Chapter 10

150 13 4
                                    


TIAN MARTELL

AFTER I take a shower ay naka-white towel nalang akong lumabas sa banyo at nadatnan kong nakaupo si Haku sa kama. "Jusko, kakagulat ka naman..." halos mapahawak ako sa dibdib at napansin kong malalim ang titig niya sa 'kin.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong ko at biglang dahan-dahan siyang tumayo at lumakad papunta sa 'kin. "Ang galing mo pala." Biglang hinawakan niya ang pwet ko. "I wanna fuck you again and again."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Gago ka ba!" Inis ko.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko habang lalo niyang hinihimas ang pwet ko. "It's Scene 12." Halos ramdam ko ang lamig ng boses niya.

Natulala ako, hindi dahil nagulat ako sa sinabi niya kundi napapaisip ako. I just realized na hindi niya lang 'yon ginawa dahil gusto niya, kundi inacting lang niya ang isa sa scene na kasunod do'n sa scene na ginawa namin sa beach.

Binitawan niya ako at nakangiti pa rin siya habang dahan-dahan na tumalikod at mukhang babalik na sa kanyang kama. Habang tinitigan ko siya ay napapalunok ako at may nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Naalala ko na ang lahat...naalala na kita..."


Natigil siya nang sabihin ko 'yon at napadahan siya sa pag-harap. Nang makatitigan niya ako ay nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Unti-unting umaabot tenga ang ngiti niya na parang tuwang-tuwa siya.

"R-Really...? Tian, do you remember everything now...?" Parang maiiyak siya. "It's me. Your Hakuna—"

Agad akong tumawa kaya natigil siya. "HAHAHA...nauto rin kita! That dialogue is from the last scene." Tawa ko at napansin kong natahimik siya. "Natahimik ka yata? Bakit, iniisip mo bang may connection 'yon sa personal nating buhay?" Muli akong tumawa. "Hindi naman eh. Dahil hindi naman kita nakalimutan."

Napaangat siya ng tingin. "T-Talaga...?" Agad niyang tanong at tumango ako. "Aba oo. Hindi ko kaya nakalimutan 'yong pagiging manyak mo nong una nating kita. Hindi ko nakalimutan 'yong mga araw na bwesit na bwesit ako sa 'yo." Sa nasabi ko ay parang nawalan ulit ng kulay ang mukha niya.

Nagugulohan na ako sa kanya, kaya lumapit na ako sa drawer at nagbihis. Sobrang tahimik niya at pinabayaan ko lang siya. Lumapit na ako sa kama ko at humiga. Magkaharap lang ang kama namin kaya nakikita ko pa rin ang mukha niyang nakasimangot.

"Matulog ka na. Good night." Sabi ko at hindi siya kumibo. Tumagilid na ako para hindi ko na makita ang pagmumukha niya.


Mayamaya ay napalingon ako nang lumapit si Haku at parang balak pa niya humiga sa tabi ko. "Can I sleep beside you?" Mahinahong tuno ng boses niya.

Hindi ko siya pinansin. "Pagod ako Haku. Huwag ngayon." Seryosong sabi ko.

"Me neither. Can we both recharge?" Tanong niya at tinuloy pa rin niya ang paghiga sa kama ko. "Anong recharge-recharge pinagsasabi mo??" Kumunot ang noo ko.

Nag-iba siya ng position na parang same sa 'kin naka-tagilid, at naramdaman ko ang katawan niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bewang ko at unti-unti niya akong niyakap.

"A hug." Sagot niya.

Napabuntong hininga ako. "Maybe kailangan ko nga n'yan." There's a little smile on my face. "Pero kalmahan mo lang. Huwag mong dalhin sa ibang level huh." Sabay tawa ko at narinig ko pa ang mahinang tawa niya.

I guess tama nga si Haku, a hug is all we need right now. His hug are giving me comfort now, at parang gumagaan ang pakiramdam ko. I know it feels weird, pero naging payapa ang tulog ko ngayon.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now