Nakakailang itong lalaki na nasa harapan ko ngayon, mukha siyang walang kaalam alam sa mga gawaing bahay. Pina-upo nalang tuloy siya ni kuya at siya nalang ang nag asikaso dahil baka makasira pa itong kung sino man siya. "Abcd kunin mo yung plato... ayusin mo na," sabi ni kuya kaya sumunod na ako.

(Abcd) - (Ab- see- dee)

"Section A... Building 1, Psychology student?" walang gana niyang tanong. Mukhang kaklase ko pa nga ang gago. Sana hindi dahil baka mabanas lang ako sa ugali nito, mukha pa namang nakakainis pero hayaan na. Dapat hindi ako manghusgas masama yon.

"Yes," sagot ko.

"Sabi ko na e... I know you," diretsong tingin niya sa akin habang pinangliliitan ng kanyang mga mata.

Napairap nalang ako, mukhang malaking gulo kung papatulan. Naka cross arms pa ang gago akala mo naman kung sino siya dito, excuse me nalang sa kanya no! kami ang nakatira dito kaya umayos ayos siya dyan.

"Kanya kanyang laba dito..." sabi ko habang nagsasandok ng kanin.

"It's okay." wow! parang siya ata ang maglalaba sa sarili niyang damit ah.

"I have money... I can pay others to do my laundry," matindi itong tao na 'to, kaya siguro gustong gusto pahirapan ng lola niya kasi ganito siya umasta. Bahala siya dyan basta ako papasok ngayong araw ng may kalmadong isip.

Halos mauubos na namin ni kuya ang pagkain pero hindi pa rin siya nagalaw sa kinauupuan niya o hindi manlang niya kinakalas ang pagkaka cross ng kaniyang mga braso. Ano bang kaartehan ang meron 'to? Pa'no siya natitiis ng lola niya? parang imposibleng may magulang na hinayaan nilang lumaki yung anak nilang ganito kaarte. "Are you done looking at me?" tanong niya, nakataas ang dalawang kilay nito at may tingin na parang kasalanan ko ang tignan siya. Umirap ako at hindi nalamang siya kinibo.

Mukhang mahaba habang pakikisama 'to. "Papasok na ako sa school," tumayo ako bumeso kay kuya. Kinuha ko lang ang aking bag sa aking kwarto at tsaka tuluyan ng umalis sa bahay.

Napaisip tuloy ako kung anong mangyayari na sa amin ni kuya ngayong nakatira na sa amin yung apo ng amo niya. Mas mainam na rin siguro na ganon kesa naman walang trabaho si kuya dahil ma mo mroblema lang sila sa iniwang utang ni tito. Ewan ko ba kung bakit nagkaroon ako ng ganong kamag-anak. Puro nalang 'intindihin ko nalang'.

Ibabash ko nalang siguro sa utak ko kasi tao rin naman ako no, naiinis at nagkakaroon ng sama ng loob. Nagtime check ako sa aking relo at 5:06 na ng umaga may isang oras pa ako para makarating sa school pero hindi ko naman kailangang magmadali dahil late pumasok ang teacher namin sa Purposive Communication.

Tatawid sana ako sa kabilang kalsada ng harangin ako ng isang matandang may tungkod, kumabog ang dibdib ko dahil may mabilis na kotse ang biglang dumaan sa harapan ko. Lumingon ako sa matandang ng may 'di makapaniwalang tingin. "Pa'no po ninyo nakita?" tanong ko dahil alam kong hindi siya nakakakita.

"Lagi kang dumadaan ka dito ng 5:20 ng umaga at ang sasakyan naman na iyon ay 5:21 ngayon lang walang traffic enforcer dito dahil pinatawag sila sandali, ngayong walang nagbabantay alam ko na tutuloy lang sa pagtawid ang mga tao sa sobrang pagmamadali nila wala silang oras para tignan kung mapapahamak ba sila," napalunok ako ng laway sa sinabi niya, tama nga siya masyado akong lutang kanina at tumatawid nalang basta basta.

Mag-ba-bow sana ako pero hindi ko na tinuloy. "Salamat po." ngumiti siya at tumalikod sa akin.

Medyo nahiya tuloy ako dahil sa nangyari kanina kaya tinignan ko muna ang aking kaliwa at kanan kung may dadaan bang sasakyan nung masigurado ko ng wala ay tumawid na ako.

A Safe Place To Be LovedWhere stories live. Discover now