Prologue

135 3 7
                                    

Rekindled Series #1 - Way Back Home

Rekindled Series #2 - Way Back Into Love

Rekindled Series #3 - Way Back To Where We Began

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains spoiler for other installments.

Enjoy reading!

-

"Alam mo... ang malas mong kasama," nakabusangot na sabi ko sa kaibigan kong si Erich habang kumakain. Nakain kami ngayon sa isang steak house malapit sa school.

A few weeks after our graduation, I went to our school with her to get some forms for college enrollment. Unfortunately, hindi ako nakakuha dahil hindi ako ininform ni Erich na kailangan pala ng clearance. Hindi rin niya ako ininform na may sinet na dates para sa bigayan ng mga requirements. I went through all this trouble for nothing.

"Tanga, malas ka lang!" Tinawanan niya ako.

"Simula noong ginulo mo ang buhay ko ngayong bakasyon, minalas ako."

"Ang sabihin mo, broken ka lang dyan sa happy crush mong si Gonzales."

I got annoyed as I heard that surname. Inambaan ko siya ng tinidor. "Tutusukin na kita."

"Huy!" Hinampas niya ang braso ko. "Pero ano, sasamahan mo pa ba akong manood ng laro nila? Malay mo, may maging crush ka sa kabilang team..."

"No way." Tumanggi kaagad ako. Nadala na ako, 'no! "As if namang gusto kong samahan ka pang malas ka!"

"Boba, swinerte nga ang team Born Free noong nanood ako," confident na sabi niya. She was talking about her boyfriend's team.

"Swinerte?" Umirap ako. "Magaling lang talaga silang maglaro."

"Speaking of magaling... ayie..." Sinundot niya ang tagiliran ko. "Galing ni Gonzales, 'no? Aminin."

"Whatever."

"Sa sobrang galing niya, naitago niya sa Instagram niya na may girlfriend siya!" She burst into laughter. "Bagay pala 'yung meme sa kaniya... hindi kita ilo-lowkey sa dump!"

"Alam mo, Erich Lyn, malapit na kitang sakalin."

"Alam mo, Leyzan Eunize, malapit na kitang makumbinsi. Samahan mo na akong manood ng finals, please."

"Ayoko. No is a no," I said firmly.

"Yes na yes for me, please?" Nginusuan niya ako. "Promise, super galing ng mga maglalaro! Balita ko nga ay walang talo ang makakalaban nina Daniel. Center of Attraction ang pangalan ng kalaban nila. 'Di ba, pangalan pa lang, halatang pogi ang players!"

"Ayoko nga, 'di ba?" Napa-iling ako. "Ang kulit mo kahit kelan, Erich."

"At ang hirap mo namang kumbinisihin!" Sumimangot siya kaya natawa ako. "Finals na lang naman, eh. Best of three na lang 'yon! Tatlong laro lang! Pagbigyan mo na ako..."

"Fine," I agreed. "But on one condition."

Na-excite siya bigla. "Girl, kahit ano, gagawin ko!"

"We will support Center of Attraction instead of Born Free." Lumawak ang ngiti ko nang mangunot si Erich Lyn. "Magpapagawa ako ng shirt na may logo ng team na 'yon, then we will wear it on finals."

"Alam mo? Tangina ka! Ito ka, oh." Erich Lyn raised her middle finger. "Ano lang ang sasabihin sa 'kin ni Daniel, ha? Na traydor ako?! Girl, I cannot!"

Nagkibit-balikat ako. "Sige, ikaw rin."

"I cannot wait to see myself na suot 'yung ipapagawa mong shirt!" biglang bawi niya kaya natawa ako.

At ang malas ay biglang minalas.

Pinahanap ko kay Erich Lyn 'yung logong ginamit ng Center of Attraction sa jersey nila. Hinanap pa rin niya yon kahit labag sa loob niya. Kinapalan pa nga raw niyang mag-chat sa coach ng team na 'yon, eh. At bago pa siya makapag-chat, tinanong pa raw niya si Siman. Hindi ko alam ang naging usapan nila, basta ang mahalaga, may shirt na kami.

"Oh, magpalit ka na." Inabot ko kay Erich Lyn 'yung pinagawa kong shirt. Ngayon na ang start ng finals.

Ayos na ang suot ko. I was wearing the same shirt that I gave to Erich Lyn. Nagpa-braid naman ako ng buhok kay Manang kanina. Dahil yellow ang kulay ng shirt, silver ang sinuot kong accessories para di masyadong masakit sa mata. I also applied light make up.

"I hate you... sobra pa sa sobra!" sigaw niya sa 'kin, pero kinuha niya pa rin 'yung shirt at nagpalit. Matapos siyang magpalit ay nginitian ko agad ang nakabusangot niyang mukha. "Wag mo akong ngitian, Ley, ang pangit! Bwiset, may susuyuin tuloy ako mamaya!"

"Okay lang 'yan, bebe ghorl." Tumawa ako.

After that, we went to the court. We arrived just in time. Naupo ulit kami ni Erich Lyn sa seats namin. Hindi niya nagawang lapitan si Siman dahil naka-line up na ang mga players. Babanggitin na ng announcer ang mga players ng bawat team.

If Born Free's players were tall, those from Center of Attraction were even taller. They took their team name too literally because if someone else were watching-someone without a team preference, just there to watch-they'd be the center of attention. They were facing away from us, so I couldn't see their faces.

Makalipas ang ilang minuto ay humarap sa amin ang team nina Siman. Paniguradong sila na ang tatawagin. Nagkanda-cheer naman ang katabi ko kahit sa kabilang team ang suot niyang shirt.

"Go, Siman!" Erich Lyn cheered.

Napaka-traydor!

Chos! Idea ko pala 'to.

"Born Free," the announcer said. "Reyes, 15. Siman, 07. Evasco, 38. Fortes, 19. Gonzales, 34. Dioneda, 01. Lopez, 27. Diaz, 11. Cadag, 05. Marbella, 12. Maraña, 34. Camposano, 22."

Matapos tawagin sila ay tinalikuran na nila ulit kami. Kasabay nang pagtalikod nila ang pagharap ng kabilang team. Nakakabingi ang ingay nang magsigawan ang mga nanonood, pero imbes na makisali sa pagchi-cheer nila, natuon ang atensyon ko sa isang manlalaro.

No... He can't be here.

"Center of Attraction... Detera, 06. Arevalo, 25. Grajo, 47. Ringor, 99. Narvaez, 52. Rivas, 10..."

Rivas.

Many surnames were mentioned, but my attention was on him. He stood tall with a smile as almost everyone cheered. And I hate to admit this, but he was indeed a center of attraction... in my eyes... only in mine.

-

chapters are all unedited, so please expect typographical and grammatical errors.

also, i wrote this story back when i was in 10th grade, so please bear with my writing style and the way the story progresses.

thank you!

Way Back Home (Rekindled Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon