Epilogue

58 2 0
                                    

Intimidating.

That's how I would describe her the first time I laid eyes on her. I was at a distance, yet I could clearly see how her eyebrows furrowed, lips tightened, and her eyes sharpened as she walked. It might have seemed amusing, but on that very day, despite her serious look, I gathered the courage to approach her.

Her confident walk sliced through the crowd, and I was drawn to her mysterious aura. As I got closer, nervous butterflies fluttered in my stomach, but her presence pulled me in like a magnet.

"Hi! Nasaan ang 10-Daisy dito?" I asked her with a smile, trying to break through her tough exterior.

She glanced at me. "Follow me."

At sinundan ko siya. Akala ko ay hanggang doon ko na lang siya makikita o makakausap, pero laking tuwa ko nang malamang magkaklase pala kami. Kaso... 'di ko na alam kung paano pa siya kakausapin. Mukhang pati pagkakaibigan, ayaw niya.

Kaya laking gulat ko nang pagkapasok ko sa canteen during lunch time, kinawayan nila akong dalawa ng kapatid kong si Emcy. Hindi ko alam kung saan ako mabibigla. Sa katotohanan bang kinawayan niya ako... o dahil kasama niya si Emcy. Pero bahala na.

And there... As we exchanged words, her stern expression softened, and a genuine smile graced her face. The initial intimidation gave way to admiration.

Tinamaan. Tinamaan nga yata ako.

Habang kumakain kami, nalagyan ng sauce ang gilid ng labi ni Leyzan Eunize. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-concious at gustong punasan 'yon. Nakakahiya mang gawin ang bagay na 'yon, pero ginawa ko pa rin. Kahit kinakabahan.

Lumapit ako sa kaniya. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Ramdam ko ring kinakabahan siya. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya. Tinitigan ko ang mata niya pagkatapos kong gawin 'yon.

Hindi ko maiwasang mapangiti. "May ketchup."

Simula noong araw na 'yon, nakakatawa mang pakinggan, pero ang buhay namin ay tila isang napakagandang kanta. Malalim at mahiwaga. Masarap bigkasin at magandang pakinggan... lalo na 'pag makasama.

Totoong maganda.

Parang si Leyzan.

And they say first impressions are often misleading, and in her case, that couldn't have been truer. Behind her tough exterior was warmth, depth, and a caring heart.

So, whenever I think back to that day, I can't help but smile at how fate allowed our paths to cross.

"Nakangiti ka naman, Chad!" Binatukan ako ni Emcy habang kumakain kami ng hapunan.

"Tito Paulo, si Emcy, oh!" pagsusumbong ko.

"Kayo talagang mga bata kayo." Napailing si Tito Paulo. "Kumain na kayo. Masamang magtalo sa harap ng pagkain."

Si Emcy kasi! Pati pagngiti ko, pinupuna!

Hindi ko talaga mapigilang mapangiti tuwing binabalikan ko kung gaano kami kabilis nagkalapit ni Ley. 'Yun nga lang at ganoon din kami kabilis nagkalayo. Dumating ang SHS. Magkaiba kami ng strand. STEM ako, habang ABM siya. Magkalayo kami, pero pinipilit ko pa ring magkalapit. Kahit mahirap. Kahit malabo.

"Chad, gago, inaaway si Ley!"

Para akong bulkang sasabog nang ibinalita sa 'kin 'yon ng kaklase kong si Arelle. Kahit kalayuan ang building namin sa kanila, hindi ko alam kung paano ako kabilis nakarating doon. Kitang-kita ko kung gaano nakaka-awa ang itsura ni Ley. She doesn't deserve the slaps, the bruises... She doesn't deserve any of those. Kahit anong makakasakit sa kaniya, hindi niya deserve 'yon.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now