CHAPTER 9

390 15 1
                                    

Malapit lapit na kami sa probinsya namin at si ma'am ay natutulog lang alam ko naman na pagod sya kaya hinayaan ko na lang. Hindi biro ang maturo kaya naiintindihan ko sya.

Hindi ko naman inaakalang maisasama ko sya ng mabilis balak ko na talaga umuwi dito para sa project na sinasabi ni ma'am.

" Malayo pa ba tayo daddy ?" napalingon ako kay ma'am ng bigla itong mag salita gising na pala sya at nakatingin ito sa bintana.

" Malapit na ma'am, nagugutom kana po ba pwede naman tayong kumain muna ng niluto mo " aniya ko tumango naman sya na kinangiti ko na lang.

May mga side talaga si ma'am na sweet minsan nga childish pa ewan ko ba pero sakin nya lang yata pinapakita yun .

Huminto kami sa isang malapit na park dito at sakto naman na may table dun na pwede namin mapag kainan . Habang nag hahanda kami ni ma'am ay may lumapit samin na isang bata.

" Ate pwede po bang tulungan mo po ako ? " tanong ng bata sakin , napatingin naman ako kay ma'am na tumango na lang sakin.

Kahit madungis yung bata ay binuhat ko pa rin sya , tuwang-tuwa naman ang bata sa pag buhat ko sa kanya.

" Anong tulong ang kailangan mo baby ? " tanong ko .

" Kasi ate tumakas po ako sa bahay palagi pong lasing si tatay kami na lang pong dalawa wala na po kasi akong mama eh palagi po akong sinasaktan ni tatay at sinisisi sa pag kawala ni mama " aniya nito at bigla na lang umiyak kaya naman nataranta ako ngayon pa lang kasi ako makakahawak ulit ng batang naiyak . Sa tingin ko nasa limang taon gulan pa lang itong bata at baka nakaranas na agad ng ganun.

" Idadaan ka namin sa inyo baby ah huwag kang matakot akong bahala sa tatay mo " aniya ko.

" A-ayaw ko na po umuwi a-ate " umiiyak na sabi nito.

" Kailangan mong umuwi baby girl kukuha tayo ng damit mo at isasama ka namin ni ate mo " napakunot ang noo ko sa sinabi ni ma'am, bigla naman tumahan itong bata at masayang bumaba sa pag ka buhat ko sa kanya.

" Kukunin nyo na po ako kay tatay ? " masayang tanong nito.

Pinakain muna namin yung bata at bago kami pumunta sa bahay nito at naabutan nga namin na nag wawala ang  tatay kaya naman napatago na lang yung bata.

" At sino naman kayo! Arianna lumapit ka nga ditong bata ka napaka layas mo! " sigaw nitong tatay ng bata.
Arianna pala ang name nitong bata . Pinakapitan ko yung bata kay ma'am inayos ko ang suot kong long sleeve.

" Anong gagawin mo daddy baka mapaano ka ? " may pag aalalang tanong ni ma'am.

" Pasensya na kuya pero .... " hindi ko na tinapos ang sasabihin ko at binigyan ito ng isang malakas na suntok sa mukha sinundan ko pa ito ng suntok sa sikmura na ikinamihatay nito.

Sakto naman na dumating yung barangay at may mga tao din nakakita sa ginawa ko.

" He needs rest dalhin nyo sya sa isang hospital at pakisabi 'wag syang mag alala sa anak nya " nag abot ako ng 150 thousand sa kapitan nila .

" Babalik ako para kamustahin sya, let's go baby"  aniya ko at sumunod naman yung dalawa hindi ko na pinag palit yung bata at sinabi ko na lang kay ma'am na kumuha na lang ng wipes at isang t-shirt sa bag ko may croptop naman dun at sakto lang yun sa bata.

" Daddy dapat hindi mo ginawa yun " aniya ni ma'am habang nasa byahe na kami.

" Sumosobra na sya pati anak nya sinasaktan nya " malamig na sabi ko.

" Gawin na lang kitang anak ko gusto mo ? " rinig kong tanong ni ma'am kay arianna.

" Talaga po , yeheyy may mommy na ako " tuwang-tuwa na sabi nito napangiti na lang ako dahil sa batang kasama namin.

" Magiging happy family tayo baby kasi daddy mo na din itong super hero mo " namula ang mukha ko ng tumingin ako kay ma'am. Kita sa mukha ng bata ang pag tataka pero halata naman na gustong gusto nya.



A/N: Sorry for short update guys busy lang si author nyong cute sa acads malapit na po kasi ang exam and assignment namin.  Iloveyou guys mwaaa.

Obsession of Miss Professor HAKASHIWhere stories live. Discover now