III

17 2 0
                                    


Buying donuts for my cousin Jigs, still having my mind pre-occupied. Did the jerk actually smile at me during the game hours ago? Tss, probably not me. And I wouldn't want to be smiled by him though, I don't care about him.

"Reinhyer Valera? Yung rookie ng UST?" ngumiti ako at kinumpirma ang tanong ng binilhan.

"Yup," kinikilig niyang inabot ang box ng donut at agaran ang pagkuha ng cellphone.

"Pa-picture naman! Idol kita eh! Ikaw pinapanood ko sa UAAP." I nodded and even hold the phone to take a picture with her."Lord ang pogi! Salamat!"

"Thank you din, it means a lot."

She giggles. I immediately went out of the mall and drive myself home. Sa condo unit lang ako nakatira at medyo may kalapitan lang rin naman. Sinalubong ako ni Jigs at takam na kinuha agad ang dala.

Jigs, my cousin. He's graduating in Senior High School. Tall, Mestizo, and just like me...not so manly. A bit softie and cool at the same time. Maingay din, ayaw akong tantanan sa usapan.
He's a fan of UAAP but too lazy to watch it live. Tsaka na raw kapag magpapatuloy na sa Journalism, gusto niyang maging court side reporter.

"May something kayo nong Salarzon, Kuya? Pinakita kasi siya nong winning point mo. Seryoso pero nakangiti." nagkibit balikat pa ito.

"Hindi nga kami close Jigs. Saan mo ba nakuha yan?"

I took off my jersey after putting my duffel bag and flask down. Tiningnan ko ang flat screen at nanonood parin siya ng UAAP. It's UP Vs. UE this time.

"Sabi ko issue lang yung camera man e, gwapo siya pero mukhang masungit Kuya." nginisihan ko siya bago napatango-tango.

"Tama ka. Hindi lang siya masungit, mayabang din."

"Totoo? Baka naman naiinis ka lang rin kasi sila lagi panalo." nakanguso na sabi niya.

"We have sportsmanship Jigs. At isa pa traydor ka ah, kakasabi mo lang na mukhang masungit e. Sa'kin ka pumanig, thomasian tayo."

"Pero Kuya, magsasabi ako ng totoo. Hindi malayo ang galing n'yo sa volleyball kahit pa mas nauna siyang maglaro kesa sayo...kayang kaya mo tapatan yun."

"Syempre," komento ko at umalis na para magshower.

Kayang kaya kong tapatan ang paraan ng paglalaro niya. Ganoon din ang kasungitan niya. Pinalandas ko nalang ang tubig sa katawan at dali-dali nang nagbihis pagkatapos. I wore my night pajamas and decided to open my only social app. Inani nang maraming notification ang account ko. May lagpas 30 messages na madalas ay sa mga fans at kakilala lang sa'kin.

There goes the raining posts of One Sports and UAAP Sports Updates. Ilang beses kong nakita ang mukha sa bawat scroll. Pero sa ibang mga post, may mukha rin ni Salarzon. Yung nakangiti siya pagkatapos ng laro namin. I scrolled it up fastly, ayaw makita ang mukha niya sa Facebook ko. Ito na nga lang socmed, makikita ko pa siya.

Lumabas ako sa kwarto at tumabi kay Jigs sa sala. Abala parin siya sa panonood kaya sumandal lang ako at patuloy na nags-scroll sa fb. Sierra's message pop up so I opened it.

Sierra:

May 3 hours vacant tayo bukas. Meeting tayo para sa project, saang loc mo gusto?

Ako:

Along España lang, baka bigla ako ipatawag ni Coach

Sierra:

Sigesige, sasabihin ko kina North at Reina

Ako:

Alright Sierra

Sierra:

Goodnight pogs! 🎀

Beyond Rivalry (UAAP SERIES ONE)Where stories live. Discover now