PROLOGUE

3 0 0
                                    

"Kuya!" Pagtawag ko sa kuya ko.

Hindi ko siya makita sa kapal ng usok.

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa 3rd floor ng isang building.

Mga limang minutong nakakaraan, nag-alarm ang fire alarm ng buong building.

Medyo nag-panic man nung narinig yun, nakabawi naman agad ako at nagsimulang tumakbo palabas sana ng floor at ng building ng maalala kong nandito pa sa building ang kuya ko.

"Kuya Edrix!" Pagsigaw kong muli.

Mabilis ang pagkapal ng usok kaya't napatakip na ako ng ilong at agad na naghanap ng unit na bukas sa buong building.

Isang 3-star Hotel ang building kung nasaan ako ngayon.

Nagsimula raw ang sunog sa 7th floor kung kaya't medyo matagal bago umabot dito sa 3rd floor ang usok at apoy.

Naglakad ako nang naglakad.

Medyo tahimik ang paligid.

Tunog lamang ng mga nagbabagsakang debris at mga naaapakan kong semento at kahoy ang rinig sa paligid.

Kita ko ang pagkalat ng usok na galing sa isang elevator sa di kalayuan.

Agad akong tumakbo palayo para hindi ako maubusan ng hangin.

Chinecheck ko kung mabubuksan ko ang mga unit na nadadaanan ko rito sa hallway.

Maghahanap sana ako ng twalya at tubig mula sa cr ng mga unit para kahit abutan ako ng usok, hindi ako maapektuhan ng malala.

Nakakaanim na pinto na ako ng biglang bumukas ang isang unit.

Mula roon ay lumabas ang isang babae na kasing tanda ko.

Maputi at makinis ang balat ngunit mukhang nahihilo siya.

Meron rin siyang paso sa kamay at mukhang sariwa pa ang pagkakapaso.

"Hey! Ayos ka lang?" Agad ko siyang nilapitan.

Pagkalapit ko ay ang kanyang biglaang pagbagsak kaya't dali-dali ko siyang sinalo para hindi mabagok ang ulo niya sa sahig.

Binuhat ko siya at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsimula nang gumapang ang apoy mula sa elevator papunta sa mga unit.

Napatakbo ako papasok sa unit kung saan nanggaling ang babae.

Agad kong sinara ang pinto at inilapag ang babae sa sofa.

Medyo malaking unit ang isang ito at marami ring nakakalat na gamit.

Kumuha ako ng malinis na damit sa mga nakakalat na kumpol sa sahig.

Matapos kunin yon, dumiretso ako sa banyo ng unit at naghanap ng twalya at parehong binasa ang mga yun.

Pagkatapos ay agad kong nilapitan ang babae at ipinatong ko sa katawan niya ang twalya at ibinalot ko naman ang ulo ko sa damit na binasa ko.

Matapos kong ibalot ang basang twalya sa kanya at basang damit sa ulo, binuhat ko na siyang muli at dumiretso sa pinto ng unit para buksan.

Umatras ako saglit dahil alam kong bubulusok ang usok papasok ng unit.

Pagkabukas ay naghintay muna ako ng ilang segundo at lumabas buhat-buhat ang babae.

Dumiretso ako sa direksyon ng hagdanan habang naglalakad ng marahan upang hindi mabagsak ang buhat ko.

Nang makarating sa hagdan, dali-dali akong bumaba para makarating ng maayos sa labas.

Ngunit sa kabila ng pag-iingat, nadali ng bumagsak na bato ang likod ng binti ko kaya't bumagsak ang aking katawan sa baitang ng hagdan.

Hawak-hawak ko pa rin ang babae.

Kahit anong sakit ng tumamang bato ay hindi ko pa rin hinahayaang maapektuhan ako nun.

Kailangan ko pang madala ang babae sa labas ng building.

Kaya naman kahit nahihirapan tumayo ay pinilit ko pa rin.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.

2nd Floor...

Parang napakataas naman ng building na ito.

Sa dinami-dami ng baitang na nalagpasan ko, nasa 2nd floor palang kami.

Mas lalo kong iningatan ang paghakbang at paglalakad dahil nakirot ang binting tinamaan ng bato kanina.

At bago pa man ako makababa sa huling palapag ng building, narinig ko na ang pagkasira ng kahoy na pinto mula sa 2nd floor.

Binilisan ko ang pagbaba ng hagdan dahil nararamdaman ko ang paparating na pinto.

At ng makarating sa pinto sa dulo ng hagdanan, naramdaman ko ang mabigat na bagay na tumama sa likod ko.

Napabagsak ako sa sahig.

Nanlalabo na ang mata ko.

Binalingan ko ng tingin ang babae at nakita kong nasa gilid siya, at mukhang hindi naman siya nasaktan sa pagkakabagsak.

"Mabu-ti n-nam-an.."

Tumingin ako sa gilid ng pinto.

Napangiti ako habang binabasa ang nakasulat doon bago ako mawalan ng malay.

"1s-s-st F-lo-o-o-r..."

PURE SERENDIPITYWhere stories live. Discover now