CHAPTER 05

167 9 2
                                    

Magsasalita sana si ka-berting pero biglang tumunog ang celpon ko kaya ko iyon sinagot.

“Hello?“ Sabi ko sa phone at ni-loudspeaker ko pa.

Narinig ko ang boses ni kuya na nag sasalita.

“Kelly, ibaba mo yang kutsilyo!“ Sigaw niya sa kapatid niya kaya nakilala ko agad ang boses niya.

“Ikaw pala kuya kenneth, bakit ka napata—”

Naputol ang pagsasalita ko dahil dali daling sumagot si kuya kenneth na kinakabahan.

“Karra tulong! Si kelly, gusto niya akong patayin!“ Sabi niya na halatang kinakabahan.

Nang marinig ko iyon ay agad akong nagulat.

“Teka!? Seryoso!?“ Sabi ko pero biglang pinatay ni kuya Kenneth ang tawag.

Dahil dun ay narinig rin ni ka-berting ang sinasabi ni kuya kenneth kaya dali dali kaming umalis sa kubo niya at sinamahan niya ako pabalik sa bahay nila kuya Kenneth.

Halos isang oras ang byahe namin paalis sa baryo nila ka-berting at nakarating kami ng hapon sa bahay nila kuya kenneth.

Dali dali kaming pumasok sa loob ng bahay at nakita naming may mga tao sa loob ng kwarto, kaya agad ko iyong pinuntahan.

Pag lingon ko sa kama ay dito ko nakita si kelly na nakahiga at nakatali ang magkabilang paa at kamay sa kama tsaka siya sigaw ng sigaw.

“KALARO!! MAG LALARO LANG KAMII!!“ Sigaw niya pero yung boses niya ay pagalit.

“Kuya! Anong nangyari kay kelly!“ Sabi ko at agad namang lumapit si ka-berting.

“Hindi ko alam karra! Basta bigla nalang siyang tumakbo papasok sa kwarto at nagtago sa ilalim ng kama, kaya sinubukan ko siyang kunin. Pero nagalit nalang siya bigla kaya humingi ako ng tulong sa mga kapit bahay natin.“ Sagot ni kuya kenneth.

Sa gilid ng kama ay may isang pari na nagdadasal.

“Teka, exorcism iyang ginawa mo father!“ Sigaw ko.

Hindi sumagot si father at nagpatuloy lang sa pag dadasal habang binasbasan niya ng holy water si kelly.

“Karra! Sinapian daw ng masamang ispiritu ang bata sabi ni father.“ Sagot ni mama. Nasa loob rin pala si mama.

Habang binasbasan si kelly ng holy water ay para bang Immortal itong ispiritu na sumanib kay kelly, dahil hindi tumatalab ang banal na tubig sa kanya at natatawa pa nga ito sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Dahil dun agad na nag punta si ka-berting sa kusina na ipinagtaka ko, pero hindi ko nalang siya ininda at tumingin ako ulit kay kelly pero parang wala siya sa tamang katinuan.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nakita ko nalang si ka-berting na bumalik sa loob ng kwarto tsaka may dala siyang maraming asin at isang tasa tsaka pinapaalis niya kami dahil kailangan niya ng malaki-laking lugar.

Agad naman kaming nagsi-alisan maliban kay father, kinuha ni ka-berting ang kutsilyong nakalagay sa gilid ng kama at sinugatan niya ang kanyang kamay.

Hindi ko siya maintindihan, tsaka ang lahat ng tao ay pinalabas ni kuya kenneth sa bahay nila. Tsaka bumalik si ka-berting sa sahig at yung sugat niya ay sinentro niya sa asin at nahalo ang kanyang dugo sa asin tsaka niya ito dinasalan ng kakaibang lengwahe.

Pagkatapos nun ay nilagay ni ka-berting ang asin sa sahig tsaka niya ito pinormang bituin, pero kakaibang bituin ito dahil may bilog sa labas. Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay bakit nakabaliktad yung bituin?

Agad namang tumayo si ka-berting at humarap kay kelly, nagpatulong siyang kunin ang bata at ilagay sa loob ng bilog na may bituing nakabaliktad sa gitna.

Agad naman kaming nagulat pero hindi pinayagan ni father na pakawalan si kelly, dahil kung makakawala si kelly sa pagkakatali ay mahihirapan na ulit silang ibalik sa kama si kelly.

“Makinig nalang kayo sakin! Paubos na ng paubos ang lakas ng bata!“ Sabi niya.

Sinuway ito ni father pero alam kong gagana ang pamamaraan ni ka-berting dahil minsan na rin kaming tumawag ng kaluluwa gamit ang ouija board. Kaya agad akong lumapit sa kama at kinuha namin ni ka-berting ang mga tali.

Nagulat naman si kuya kenneth sa ginawa namin pero kitang kita sa mukha ni kelly ang pagdudusa at wala manlang nagbago kay kelly habang nag exorcist si father, kaya tumulong nalang siyang pakawalan si kelly at pinagtutulungan naming ilagay sa loob ng bilog na may bituing nakabaliktad sa gitna.

Dahil sa sobrang lakas ni kelly ay agad rin namin siyang nabitawan nang makapasok na siya sa loob ng bilog.

Nagwawala si kelly at sigaw ng sigaw, tila ba'y nawawala na nga ito sa sarili. Pero ang ipinagtataka lang namin ay bakit hindi umaalis si kelly sa loob ng bilog? Sinubukan niyang tumakbo pero hanggang sa loob lang ng bilog ang kaya niyang takbuhin, hindi siya makakalagpas sa asin.

Dahil dun ay agad kaming nagulat.

“Anong klaseng pamamaraan yan?“ Gulat na sabi ni father.

Sumagot naman si ka-berting.

“Isang ritwal spell ang ginawa ko, tanging mga supernatural lang na may malaking antas ang makakagawa nyan at maraming nang karanasan.“ Sabi niya.

Bigla akong nagulat sa ginawa niya, ang akala ko ay ordinaryong albularyo lang itong si ka-berting. Pero hindi pala.

Pati ang pari ay nagulat rin sa ginawa niya  tsaka nagsalita pa si ka-berting.

“Hindi lang basta ordinaryong kaluluwa ang batang ito, maaaring sobrang tagal na niya dito sa lupa kaya marami na siyang karanasan sa pananakot. Dahil pati banal na tubig ay hindi na umi-ipekto sa kanya.“ Sabi niya.

Napatigil naman si father sa kakabasbas ng holy water tsaka ito kinuha ni ka-berting at binuksan, binuhus niya sa tasang kinuha niya sa kusina tsaka niya pinunit ang sobrang mga asin sa pag gawa ng bilog na may bituin sa gitna at dahan dahang binuhos niya iyon sa tasa at na pinormang krus tsaka siya nagsalita.

“Panginoon, Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ikaw ang lumikha ng lahat ng may buhay, ng katawan at kaluluwa, hinihiling namin sa iyo na pagpalain ang tubig na ito.“ Sabi niya at nag sign of the cross.

“Gagamitin namin ito sa pananampalataya na patawarin ang aming mga kasalanan at iligtas kami sa lahat ng sakit at ng kasamaan.“ Dagdag pa niya tsaka niya hinalo-halo gamit ang isang daliri niya.

Pagkatapos ay binulongan ni ka-berting ng kakaibang lengwahe at binalik sa loob ng lagayan kung saan ito nakalagay kanina.

“Tapos na.“ Sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni ka-berting pero agad naman siyang humarap kay kelly na nagwawala tsaka niya ito binasbasan ng holy water.

Dito nga ay biglang nasunog ang balat ni kelly na ikinabigla ko ng husto.

“Lumayas ka sa katawan ng bata na ito ngayon din!“ Sigaw ni ka-berting at tinapunan niya ulit ng holy water si kelly.

Umusok ng umusok ang balat ni kelly at dahil dito ay hindi nakayanan nung sumanib sa kanya ang sakit at napilitan itong lumabas sa katawan. Kaya pumasok si ka-berting sa loob ng bilog.

Nang nakalabas na yung multo ay kitang kita sa mukha ng batang babae ang galit at puot tsaka niya sinugod si ka-berting at pinatay.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)Where stories live. Discover now