CHAPTER 6

659 13 1
                                    

Yzekielle POV

Papunta na kami ngayon sa bahay nila lola mommy wala pa talaga kaming balak umalis pero biglang dumating si nix at pinag hahampas kami kasi late na kami hindi pa daw nya malalaman kung hindi pa tatawag sa kanya si daddy nag kasapakan pa kami ni riella kasi sabi ko sabihin nya pero hindi nya ginawa . Buti na lang nandito pa si ma'am at may umawat samin nagulat na nga lang kami kasi bigla nya kaming binato ng sandals nya.

Hindi sya umalis kasama ng kaibigan nya hindi ko talaga alam paano naging kaibigan ni riella itong si ma'am na ngayon ay katabi ko nasa SUV kami nakasakay si Nix ang nag mamaneho na halatang puyat pa galing kasi sya sa work .

" Sa tingin nyo ate ano kaya magiging reaction ni mommy at daddy pag nakita nila mukha nyo? " nang aasar na tanong ni Hezekiah ang ganda ng name nya ah .

" Huwag kana mang asar Heze dahil kanina pang galit si mommy siguro kung wala sila lola mommy dun baka kanina pa ni karate ni mommy si daddy " sabi ni Nix na halos paliparin na yung sinasakyan namin .

Maya-maya pa ay naramdaman kong yumakap sa braso ko si ma'am kaya napatingin ako sa kanya tulog na pala sya , kaya naman inalalayam ko ang ulo nya pahiga sa balikat ko .

" Hezekiah lumipat ka muna sa tabi ni Riella sa likod " aniya ko at inirapan lang ako ng bruha .

" Sige na kita mo naman oh natutulog si ma'am aayusin ko lang at baka mag ka stiff neck sya eh " aniya ko pa.

" Pag bigyan mo na sya Jaixe " aniya ni ate kaya naman wala na nagaw ang kapatid ko kundi ang lumipat sa tabi ni riella.

Dahan-dahan ko naman hiniga si ma'am sa lap ko at inalalayanan katawan nya para hindi sya mahulog.

Tahimik na ang buong byahe at puro attack lang ang naririnig namin dahil nag lalaro na naman yun dalawa hindi sila nag tangka na mag murahan kasi nanyan si Nix takot silang dalawa sa ate nila pero samin ni riella balewala lang parang hindi nila kami ate eh.

Hanggang sa makarating kami sa mansion at sakto naman na nagising si ma'am namumula ang mukha nito at tinignan ako.

Ang ganda nya pala talaga kaso may boyfriend ekis kana ma'am. Joke lang hahahaha .

Bumaba na ang mga kapatid ko at kami na lang ni ma'am ang hindi pa . Hindi na ako naka angal pa ng nakawan nya ako ng halik bago lumabas ng sasakyan.

Naabutan kong nag sesermon si lola mommy habang si mommy naman ay pinag mamasdan ng maigi si riella .

" Hello po " agaw pansin ko sa kanila .

" Isa ka pang bata ka ang tigas ng ulo mo tignan mo may pasa ka pa sa mukha " sermon sakin ni lola mommy narinig ko na lang ang mahinang tawa ng katabi ko .

" Napaano ang pasa nyong dalawa riella , kielle? " pinaningkitan ako ni mommy ng mata halatang nag pipigil syang magalit nag tago ako sa likod ni ma'am.

" Nag away po silang dalawa tita ako na po ang sumagot pasensya na " aniya ni ma'am.

" Mag uusap tayo mamaya sige na kumain na tayo " si daddy naman ang nag salita . Himala tahimik ang mga bruha.

" Ija jowa ka ba ng apo ko ? " tanong ni lola mommy kay ma'am kaya nasamid ako.

" Hindi pa po " magalang nitong sagot .

" Hindi pa daw " bulong ni Hezekiah kay Hope .

" Alam nyo ba kaya kayo pinatawag dito kasi may good news ang mommy nyo sa inyo " napatingin ako kay mommy na namumula ang mukha habang si daddy ay nakangisi pa.

" Hala mommy namumula ka po " asar sa kanya ni yecheskel kaya sinamaan sya ng tingin ni mommy.

" Sorry na late kami " napatingin kami sa dumating at sila lola mama lang pala ang parents  ni daddy kaya nag si tayo kami at nag mano sa kanila sila lang dalawa at wala sila tita.

" Kanino pa ba mag mamana itong mga apo natin kundi sa inyong dalawa " aniya ni lolo daddy .

" Oh ms Hakashi right ? " ngiting tanong ni lolo papa sa katabi ko .

" Yes po " aniya naman nito.

" Ang pag kaalam ko galit ang daddy mo sa alfonzo " aniya ni lolo papa.

" Dad tsaka na yan tsaka iba naman sya may gusto anak natin dyan " aniya ni daddy .

Natahimik naman ako kasi wala naman talaga akong gusto dito kay ma'am. Tumingin ito sakin na may ibang ngiti sa labi kaya naman inirapan ko sya.

" So dahil kumpleto na tayo sabihin mo na anak yung good news mo atat na akong malaman yan " tuwang-tuwa na sabi ni lola mommy.

May nilapag si mommy na isang kahon na kulay pink .

" Ano yan mahal ? " tanong ni daddy.

" Parang alam ko na yan " bulong ni Hezekiah kay yecheskel.

" Bomba yan " bulong ng isa " papasabugin na ni mommy utak mo " bulong naman ni yecheskel sa kanya at ayun nag kurutan ang mga bruha.

Binuksan ni daddy ang kahon at halos lahat kami ay nagulat lalo na ako kasi kahit ganyan pala sila katanda posible pa rin pala.

" Yes daddy na ako ! " tuwang -tuwa na sabi ni daddy .

Napaangat ang kilay ko at tinignan ng masama si daddy makasigaw sya ng daddy na sya eh daddy na naman talaga sya .

" Ah eh ehehehehehe " parang batang tawa ni daddy .

" Chillax girls masyado nyo naman papatayin sa tingin yang daddy nyo " natatawang sabi ni lolo papa . Nag sitawanan naman ang iba .

" Same reaction sila " tumatawa na sabi ni lola mommy.

" Mukhang hindi ata sila natuwa na mag kakapatid pa ulit sila " napasimangot naman si mommy sa sinabing iyon ni lola mama.

" Hindi po ah tuwang-tuwa po ako nag makakapatid kami " aniya ko.

" Diba girls " tumango naman sila.

" Mommy ano po sya babae o lalaki o unique? " tanong ni riella .

" Hindi pa alam pero next week mag papa check up kami para malaman " masayang sabi ni daddy .

" May asawa kana ba ija if wala pa pwede ko bang makausap lolo mo ? " seryoso ang mukha ni lolo papa ng itanong yun kay ma'am.

Kung saan saan na talaga napupunta topic nila kaya naman lumabas na lang muna ako .
Nakita ko rin na lumabas si Hezekiah na pinag taka ko gamit nya yung isang kotse ni daddy.

" Alam mo ba ate napapadalas ang pag labas ni ate ng gabi ako lang nakakaalam nyan " aniya ni yecheskel ng tumabi ito sakin.

" Alam mo ba kung saan sya pumupunta ? " tanong ko pero umiling sya.

" Naririnig ko minsan na umiiyak sya na sinisisi nya sarili nya " aniya pa nito.

" Baka may problema ang kambal mo tapos hindi mo pa tinatanong " aniya ko.

" Nagawa ko na yan sabi nya guni-guni ko lang daw " aniya.

" Siguro kay daddy at kay mommy mag sabi sya napapansin ko kasing may sarili syang mundo minsan kapag hindi tayo mag kakasama sama " pinikit ko mata ko para damhin ang simoy ng hangin.

" Saan pumunta si Hezekiah? " tanong ni nix.

" Hindi namin alam " sagot ko.

" Nag mamadali kasi sya " aniya nito.

" Kielle ihatid mo na si ma'am mo sa apartment nya " aniya ni daddy napasimangot naman ako na lumapit kay mommy at kiniss ang tiyan nya .

" Pinapaalis mo na agad ako daddy ah " nakangusong saad ko.

" Ah tito okay lang na ako na lang mag commute na lang po ako " aniya ni ma'am.

Putik yan nangonsensya pa ang bruha kong prof eh.

Wala na akong nagawa kundi hatid si maam jusko sana 'wag sapian ng kademonyohan  .

Obsession of Miss Professor HAKASHIWhere stories live. Discover now