namatay ako napunta ako rito sa mundong hindi ko alam

Ngunit may isa pa din akong hindi gaanong kasigurado.... Na napadpad ako sa isang mundong nasa loob ng isang libro at iisang libro lang ang nasa isip ko ngayon

Ang libro kung saan...... Ako ay nakatakdang mamatay.......

The Change Of StoryWhere stories live. Discover now