Kabanata 2

2 0 0
                                    

wahhh writer's block lumayo ka sa akin😭🙏🙏

Ilang na araw ang lumipas pero hindi pa rin maalis alis sa isip ko ang nabasa. Siguro dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan niya at ganoon ang sinulat sa likod ng picture ko.

Hindi ko na rin naman siya natanong tungkol doon. Dahil pagkatapos kong mabasa ang sinulat niya ay wala ni isang naglakas loob sa aming dalawa na magsalita hanggang sa makarating ako sa bahay.

Nagkikita rin kami sa school pero hindi katulad ng dati. Ngayon ilag na kami sa isa't isa, hindi naman kami sobrang close dati at palagi ko pa siyang pinag-iinitan. Pero ngayon iba na, e.

It feels so awkward that I can't even spats at him. Kung dati palagi akong iritado pagdating sa kaniya, ngayon halos hindi na ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil sa hindi maipaliwag na dahilan.

That letter put a wall between us. A wall that no one can break except for the two of us. A wall of awkwardness and strange yet weird feeling.

Why do he need to write those words for the first place?

Alam ko namang hindi ako nakangiti doon sa picture pero bakit kailangan niyang sabihin na ngumiti ako?

"Naubusan na tayo ng upuan. Dito nalang tayo sa likod," malungkot na turan ni Crisha.

We looked for vacant seat. Nang makita ang dalawang bakanteng upuan ay doon na kami umupo.

Nakasimangot pa rin si Crisha kahit nakaupo na kami. Gusto niya kasing nasa unahan kami pero dahil nahuli ako ng gising pagkarating namin dito halos puno na.

"Sabi kasi sayo mag alarm ka, e! Ayon tuloy nandito tayo sa likod," reklamo niya.

Inaasahan ko na ito, ako ang may kasalanan kung bakit kami nahuli kaya hindi na ako magtataka kung sisisihin niya ako.

"Sorry na po. Para namang hindi natin maririnig si father kapag nandito tayo sa likod," pabulong ngunit tunog sarkastiko kong sagot.

"Pero maganda pa rin kapag nandoon tayo sa unahan,"

"Alam ko namang gusto mo lang maupo doon sa unahan kasi doon naka pwesto si Lawrenz e! Ginamit mo pa talaga ang simbahan dyan sa date mo," I said bluntly.

She leered at me.

"Magsisimba naman talaga ako kahit wala siya. Tagal ko na kayang hindi nakapasok sa simbahan," mahinang saad niya. Marahil napagtanto na tama ako.

Hindi na ako nakasagot dahil nagsimula na ang misa. Matagal na noong huling simba ko kaya pumayag na rin agad ako nang niyaya ni Crisha.

Minsan nakakalimutan kasi talaga nating pumunta sa bahay Niya. Oo at hindi pa rin naman natin siya nakakalimutan kahit hindi tayo nagsisimba pero iba pa rin talaga kapag nagsimba tayo.

We forgot to enter in His holy home but we always remember our night outs. We are always present on gatherings.

Masyado tayong naniniwala na hindi Niya tayo iiwan, na lagi lang siyang gumagabay sa atin, at nasa ating tabi. Oo, totoo, nandyan lang Siya, gumagabay sa atin, at hindi tayo iiwan pero tayo pala ang unti unti ng naglalakad palayo sa Kaniya, tayo pala ang nang-iwan at kinalimutam Siya.

Tumayo kaming dalawa ni Crisha at sumunod sa pila nang nagsimula na ang pagpapakain ng tinapay at bino.

Noong bata pa ako ito ang paborito kong sandali kapag nagsisimba. Lagi akong sumasama kay mama dahil gusto kong kumain ng tinapay na isinasawsaw sa bino.

Pero ngayong naiintindihan ko na ang ibig sabihin nito. Sa tuwing kakain ako ay nakakaramdam ako ng ginhawa at hapdi. Hindi dahil sa masarap na tinapay at mapait na bino. Kundi dahil sa katotohanang tinatanggap ko ang Katawan at Dugo Niya. Ang katotohanang isinakripisyo Niya ang kaniyang buhay para pagbayaran ang kasalanan ng sangkatauhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Written Mistake From The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon