I

23 3 0
                                    


"Crisostomo to Valera--Oh! What a nice sweep by Rein Valera!"

Maangas kong tinapunan ng tingin ang setter ng la salle. Nag-arko ang kilay ko nang nagkibit balikat ito at nang-aasar akong tiningnan kahit sa'kin naman ang puntos na yon.

Ang yabang, porket team captain!

Pinalihis ko ang inis at binalik ang focus sa laro. First set at nangunguna sila, lamang lang ng tatlong puntos kala mo kung sino na talaga para magyabang.

"Thirteen serving sixteen, Douglas..."

It was a clean serve from Yvo. As DLSU's setter drop the ball, we haven't saved it. Nagkatinginan kami ni Raf matapos mag-agawan para saluhin ang bola, sa huli...walang nakasalo. Nag drop ball dahilan para ako naman ang ngisihan ng setter nila.

Tsk, yun lang?

Rookie ako pero kaya kong mas maging magaling pa sa skills niya. Wala akong pakialam kong team captain at three years na siyang naglalaro, pareho lang naman kaming may sapat na kakayahan para nakapasok sa bawat team.

Pero...nakakainit siya ng ulo.

"What a great play by Brix Salarzon on the side of green archers. Salarzon having a total of 13 points aiming possibility to win this match.." it was the court side reporter.

The game was a bit tense for us. More tensed for me since I am a rookie and I need to show my big potential to mark my name as UST player. Dwayne tap my back when he noticed that I'm breathing heavily after a tough set.

"Easy lang Rein, bibilib yan sayo si Coach. Galing mo kanina..."

"Tubig muna Valera, maganda ang pinakita mo kanina...mas pagandahin mo pa laro mo." si Coach Greg na seryoso kong tinanguan.

"Yes po Coach."

"Oh ganito lang, maayos na serving at pasa. Bantayan ang galaw ng kabila, mag focus kayo sa laro..."

Exactly the five minutes time out finished. We held each hands by Con, our team captain's lead.

"UST..."

"Growling Tigers!" we roared and went back to court.

The game runs for five sets. May tig- dalawa kaming panalo. Nakuha namin ang Set 1 at 3 samantalang nakuha nila ang 2,4, at 5. Muntikan nang panalo, bawi nalang next game.

"Kita ko yun ah, tapang ng rookie, nag stare down kay Salarzon.."they were chuckling talking about how Salarzon and I showdown our skills during the match.

"Nayayabangan ako sakanya Kuya Con," ako sa team captain namin.

Ngumiti ito sa'kin."Maybe you were both acting like it because you see each other as rivals Rein." anito.

"Tsaka lam mo, normal mag swag at stare down para ilabas ang tapang natin sa laro Rein. Pero iba naman yung sainyo ni Salarzon...mukhang may halong inis ah?" si Dwayne at inabutan ako ng isang slice ng pizza.

Tinapik ako ni Raf."Oh ako na magkukwento...ganito kasi yan--"

Si Raf and pinaka-close ko sa team. Unang pasok ko kasi last week ay siya agad ang lumapit sa'kin bukod kay Kuya Connor. Hinayaan kong siya ang magkwento kung bakit naiinis ako don sa team captain ng la salle. Paano kasing di maiinis, late na ako sa training tapos nagiging selfish siya.

Nasa Dapitan ako non nagb-breakfast, noong kinuha ko na ang drinks ay walangya niya akong nabangga. Ang drinks ko at drinks niya ay parehong natapon sa damit ko. Sumipol lang siya at binayaran ang natapon na inumin ko bago sila umalis nang mga kasama niya. Kaasar, hindi man lang ako tinulungan o kahit abutan man lang ng damit, eh jersey ko ang suot non. Sa huli...napagsabihan pa ni Coach kasi bukod sa late, plain at makapal na shirt ang suot ko.

Beyond Rivalry (UAAP SERIES ONE)Where stories live. Discover now