CHAPTER 1

2 0 0
                                    

ISABELLA

"HOY! Tigilan niyo na ako!" Singhal ko kahit na hinihingal na sa katatakbo.

Nakita kong papalapit na naman sila kaya tumakbo na ulit ako.

Malapit ko ng maabot ang limit ng karawan ko kaya agad akong naghanap ng matataguan o malilikuang iskinita.

Hindi rin naman nagtagal ang paghahanap ko dahil lumiko rin ako sa isang iskinita sa bandang kanan ng kalye.

Pagkalabas ng iskinita, naupo muna ako saglit sa baitang ng isang building.

Hindi ko akalaing mapapatakbo ako ng ganung kabilis ngayong araw.

Ang expected ko kasi eh boring na araw na naman ngayon.

Hindi ko naman na may maraming asong hahabol sakin.

Oo! Mga ASO!!!

Sumakit ang binti ko. Mukhang humupa na ang adrenaline sa katawan ko.

Sana naman eh makalad pa ako pagkatapos ng mala-The Flash na takbong ginawa ko.

Kainis naman!

Kung alam ko lang na maraming aso dun sa lugar na yun, edi hindi na sana ako dumaan don.

Hays. Hahanap na lang ako ng bagong daraanan bukas.

Kamusta naman kaya ang uniform ko?

Bumaba ang tingin ko sa suot kong uniform at nanlumo ako ng makitang gusot-gusot na yun.

Arghhh! Badtrip na ako!

Hindi na ako natutuwa sa araw na to. Nakakaimbyerna na siya.

Hindi na talaga tayo magbabati, Monday.

Tumayo na ako para magpagpag at magsimulang maglakad ulit.

Papasok palang kasi ako ng school. Sa Gov. Ferrer Memorial Integrated National High School.

Graduating na ako ngayong taon sa Senior High School at nasa 2nd Quarter na.

Dala ko ba yung assignment?

Habang iniisip ang school, naalala ko tuloy na meron palang assignment sa Creative Writing. Isa sa mga specialized subject sa HUMSS Strand.

Tumigil muna ako sa paglalakad at binuksan ang bag para tignan kung nailagay ko rito ang Assignment.

Hindi pa naman ako nagpapa-late ng pasa ng mga school works.

Consistent With High Honors. Mahirap ng bumagsak at baka ma-disappoint ang pamilya't mga kaklase ko.

Nakita ko rin yung essay ko na nakaipit sa clipboard kaya't kumalma na ako at nagsimula na ulit na maglakad.

Medyo may kalayuan ang bahay sa school pero hindi pa rin ako nag-aabalang sumakay ng tricycle o jeep.

Hindi lang sa dahil nagtitipid ako, pero gusto ko ring sanayin ang katawan ko sa mga ganitong gawain.

Exercise kumbaga.

8:00AM ang start ng klase namin kaya medyo chill-chill pa ako.

May isang oras pa bago mag-start ang klase.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan na pansinin ang mga matatandang nagwawalis sa kalye.

Napansin ko rin ang mga baka na mukhang ililipat ng lugar.

Ganito ang buhay dito sa lugar namin. Tahimik at productive ang mga tao. Lalo na sa umaga.

Nalagpasan ko rin ang mga taniman ng palay at mais sa gilid ng kalsada.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PURE SERENDIPITYWhere stories live. Discover now