CHAPTER 8

397 11 2
                                    

Dito na ako natulog sa bahay hindi sa apartment ni ma'am kailangan ko kasi mag ready ng mga dadalhin namin 3:00 am pa lang gising na ako well nag ka idea kasi ako sa love story ni daddy at mommy .

" Ang aga mo baby " sita sakin ni mommy , nakakapag taka na gising pa sya bawal syang mag puyat ah.

" Mommy bakit gising kapa ? " tanong ko kasi naman buntis sya kaya bawal syang mapuyat.

" Daddy mo kasi wala pa , pinabibili ko lang syang ice cream eh sabi ko huwag syang babalik ng walang dala " napangiwi na lang ako sa pag cacrave ni mommy grabe kawawa naman si daddy.

" Ikaw bakit gising kapa at parang lalayas ka ah dami mong dala " pag susungit nya.

Lumapit ako kay mommy at niyakap sya.

"Nag paalam na ako sa inyo diba na aalis ako ng 4 days pupunta akong probinsya natin bibisita lang ako dun " naramdaman ko na hinaplos ni mommy ulo ko.

" Naka limutan ko , oo nga pala napaaway ba si hope kahapon ? " tanong ni mommy .

Wala talaga silang alam about sa nangyari sa bunso nila si hope na rin kasi nag sabi na wag na daw naming sabihin kila mommy para hindi mag alala.

" Ah nag asaran po kami " pag sisinungaling ko isang masamang tingin ang pinukol sakin ni mommy she knows na hindi ako marunong mag sinungaling.

" Kailangan kapa natutong mag sinungaling Snife at sakin pa talaga ! " isang hampas ang natanggap ko kay mommy .

" Joke lang mommy bawal ka po ma stress baka mapaano si baby " pag papakalma ko sa kanya hahampasin kasi nya ulit ako.

" Manang mana ka talaga sa daddy mo " pffft nadamay pa tuloy si daddy.

" Oh Yzekielle aga mong.... Aray ko !  Bakit ka ng hahampas nics ! " napasigaw si daddy nakakarating lang at nagulat pa kami sa pag sigaw nya lalo na si mommy na paiyak na at tuluyan na nga itong umiyak medyo sensitive si mommy kaya ayan napapala ng matakaw gumawa ng baby.

" Hala sorry hindi ko sinasadya , ikaw kasi eh ang bigat bigat kaya ng kamay mo " at least na tumahan ay lalo lang umiyak si mommy .

Iniwan ko na sila dahil baka ma late kami ni ma'am sa byahe baka mag traffic pa mamaya.

" Mommy, Daddy aalis na ako " humalik muna ako sa kanila bago lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko papunta na ako sa apartment ni ma'am. May binigay syang susi sakin kaya naman hindi ko na kailangan kumatok mamaya.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na ako sa apartment nya bumaba na ako sa kotse ko at kinuha yung susi sa bulsa ko . Pag bukas ko ay nakaamoy agad ako ng adobo mukhang nag luluto si ma'am . Dumeretsyo ako sa kusina at bumungad sakin ang isang sexy na babae na naka panty at bra lang pero may naka takip naman na airpron sa katawan nya.

" Tamang-tama paluto na itong niluluto ko " masayang sabi nya .

" Hindi ako kumakain sa umaga siguro mamaya sa byahe " aniya ko at pumuntang sala at humiga .

Pipikit na sana ako kaso naramdaman ko ang kamay ni ma'am sa mukha ko .

" Pwede ba kitang maangkin Yzekielle? " Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni ma'am.

" What do you mean ma'am? " naguguluhan na tanong ko sa kanya.

Agad nya akong hinalikan at ako naman itong si rupok gustong gusto pa at tinugon ang halik nya . Ilang segundo din ang tinagal ng halikan naming dalawa at nilayo ko na sya sakin .

" Tsaka na yang nasa isip mo need na natin umalis baka abutin tayo ng traffic sa daan " aniya ko nakasimangot naman syang umalis sa tabi ko .

Isang oras ang tinagal namin sa apartment ni ma'am bago kami nag simulang mag byahe kung ano ano pa kasi ginawa nya halos mapuno yung kotse ko ng mga gamit nya lalayas na yata sya apat na araw lang naman kami sa probinsya grabe sya.


Obsession of Miss Professor HAKASHIWhere stories live. Discover now