CHAPTER 07

193 11 4
                                    

Naglaro si kelly at ang batang babae ng isang oras, si father ay bumalik na sa simbahan.

Habang nag lalaro sila ay nakaramdam na rin sila ng pagod at pagkabagot kaya tumigil sila sa pag lalaro at si Kelly ay nakatulog.

“Arrgg!!“ Sabi nung batang babae sabay hikab tsaka siya nagsalita.

“Mama.“ Sabi niya at niyakap ang teddy bear.

Kitang kita sa mukha niya ang lungkot tsaka siya nahiga sa sahig, ang akala ko ay matutulog pero hindi pala. Umiiyak siya habang yakap yakap ang teddy bear.

“May problema ba?“ Sabi ko.

Hindi niya ako sinagot ay nagsalita lang siyang mag isa.

“Mama. (Sabay punas ng luha) Nasaan ba ang mama ko.“ Sabi niya.

Nang marinig ko iyon ay bigla akong nagtaka.

“May mga magulang ka pa ba?“ Tanong ko.

Tumango lang siya at pinikit niya ang kanyang mga mata, parang gusto niyang matulog tsaka siya nag muni-muni.

“Mama…” kunting sabi niya.

At dahil nasaloob nga siya ng bilog ay hindi niya magawang maglaho, kaya umiyak lang siya habang nag muni-muni. Ganon talaga ang mga bata pagkatapos mag laro, hinahanap agad ang mga magulang.

Dahil dun ay tinanong ko siya.

“Ano nga ulit ang pangalan mo?“ Sabi ko.

Sumagot naman siya pero nakapikit pa rin.

“Maria.“ Mahina niyang sabi.

“Ano ang pelyido mo?“ dagdag ko pa.

“Rosales…” ika pa niya at dito nga ay nakatulog na siya.

Dahil dun ay hindi ko na dinisturbo, ngayon lang ako nakakita ng multong nakatulog dahil sa pagod.

Napangiti lang ako at nagpunta sa police station, pinapahanap ko ang information ng batang si maria rosales at ano ang cause of death niya. Pero ang sabi ng mga pulis ay pitong taon na siyang nawawala pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mahanap-hanap kaya sinirado nalang nila ang kaso.

Sa narinig ko ay biglang naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko, di ko alam kung magagalit ba ako sa batas o maiiyak dahil sa kalagayan ng batang yun.

Agad kong kinuha ang information ng bata ay base sa picture na nakalagay ay walang duda, siya nga yung batang nawawala dahil magkamukha talaga sila.

Siya si Maria S. Rosales, walong taong gulang at nawawala pitong taon na ang nakalilipas. Pinaghihinalaang kinidnap.

Dahil alas kwatro ng hapon bago lumubog ang sikat ng araw ay huling namataan ang bata sa cctv kung saan naghihintay siya sa gilid ng skwelahan at kitang kita sa camera na may isang puting van ang lumapit at may lumabas na dalawang taong naka mask ng itim tsaka siya kinuha.

Base sa imbestigasyon ay hinihintay daw ng bata kung kailan darating ang ina niya para daw sunduin. Hanggang ngayon ay hindi nila malaman laman kung saan dinala ang bata.

Nakasulat rin sa birth certificate niya ang lokasyon ng bahay nila kaya nang makauwi na ako ay agad kong tinawagan si bernard, nagpasama ako sa kanya puntahan ang lugar ng bahay ng batang babae.

Sauna ay nagulat si bernard pero nang makarating na kami sa lugar kung saan kami mag kita at pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari at sa batang si kelly.

“Grabe naman, sinapian talaga?“ Gulat niyang sabi.

Tumango lang ako at hindi sumagot, agad na naming pinuntahan ang bahay ng bata at ilang oras lang ay nakarating na nga kami sa isang bahay na maliit at sira-sira.

“Sa tingin ko wala nang nakatira dito.“ Sabi ni bernard.

“Oo walang duda, sa hitsura palang.“ Sabi ko.

Dahil dun ay napahawak nalang ako sa noo at naglakad paalis, pero hindi pa kami nakalayo ay may isang ale ang naglakad papunta sa bahay na iyon at may dala siyang palay.

“I think siya ang nakatira jan.“ Sabi ni bernard.

Tumango lang ako at dito na namin nilapitan.

Nang makalapit na kami ay aakmang magsasalita na sana ako pero inunahan na ako ng ale.

“Panibagong mga pulis nanaman ang nagbukas ng kaso ng nawawala kong anak.“ Sabi niya.

Dahil dun ay nagsalita ako.

“Actually, hin—”

Naputol ang pag sasalita ko dahil sumigaw siya.

“Paano ko makakalimutan ang nangyari sa anak ko!? Kung taon-taon ay may magpapaalala sakin sa kanya!?“ Sigaw niyang sabi.

Bigla akong natahimik sa sinabi niya tsaka siya nagsalita pa.

“Marami na ang sumubok na hanapin ang anak ko, pero lahat sila ay nabigo. Tapos ngayon may mga pulis nanaman at sasabihing hahanapin nila ang anak ko kahit wala nang kasiguraduhang buhay pa siya.“ Sabi niya at umiyak.

Bigla akong natahimik sa sinabi niya, paano ko ngayon sasabihing patay na nga si maria?

Agad akong tumingin kay bernard at nag bigay siya ng sign na sasabihin ko ang totoo, kaya agad akong lumapit pa sa kanya tsaka ako nagsalita.

“Ikinalulungkot ko pong sabihin pero patay na po siya.“ Sabi ko.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay agad siyang napatingin sa mga mata ko kasabay ng pagkahagulgol niya ng iyak.

Kaya hinimas-himas ko nalang ang likod niya tsaka ako nagsalita.

“Pwede kitang samahan papunta sa lugar kung nasaan siya naroroon ngayon.“ Sabi ko.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay agad siyang napahawak sakin.

“Anong ibig mong sabihin?“ Tanong niya.

Ngumiti lang ako at hindi sumagot, kinuha ko ang kamay niya tsaka ko dinala paalis sa bahay niya ay nagpunta kami sa bahay nila kuya kenneth.

Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na nga kami doon na ipinagtaka ni kuya.

“Nasaan ang anak ko!? Asan nyo siya nilagay!“ Sabi ni ale.

Parang naiintindihan ni kuya kenneth ang gusto kong gawin kaya tinuro niya ang kwarto at agad namang pumunta ang ale.

Pagkarating niya sa kwarto ay bigla siyang napaupo sa sahig habang tinatanaw ang natutulog niyang anak.

“H-hindi…” mahinang sabi niya.

“H-hindi ito maari…” dagdag pa ng ale.

Kitang kita sa mukha ng ale ang saya at ngiti habang yung mga luha niya ay nagpaunahan sa pag patak.

Bigla namang nagising ang bata at napaupo, wala siyang aydeya na nasa harapan na niya ang mama niya tsaka niya kinuha ang teddy bear at niyakap.

“Gusto kong maglar—”

Napatigil sa pagsasalita ang bata nang makita niya ang mama niya.

“M-mama?…” Mahina niyang sabi.

Agad namang tumango ang ale at dito nga ay sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla nagsilabasan ang mga luha ng bata kahit hindi siya umiiyak.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)Where stories live. Discover now