GnL - Chapter 72 ~ The First Give

2.8K 50 12
  • Dedicated to Shey Marzo
                                    

Chapter 72

Eunice’s POV

Andito ako ngayon sa bar ni NathNath.  Nag-iisa. Nag-eemo. De joke. Hindi ako nag-eemo noh?! Heler! Porket iniwan na ko ni Travis Young? Tss.

Gusto ko nga lang kasi mag-unwind, diba? Wag nyo nga kong iniintriga. Malalaman nyo ang lahat sa buhay ko sa SXWD. Sabi ni ate author -____-

Ay! Tama na. Past is past!

Tumingin ako sa wristwatch ko. Ano ba yan! 30 minutes na kong nakatambay dito.

“A shot of Margarita please.” Sabi ko sa bartender. Ayoko sanang uminom kaso nabobored na ko.

Tumingin ako sa paligid. Andaming tao. Lalo na sa dancefloor. Lahat hataw na hataw sa pagsasayaw..  at kung ano ano pa!  Naeengganyo akong sumiksik dun at makisayaw ng walang kasama pero..

“HOY! BAKLANG KOKAK! Bat di ka sumasagot sa tawag ko?” sundot ni Novy sa likod ko.

“Grabe ka makakalabit ha. Di masyado masaket.” Sarcastic na sabi ko na mukhang wala rin pakialam kasi nag-eenjoy na rin ngayon ang gaga sa disco music na nasa ere.

Kinulbit ko si Novy sa braso.

“Matagal pa ba si Zia? Ano bang problema nun?”

Itong mga huling araw kasi, parang nawawala sa universe si Zia. Busy ang peg? Jusko! Kay NathNath lang naman nagiging busy yun eh. -______-

“On the way na daw…” Novy na tiningnan ang phone para icheck ang text ni Zia.

“K.” matipid kong sabi.

“On the way na  pababa ng hagdan…” patulalang sabi ni Novy na nakatingin sa likod ko. Napatingin na rin ako sa likod ko.

O.O

At ayun! Ang hinihintay namin ay nandito na pala.. At mukhang nauna pa sakin. -______- What do we expect nga namin ay mukhang bantay sarado ang drama ni Nath dito.

“HELLO GALAXY AND HELLO WORLD!!!” bati ni Zia with all the arms extending pa.

“Kanina ka pa dito?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“Ahm.. mga two hours na. hihihi” Zia na daig pa ng Pacific Ocean ang lawak ng ngiti.  ^_______^ Anak ng tokwa nga naman Oo! Pinaghintay nya ko dito samantalang kanina pa pala lumalamyerda sa taas ang kerengkeng na batang to!

“Ano ginagawa mo dun?” Novy

“Eh hinahanap ko si Nathy ko. Hinalughog ko nga bawat cubicles dun. Wala na nga kong pakialam kahit may tao. May umaway pa nga sakin. Huhuhu! Yung kapatid nyang chaka! Yung si Chloe ba yun! Andun sa taas, kasama yung mga kaibigan nya! Huhuhuhu!”

“Aba’y anak ng tokwa naman! Halika’t susugurin natin!” Novy na hinawakan pa sa kamay si Zia. Amazona show! =_______=

“Ahihihi! Wag na Novs. Baka kasi mazero point ako kay Nathy ko pag inaway ko din yung kapatid nya. Hihihihi!”

“So magpapaapi ka dun! Ganun?!” sigaw ko.

“Wow! Kung makasigaw, ikaw ang inaapi te? Ikaw?” pilosopang si Zia.

Sinulyapan ko si Novy at binulungan. “Pigilan mo ko. Mapapatay ko tong batang to!”

“Ha? Bakit mo naman papatayin si bebe Zia natin?!” patangang sagot ng isa. -______- Okay, nakalimutan ko lagi pa lang nagbabuffer tong utak ni Novy.

Ayun, mukhang walang nakagets ng gusto ko iparating sa mundo! Nakakainis! Arghhhhh! Alam mo yung naghahanap ka ng kakampi pero wala! Wala!  Aish! Inisang lagok ko na lang yung lady’s drink na inorder ko.

GLITTERS and LIES [ GnL ]Where stories live. Discover now