II

17 2 0
                                    

"Rein, pinatawag ni Coach mga rookie players, nasa gym."

Lunes nang umaga at nagkasalubong ulit kami ni Kuya Connor matapos ang maagang training. Tumango ako at sinabing pupunta na.

"Ano Rein, mamaya nalang ulit?" inalis ni Kenji ang pagkaka-akbay sa balikat ko.

"Oo sige, susunod ako. Pakisabi naman kay Prof Castro."

"No worries Rein, kami bahala sayo." kumindat pa si Sierra, nagpaalam na ako para puntahan si Coach Greg.

Pagkarating roon ay nagtataka ako nang makitang may taga ibang University rin. Lumapit ako sa mga kagaya kong rookie sa team habang hinihintay namin si Coach Greg.

"May dayo?" mahinang tanong ko kay Trevor.

"Yup, pagpipilian raw who's gonna be admitted to join the ECO Games in the next three months Rein."

I nodded slowly, resting my hands on my legs. Lumapit ang dalawa pang rookie na katulad ko. Si Hadji at Carlson. May tinuturo sila, nagngingiti.

"Diba Trev...Rein, cute ng Coach nila." I stifle a chuckle while Trevor elbowed the two.

"Nasa 30's na yan," I commented.

"Mga tipo niyo uy, sumbong ko kayo kay Coach." si Trev na pinagtulungan naman agad ng dalawa.

"Ah snitch!" si Carlson."Pero cute naman talaga, diba Rein?"

"Damay pa ako..."umiling-iling lang ako.

"Eh yung Captain ng La Salle, cute rin...kahit lalaki."

My brows farrowed upon following where their eyes fixed to. Umusok ang ilong ko nang makita si Salarzon. Sino paba ang team captain ng la salle, siya lang naman. Tsaka yan, cute? Selfish kamo.

"Ekis," I almost tap my mouth when it burst out of nowhere.

"Anong ekis Valera, ayaw mo masali sa ECO Games?" nanlaki ang mata ko nang natatawang dumating si Coach.

"Ah...he's pertaining to something Coach. Hindi po yung ECO Games." Trevor as the savior.

"Pero totoo nga, may balak ba kayong sumali? UST ang isasabak sa ECO, isasama ko sina Cervallos dahil veteran. Kung gusto niyo mapasama, patunayan niyo mga sarili niyo. Haharapan kayo sa rookie ng la salle at feu." si Coach.

That was a great opportunity specially for us rookies to power up our skills more. But then, there's a lot of it. It can wait.

"Gusto ko sana Coach kaso tight schedule ata ako sa mg susunod na buwan." I uttered, saying it with no regrets.

"Sige Valera, sa susunod sumali kana. Kayong tatlo, may plano?"

**

"There's a lot of next time though," I nodded agreeing to Danica.

"Busy talaga ng student-athlete, buti nalang tumigil ako." si Dame.

Dati kasi siyang soccer player ng UST dahil dito na mula pa Junior year. I shrug my shoulders on it. Hassle nga naman maging student-athlete pero masasanay ka din naman sa paulit ulit na routine. Umakbay sa'kin si Redgie samantalang inuubos naman nina North at Reina ang chorrus ko.

"Junk foods sa lunch, ayos!" ang kakarating lang na si Vista ay umupo agad sa tabi ko, kumakapit na naman sa braso.

Hinahayaan ko lang ang girls dahil ang sabi pa ng apat na boys, normal na raw yun sa circle. I got used to it though. I act soft and gentle outside the court, but I'm still extrovert so...I get use to things that fast.

"Hey guys, I'm creating a YouTube channel and all of you will best my guest every week!" Vista announced happily.

"Girl, ang hassle kaya.."Sierra, speaking as the mother of the group.

Beyond Rivalry (UAAP SERIES ONE)Where stories live. Discover now