CHAPTER 08

126 13 7
                                    

Nang makita nung batang multo ang kanyang ina ay agad siyang napatayo at aakmang tatakbo palapit pero dahil sa ritwal ay hindi siya makalapit.

“Mama! Huhuhu!“ Naiiyak niyang sabi.

Agad na tumayo ang ina at aakmang lalapitan niya ang bata pero pinigilan ni kuya kenneth.

“Mas maganda kung hindi kayo papasok sa bilog (sabay turo sa sahig) pag yan nabura hindi mo na makikita ulit ang anak mo.“.sabi niya.

Napatango nalang ang ale, hanggang titig nalang ang magagawa niya kahit sobrang gigil na itong mayakap ang kayang anak.

“M-maria… (sabay punas sa luha) anak ko.“ Sabi niya.

Kitang kita sa mukha ng dalawa ang saya, totoo ngang walang kapantay ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

“Maria, maaga ka mang nawala sa mundong ito. Pero manatili kang buhay sa puso ko.“ dagdag pa niya.

“Mama! Huhuhu!“ Tanging yan lang ang masagot ni maria sa kanyang ina.

Ilang segundo lang ay biglang humangin ng malakas, sobrang lakas kahit nasa loob kami ng kwarto ay halos liliparin kami ng hangin.

Nakahawak kami sa kama para lang hindi kami matangay ng hangin hanggang sa napansin kong nagsiliparan yung mga asin kaya agad akong nagsalita.

“Yakapin mo ang anak mo ate!“ Sabi ko dahil parang masisira yung ritwal, mas mabuting mahawakan niya ang anak niya bago ito maglaho.

Dali dali naman siyang pumasok sa loob at dito nga ay nayakap niya sa huling pagkakataon ang kanyang anak kasabay ng pag tigil ng hangin at bumalik na sa normal ang lahat.

Masaya siyang yumayakap sa kanyang anak, subalit natapakan naman niya ang bilog dahilan para mapawalang bisa ang ritwal kasabay ng pag ilaw ng bata at lumutang sa ere.

“M-mama! Huhuhu!“ Sabi nung bata.

Bigla namang lumagpas ang bata sa pagkakayakap ng kanyang ina na ipinagtaka ni ale, pero parang pamilyar sa akin ang liwanag na iyan. Dahil ganyan din yung linawag noong nagpunta na si ligaya at marikit sa kabilang buhay.

Di ko alam kung magiging malungkot ba ako o maging masaya, dahil sa loob ng pitong taon ay ngayon lang sila ulit nagkita-kita.

Pero ito na pala ang huling pagkikita nila, sa tingin ko yun ang kailangan nung bata kaya siya hindi makakapunta sa kabilang buhay.

Dahil nangungulila pa rin siya sa pagmamahal ng kanyang ina. At ngayong naramdaman na niya ulit ang pagmamahal ng ina ay dito na siya nakampante at sumaya.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nawala na nga ang bata ng tuluyan, naiwan kaming nakatingin kay ale na umiiyak.

Napaisip tuloy ako kung bakit biglang bumukas ang aparisyon ko, siguro para tulungan ang bata na makitang muli ang kanyang ina at mayakap.

Nakita ko si kuya kenneth at bernard na nilapitan si ale at pinatahan, kaya ngumiti si ale at nagpasalamat dahil sa ginawa namin ay kompirmado na sa kanya na wala na si maria at matatahimik na rin ang utak niya sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa anak niya.

Natapos ang lahat ng hapon, i think nakatulong ako sa ginawa kong yun. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin kami tumigil ni bernard sa paghahanap ng bangkay ni maria. Wala kasi kaming aydeya kung saan siya pinatay. Sinubukan naming hanapin sa sementeryo dahil doon ko siya unang nakita bilang si kuya, ginaya nya kasi kaya akala ko ay doppelganger siya pero hindi pala.

Lumipas ang dalawang araw na pag hahanap ay wala kaming nakita kaya pinabuksan ulit ni ale ang case ng anak niya pero walang mag lakas loob na mag handle, dahil bukod sa limang pulis na ang nagsubok na lutasin ang case ni maria ay magkaparehos lang daw ng ending. Walang makakahanap.

Kaya nagpasya nalang si ale na itigil ang paghahanap, dahil pitong taon na ang nakalipas. Sa tingin niya ay malamig nalang na kalansay ang maaabutan niya kung sakaling mahanap man ang kanyang anak. Tsaka kampante na raw siya noong nakita niya ang huling sandali ng kanyang anak dito sa lupa.

Simula non ay hindi na muli pang bumukas ang aparisyon ko. Pero alam ko naman sa sarili ko na kahit kailan, saan, o anuman ang dahilan ay muli itong magbubukas para sulbahin ang mga hindi malutas-lutas na kaso. At mangyayari lang iyon pag may nagpaparamdam nanaman saking mga multo.

Wakas.

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)Where stories live. Discover now