Chapter 6

4 0 0
                                    

Isabel pov

Kanina pako naaalibadbaran sa mukha ng babaeng nasa harap ko.

"Ano bang sinasabi mo? Isa pa hindi kona kasalanan kung close kami ni Arah." Pinantayan ko ang katarayan nya. "Hindi nga ako maganda pero nakakalapit naman ako kay alex e ikaw? Balita ko gusto mosi alex pero ayaw nya sayo dahil masama yang ugali m-" totoo naman talaga usap usapan yan na gusto nya si alex nakikita kodin ang twitter account nya na puro parinig kay alex hindi naman sya pinapansin.

Natigil ang sasabihin ko sapagkat nakatanggap ako ng sampal mula sakanya. "How dare you!" Duro panya at sinugod ako.

totoo naman talaga usap usapan yan na gusto nya si alex nakikita kodin ang twitter account nya na puro parinig kay alex hindi naman sya pinapansin.

Mabilis nyan hinatak ang buhok ko, ginamit ko ang lakas ko upang labanan ang sabunot nya.

Nakapatong nasya saakin habang sinasabunutan ako, ramdam ko ang matutulis nyang kuko na malamang ay kalmot nya sa mukha ko.

"Ang landi landi mo!" Bumalanse sya upang sampalin ako ng tadyakan ko ang tiyan nya.

Napahiga sya dahilan upang ako naman ang pumatong sakanya. Ginawa ko ang ginawa nya kanina kaso lugi ako sapagkat hindi matatalas ang kuko ko.

"Awatin nyo!"

"Papunta na sila Arah."

"Nako naman, bakit ba kasi lumaban payang isabel nayan?"

"Pusta ko kay Scarlet pre."

"Kay isabel ako."

"STOPP!!!" Natigil ang lahat sa ginagawa maging ako ay natigil sa pag sabunot sa bruhang babaeng to dahil sa nakakatakot na sigaw ni Arah.

Umalis ako sa pang ibabaw ng babae at ngayong kolang napagtanto na lahat ng studyante ay nakatingin at nanonood nasa eskandalong ginawa namin.

Nasa gilid ni Arah si Sha-sha na nag aalalang nakatingin saakin. Nahagip ng mata kosi kapre na nakapamulsa habang nanonood din kasama ni Clyde.

Napabaling ang lahat dahil sa malakas na iyak ng bruha, ang kaninang mataray nyang mukha ay naging kaawa-awa.

Mukha syang inosenteng kinawawa at walang kalaban laban ang mga kasama nya ay tinutulungan syang tumayo, magulo rin ang buhok nya kagaya ko may mga kalmot din syang natamo ngunit hindi kagaya ko na halos saang angulo ng mukha ay meron ramdan na ramdam ko iyon.

"Sinong nag simula ng gulo sainyo!?" Tanong pani Arah.

Kinakabahan itinuro ko ang bruha ngunit nagulat ako dahil nakaturo rin ang hintuturo nya saakin.

"S-sya, dumaan lang naman a-ako pero ayaw nyakong padaanin." Nag sisimula ng manubig ang mata ko hindi ko lubos maintindihan ang sarili ko sapagkat bahagyang kibot lang ay nakaiyak agad ako, at ayoko nun.

"Liar, nagkasalubong tayo pero binangga mo ako, imbis na mag sorry ka ay tinarayan mopa ako," umiiyak na pag sisinungaling panya.

Hindi ko maintindihan kung bakit nya iyon ginagawa at kung saan nanggagaling ang sinasabi nya.

"Ang sabi mopa layuan kosi xander dahil ikaw ang gusto nya." Tuluyan nasyang humagulgol ako naman ay iling ng iling sapagkat hindi ko matanggap ang pinaparatang nya.

Paano ko sasabihin sakanyang ako ang gusto ni Kapre kung mayroon nasyang gf at kaibigan ko ang gf nya, isapa hindi ko naman gusto si alex kaya bakit ko iyon sasabihin?

Biglang tumawa si Arah kaya napatingin ako sakanya, nakakatakot ang aura nya, halata din ang inis sa tawa nya.

"Iniisip mong maniniwala ako sayo?" Biglang nag seryoso ang mukha nya.

Let Fate Decide For UsМесто, где живут истории. Откройте их для себя