GnL - Chapter 73 ~ Gamblers' Rule

2.6K 43 4
  • Dedicated to para sa mga matitibay na GnLians! :)
                                    

Chapter 73

Back to Mars’ POV

New Year. 5 am.

What if I never knew..

What if I never found you

I never had this feeling in my heart.

Kakasikat pa ng araw pero marahan na kaming naglalakad ni Papa sa red carpet na yun. Yep. My hand on his arm and his hand on mine.

Gusto ko maiyak..

Gusto ko maiyak dahil alam kong masaya ako. Di ko inakalang ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal. T^T

Nakakatuwang pagmasdan ang mga munting batang nagpapakalat ng petals sa unahan namin habang naglalakad.

Isang simple ngunit elegante pa ring garden wedding ang nagaganap ngayon. Suot ang puting maladyosang obramaestra ng isang Sherri Hill, marahan kong nginitian ang mga tao doon..

“My princess is so beautiful..” bulong ni Papa sakin.

“Thanks Pa. I’m so glad you’re my father.” ayan oh! Sumasabay sa pagdadrama ng okasyon na to ang bolahan namin ni Papa. Ahihihih^^

How did this come to me..

I don’t know how you found me

Kinakabahan ako. Malapit ko na siyang makita. Ang lalaking labis na nagpapatibok sa puso ko. Ang lalaking labis na nagpapaligaya sakin..

Ang lalaking gusto ko makasama sa habambuhay..

Ang lalaking sa wakas ay nandirito din sa kasalang ito.

But from the moment I saw you..

Deep inside my heart I know..

Nakatayo siya sa gilid na bahagi ng altar.

Gaya ng inaasahan, ang gwapo talaga ng isang Dark Hamilton. Kahit gaano pa kadilim ang aurang bumabalot sa pagkatao dito, masasabi ko pa ring siya lang ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko. Dark in his very fine Black Armani Tuxedo.

And by just seeing him waiting there makes my heart beats real fast..

I saw him smile a bit.

Pero may kakaibang kurot ang sumundot sa puso ko. Kasi alam kong di umaabot ang ngiting yun sa mga misteryosong mata nito.

Isang nasasaktang ngiti. Gaya ng mga puso namin ngayon.

“Thanks, hija. You’re always be my princess.” Pakiramdam ko nagpapaalam na si Papa sakin. Gusto ko na maiyak!

Feel na feel ko na talaga ang kasalang ito! With all my emotion and everything!

Hanggang sa…

“Salamat sa paghatid sakin sa altar, hija.”

Oo. Kasal to nila Papa at di sakin. Sa kasamaang palad! =_____=

Isang nakafeelingerang moment lang to para sakin para mag-ilusyon. T^T

Isang moment ulet ng kabitteran ko. Gosh! I'm so pathetic!

And yeah! Happy new year’s day! Bangag pa ko! Kundi ba naman adik tong sina Tita Elle at Papa na magpakasal sa unang araw ng taon! Hehehe. But I find it so romantic.^^

Dahil ako mismo ang naghahatid kay Papa sa altar. Tumingin ako sa mga andun. Puro masasayang mukha. Mga business partners. Few relatives at iilang malalapit na kaibigan ng pamilya Sy.

Hanggang sa marating namin ang altar. Nagstay ako sa likod ni Papa na parang best man lang. ^^

Habang nakikita ko ang kasunod namin sa paglalakad, di ko mapigilan masaktan.

GLITTERS and LIES [ GnL ]Where stories live. Discover now