Chapter 7

2 0 0
                                    

Isabel pov

Gaya ng sabi nya namili nga kami, nag lagay sya sa cart ng mga delata at carne at iba pang mga kailangang bilin hindi ko alam kung gutom na gutom lang basya dahil halos puno na ang cart namin sa dami ng inilalagay nya.

Kumuha ulit sya ng cart at tinulak iyon.

Napatingin ako sa mga garapon ng stick-o. "Hindi mo sinabing gusto mo pala nyan, tss." Gulat akong napalingon sakanya kumuha sya ng garapon ng stick-o at hindi lang isa kundi lahat ng flavor nito.

"Wag kang mahiyang kumuha ako ang mag babayad."

Agad akong natuwa sa sinabi nya, bakit hindi nya sinabing sya ang mag babayad? Hindi tuloy ako nakakuha kanina.

Lumapit ako sa mga nag kukumpulang lolipop, sinunod kodin ang mga candies na maasim. Natatawang tinignan ng kapre ang cart kona puno ng candy. "Are you done?"

"Wait may nakalimutan ako."

Kumuha ako ng isang dosenang milo at malaking delatang condens. Hinanap kodin ang isang pack ng cream-o.

Agad akong lumapit sa mukhang inip na inip na kapre. "Are you done?"

Tumango ako kaya pumila na kami upang mag bayad, umabot ng 7 thousand lahat ngunit parang barya lang iyon sakanya.

Inilagay nya sa compartment ang pinamili namin pinag buksan nyadin ako ng pinto.

Hindi naman na kami nag tagal sa byahe dahil malapit lang pala ang condo nya.

Bumaba sya kaya bumaba narin ako sinenyasan nyakong sumunod kaya ayun ang ginawa ko.

Pumasok kami sa malinis at maluwang na condo. Pinaupo nya ako sa sofa habang inaayos nya ang mga pinamili namin.

Napakalinis at laki ng condo nya nag mukha na itong malaking bahay mas malaki pa ito sa tinitirhan namin ni sha-sha may tatlong pinto din siguro ay C.R ang isa, at kwarto naman ang dalawa, namangha ako sa ganda at luwang ng condo nya.

Halos lahat ay puti lang ang kulay at walang ka buhay buhay pero nagawa nitong pagandahin ang loob.

Nag simula syang mag luto kaya tumulong din ako, inihanda ko ang mga kutsilyo at lalagyan. Sinigang ang iluluto namin ngayon. Paburito nyadin pala ang sinigang ako na sana ang mag luluto ngunit naalala kong hindi nga pala ako sanay.

Naalala ko ang binili ko kanina kinuha ko iyon at kumuha din ng mangkok.

Nag suot ako ng plastic gloves upang himayin ang cream-o at condens, ng matapos ay ibinabad ko iyon sa milo Mukhang graham ball ang nagawa ko ngunit kulang ang mga sangkap, dahil narin siguro sa dai ng ingredients napadai ang gawa ko.

Sakto naman dahil tapos narin ang niluluto nya lumapit sya saakin upang tawagin ako ngunit nabaling sya sa ginagawa ko.

"Gusto mo?" Alok ko.

Kumuha sya ng isa at tinikman iyon. "Nice." Halata sa mukha nya na nagustuhan nya talaga ang gawa ko at para saakin ay isa nayung achievement.

"Gusto mopa?" Alok ko habang hawak ang isang toperwer na puno ng ginawa ko.

Akala ko ay kukuha sya ng isang piraso ngunit nagulat ako sapagkat kinuha nya ang isa pang toperwer na ganon din ang laman.

"Gusto ko." Natatawang sambit nyapa.

Mula naman sa pinto ay pumasok doon si Arah. Bahagya pakong kinabahan sa aura nya dahil salubong ang kilay nya at parang bad mood. Nangtumingin sya saakin ay agad nawala ang mataray nyang mukha.

"Hi bel, nandito ka pala." Bati nya.

Nginitian kosya. "Kanina pa kami dito."

"Let's eat." Aya ni kapre habang nilalantakan ang gawa ko.

Let Fate Decide For UsWhere stories live. Discover now