GnL - Chapter 69 ~ Ang Mahiwagang Envelope

2.8K 48 11
                                    

Chapter 69

Grey's POV

"Tol, sa makalawa ang shipping diba?" Flame na ipinark na ang kotse ko sa labas ng coffeeshop niya. Yeah siya muna pinadrive ko, nasa talyer pa kotse ng loko. Andito daw ang barkada kaya sumama na din ako..

"Yep. Sa hapon pa ata yun darating. Ayun sa email ni Tyron."

Lumabas na kami ng kotse ko at dumirecho sa loob. Sinalubong kami ng isang staff ni Flame at sinabi ang kinaroroonan ng barkada. Nasa open area daw sila sa balcony.

"Hoy! Mga gunggong!" Sigaw ni Flame sa mga.. teka, bat nakakatulala ata sila? Mga mukhang bothered?

"Ano meron?" nilibot ko ang paningin sa lahat ng andun.

We have company. At kompleto ata kaming Highness dito maliban kay Kuya Tyron. Andito din ang mga kaibigan ni Mars... At andito si Hidden. Therefore, andito din sina...

"Ano nangyari sa inyo?" takang tanong ni Flame.

"Si Dark. Nagsuka." Simpleng sabi ni Jae

"Where's Mars?" Tanong ko kay Zia na tanging kumakain sa kanilang lahat. Wala ata itong pakialam kung ano man ang meron dito. Nararamdaman ko yung tension eh.

Si Hidden, nasa isang tabi at panay ang dial sa phone nito. "He is not picking up his phone!" naiinis na sigaw nito.

"Hidden, pabayaan mo na lang muna sila." Blue

"Nasha shi-ar shi Marsh..." sagot ni Zia sa pagitan ng pagnguya. "..... with Dark."

Natigilan ako bigla. Di ko alam bakit. Ineexpect ko naman na magkasama sila ngayon. Pero pakiramdam ko may problema.

Umupo ako sa isang upuan doon at naghintay.

Naghintay pero di talaga ako makahintay! Tumayo ako at sinundan sina Mars at Dark sa CR. Ayoko mag-isip ng masama pero dalawa sila magsasama sa loob ng isang CR?

Ano yun? Kalokohan? Lalaki ako at alam kong---AISH!

Dali-dali kong tinungo ang papuntang CR. Pagdating ko, pinihit ko kaagad ang doorknob pero f*ck! Locked. =_____=

I never do eavesdropping.

Pero hindi ko alam kung bakit may parang nag-uutos sakin pakinggan kung ano ang nasa loob.

Unang narinig ko ang mahihinang iyak... Bigla ko inatake ng galit. Bakit umiiyak si Mars?! PUCHA NAMAN! =________= Pag may masamang mangyari kay Mars sa loob, di ko sasantuhin ang sino man kahit pinsan ko pa!

Pinihit ko ulet ang doorknob. Locked pa rin talaga. Sh*t!

"Are you really breaking up.... with me?" umiiyak pa rin na boses ni Mars.

"No..... But... It's for your own good."

Napapikit ako. Takte Dark! Why do you have to do this to her?!

"This doesn't feel good Dark. I don't understand, I really don't understand."

Nalilito na rin ako sa mga naririnig ko. Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit ba ginaganito ni Dark si Mars? Amp*ta naman! Kahit kailan talaga, di mapagkatiwalaan tong lecheng lalaking to! Makaalis na nga!

"Listen to me Margarette, I haven't changed. It's still me. IT'S STILL ME....

...Just let me go."

Anak ng tokwa!

Napatigil ako sa paghakbang. Malinaw pa sa sikat ng araw yun. Tang*na Dark! Gusto ko manuntok! Kung kaya mong umiiyak sa harap mo si Mars, ako hindi. At di na mauulit ang pangyayaring ito dahil sisiguraduhin kong yan ang pinakamalaking pagkakamaling pagsisihan mo.

GLITTERS and LIES [ GnL ]Where stories live. Discover now