Kabanata 1

7 0 0
                                    

I immediately went out from the tricycle after I paid for the ride. Halos takbuhin ko na ang pagitan ko sa gate sa pagmamadali.

I woke up late this day, kaya hindi na ako magtataka kung nagsisimula na ang klase namin. The guard shook his head while looking at me. Bumagal ang lakad ko ng nakaramdam ng hiya. This is not the first time that I got late, however I can't stop myself but to feel a bit embarrassed and nervous. Siguro normal lang talaga 'to lalo na kapag hindi ka sanay na palaging late.

"Wala kang id?" the guard asked before I could passed him.

Halos sabunutan ko ang sarili dahil sa napagtanto. Sa sobrang pagmamadali ko kanina hindi ko na nakuha ang id ko sa pinagsasabitan ko nito palagi. Damn it! Kapag minamalas ka nga talaga.

Ngumiwi ako bago dahan-dahang umiling.

I awkwardly smiled at him. "Kuya, baka naman..." I couldn't finished my own sentence when he shook his head again in disappoinment.

"Kami ang mananagot kapag pinapasok ka namin kahit wala kang id," aniya.

I understand him since it was written in the rules of our school but I'm still annoyed. Although, I'm also at fault, pero hindi ba pwedeng i-consider muna ako. Kahit ngayon lang?

"Malayo pa kasi ang bahay namin, kuya. Baka kapag bumalik pa ako pagkarating ko rito second period na." I explained.

Nagbabakasakaling magbago pa ang isip niya at papasukin nalang ako. Baka kailangan ko lang magpaawa ng kaunti.

"Pwede namang mag half day ka nalang mamaya kung nahihiya kang pumasok ngayon dahil siguradong male-late ka talaga. Pero hindi kasi pwedeng i-consider ka kasi unfair naman iyan sa iba at baka gayahin kapa nila."

I slowly nodded. I'm completely embarrassed right now. Nakakahiya at nagpumilit pa talaga ako, e nakalagay na iyon sa rules at 'di nila pwedeng baliin lang ng dahil sa akin.

"Sige po. Pasensya na..." I apologized.

Before I could turn my back on him, a familiar guy standing from afar caught my eyes. He's standing near the Grade 11 building. Halatang papunta na siya sa building ng Grade 12 ngunit tumigil lang para panoorin ang nangyayari.

He's looking directly at me. I badly want to asked if he could help me right now. Maybe he can think of some solutions or idea just for me to get in. O pwede ring sabihin niya kay Crisha na nandito ako para mapuntahan niya ako dito.

But, who I am fooling? He doesn't like me. He hate me to be exact. Probably right now he's laughing his ass out because of what happened to me.

Nakasimangot akong tumalikod at naglakad papunta sa nakaparadang mga tricycle. Siguro mamaya nalang ako sa hapon papasok. Nakakahiya. Buti nalang at wala ng masyadong estudyante dito sa labas. But it didn't change the fact that Mj saw me. Sa dami ba naman ng pwedeng makakita bakit siya pa?

Alam kong pinagtatawanan na niya ako ngayon. Pinagsisihan ko ng nakiusap pa ako sa guard. At nakita niya pa talaga! Sana umuwi nalang agad ako.

Ba't kasi sa dami ng pwedeng kalimutan id ko pa talaga?

"Wait! Miss, ikaw ba si Gwen Fernandez?" I automatically turn around when I heard someone called my name.

Kumunot ang noo ko ng makita ang naglalakad na lalaki papunta sa akin. He isn't familiar to me, then how did he knew my name? He's wearing a white polo shirt partnered with a black slacks and white shoes. Clearly, he's not studying here based on his outfit. Pero bakit siya nandito? At bakit niya ako kilala?

Nang makalapit siya sa akin doon ko mas napagmasdan ng maayos ang mukha niya. Katamtaman ang kapal ng maitim na kilay,  matangos na ilong, manipis at sakto ang pagkakapula ng labi. I'm not familiar what type of hairstyle he has but it suits well to his diamond shaped face. Also, his eyes were dark yet calm. Somehow, it reminds me of Mj's eyes.

A Written Mistake From The Past Where stories live. Discover now