Chapter 21

57 5 4
                                    


HAKU MONTERIVER

WHEN I heard that Tian didn't signed for his renewal ay wala akong sinayang na oras, dali-dali akong tumakbo baka sakaling maabutan ko pa siya dito sa studio ng Seaven Network. Halos nilubot ko na ang buong hallway, pero hindi ko siya nahanap.

Hanggang sa makalabas na ako ng studio. Napabuhayan ang loob ko nang makita ko siyang naglalakad papunta sa kotse niyang naka-parking sa malawak na parking lot. Dali-dali akong tumakbo para maabutan ko pa siya.

Nang makalapit ako ay agad akong tumayo sa harapan niya. "Tian..." hingal na hingal ako dahil sa kakatakbo ko. "Oh Haku," gulat niyang sabi, magsasalita sana ako nang bigla niya akong inunahan. "Pawis na pawis ka na naman...jusmiyo ka talaga..." inaalis niya ang mga pawis ko sa mukha gamit ang kamay niya.

Kahit na hindi niya sabihin ay nakikita ko ang lungkot sa mukha niya, pinipilit niya lang ito takpan ng ngiti. Kaya agad na akong nagsalita. "Is it true, na titigil ka na sa pag-aartista?" Hindi siya makasagot. "Naririnig ko sa iba, pero gusto ko pa rin mang-galing sa 'yo. Totoo ba?" Tanong ko ulit.

Dahan-dahan siya tumango. "Yes. At buo na ang decision ko." Aalis sana siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya.


"B-Bakit? Hindi ba pangarap mo 'to? Bakit ang dali-dali lang sa 'yo iwanan to?" Sunod-sinod na akong nagtanong sa kanya, pero hindi niya ako magawang tignan.

Kaya dahan-dahan ko ng inilapit ang mukha ko sa kanya at kinausap ko siya ng mahinahon. "Kilala kita Tian, alam kong pag-aartista ang gusto mo. Kaya bakit hihinto ka na dito?"

Nilingon niya ako at nag-iba ang expression sa mukha niya, parang gusto niya magalit. "Bakit Haku, kilala mo ba talaga ako? Alam mo ba talaga lahat ng nangyari sa buhay ko? Alam mo ba kung ano ako dati? Kung ano 'yong mga pangarap ko? 'Di ba hindi?!" Nagsimula na siyang taasan ako ng boses.

"Eh kahit nga ako hindi ko kilala ang sarili ko! Ang daming kulang sa 'kin! Hirap na hirap na ako sa situation ko na 'to!" Tuloyan ngang pumatak ang mga luha niya. "Sobrang sakit na lahat kayo naalala niyo kung gaano kayo kasaya nong mga bata palang kayo, habang ako...ipinagkait sa akin 'yon ng isip ko..." tumatangis siya habang sinasabi 'yon.

Naramdaman kong labis siyang nasaktan. "P-Patawad," humingi ako ng sorry dahil alam kong nasaktan siya ngayon ng dahil sa 'kin.

Inalis niya ang kamay ko at nakita kong sinusubukan niyang kumalma habang nasa malayo ang tingin niya. "Hindi rin naman madali sa 'kin na iwan ang pagiging artista. But I need to sacrifice this, para hanapin 'yong mga sagot sa tanong ko." Naging mababa ang tuno ng boses niya.

Dahan-dahan na siyang lumakad, pero agad kong hinawakan ang kamay niya. "Sasamahan kita. Mananatili ako sa tabi mo. Tulongan kita sa paghanap ng sagot." Dali-dali kong sabi.


Pero inalis niya lang ang kamay ko. "No. Ayaw kong titigil na rin ang mundo mo nang dahil lang sa 'kin. You have bright future sa showbiz, mas lalo kang sisikat. At kapag mangyari 'yon, magiging proud ako sa 'yo." Tugon niya.

"Pero anong silbi ng lahat ng 'yon, kung hindi naman ikaw ang makakasama ko?" Puno ng lungkot ang tuno ng boses ko. "Makakasanayan mo rin na wala ako sa tabi mo." Sagot niya.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko, kaya napa-iling nalang ako habang lumuluha. "Tian, pleas stay...I'm begging you..." lumuluhang sabi ko, dahan-dahan niyang hinaplos ang mga pisngi ko.

"Makinig ka sa 'kin. Oo, lalayo ako. Pero hindi ibig sabihin no'n kakalimutan na kita. Maghahanap ako ng paraan para dalawin ka sa taping mo. Pag may oras ako, pupuntahan kita. Susuportahan kita, gaya ng lagi mong ginagawa sa 'kin." Alam kong gusto niya umiyak, pero pinipilit pa rin niya ngumiti.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now