III

16 4 0
                                    

Ayaw ko pa sana tumayo pero kailangan ko pumasok sa trabaho para may pera ako, araw ng biyernes ngayon at wala akong pasok. Tamang tama para gugulin ang buong oras don tutal wala naman akong gagawin dito sa bahay, tsaka isa pa isa lang naman ang assignment na meron ako e kaya ko na yon gawin mag-uwi bago ako matulog.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng aking kwarto kaya hinintay ko kung sino ang papasok doon. "Balita ko may trabaho ka na raw?" tanong ni kuya nung nakapasok na ito. "Hindi naman kita pipigilan dyan basta ba hindi mo masyadong pinapagod sarili mo kasi kaya ko naman magbayad ng para dito sa bahay." sabi ni kuya at umupo sa upuan na nasa tapat ng salaminan ko.

"Baka kasi mashort tayo, ako nalang bahala sa pagkain once na nakasahod na ako," ngumiti ng pilit si kuya dahil sa sinabi ko. Alam ko namang ayaw niya akong magtrabaho habang nag-aaral pero mas alam ko na makakatulong yon para na rin sa bahay lang na bayarin naka focus si kuya tsaka isa pa...

Alam kong may gusto ligawan si kuya hindi lang niya mapormahan dahil mas inuuna niya kaming dalawa.

Kaya kung gagawin ko 'to mababawasan ang gastusin niya at magkakaroon siya ng budget para ligawan yung gusto niya. Madiskarte ata 'to no, kaya lang naman na sho-short si kuya now dahil dun sa tiyuhin naming mapagsamantala pero nung wala pa dito yun palaging marami ang pera ni kuya at talagang bumibili pa siya ng mga action figures na ayaw n'yang ipahawak sa akin.

Sayang lang wala na yung mga action figures niya kasi need ibenta para sa gamot ni mama noon at hospital bills.

Tumayo si kuya at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko, lalabas na siguro siya. Hinawakan niya ang door knob at pinihit iyon. "Isa pa pala, nabalitaan ko rin na katrabaho mo yang si Seven... pakisamahan mo nalang sabi ni Mrs. Lee nakikinig naman daw yan paminsan minsan basta 'wag lang ma aargabyado yung ego," sabi ni kuya at lumabas na ng tuluyan.

Siguro kaya siya minsan masungit kasi may ginawa sa kanya na hindi niya nagustuhan or napipilitan lang siyang gawin yung isang bagay na ayaw niya.

Ay teka... oo nga napipilitan lang pala siya tumira dito.

Bago nga pala ako umalis ikakabit ko yung ginawa kong rules sa pader para kahit papaano naman may alam siyang gawin dito sa loob ng bahay.

Lumabas ako dala dala ang kartolina na hawak ko at dinikit iyon sa pader. "Bawal iha--" Napahawak ako sa aking dibdib ng may biglang magbasa sa aking likuran.

"Ano ba?! 'wag ka naman pagsulpot sulpot!" malalim na paghinga ang binitawan ko ng dahil sa kanya.

"Basahin mo para naman maging magkasundo tayo sa maliliit na bagay," humarap ako sa kaniya para sana kausapin siya ng mas maayos pa pero tumambad sa akin ang chest n'ya. Nahinto ako sa pagkilos dahil dito ni paghinga 'di ko na nagawa.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-angat ng kaniyang kamay at naramdaman kong may dumakma sa ulo ko. "Tabi binabasa ko," sabi niya sabay tulak sa ulo ko.

Nagsalubong ang aking kilay. "Magdamit ka nga!" sigaw ko sa kanya sabay dampot sa mga nakakalat na papel sa sahig.

Narinig ko lang siya na tumawa ng mahina at naglakad palabas ng pintuan. Nang-aasar ba siya?

Bahala na nga siya basta nagawa ko na yung part ko.

Isinalansan ko ng maayos ang mga papel na hawak ko at ipinatong iyon sa lamesa. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni kuya at mukhang papasok na siya sa trabaho.

"Umuwi na sila Alec," nung una ay hindi ko siya pinansin dahil akala ko ay wala lang at hindi ko rin gaanong narinig.

Habang nakayuko ako dahil inaayos ko ang mga papel sa lamesa, nakita ko ang paa ni kuya sa gilid kaya napalingon ako sa kanya. "Hindi ka ba masaya? Yung mga kaibigan mo umuwi na, si Jek Jek at Ale--" parang lumiwanag ang paligid dahil sa narinig ko.

A Safe Place To Be LovedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang