Chapter 17

100 0 0
                                    

Para akong isang kambing na nahuli sa akto sa gitna ng daan at nagulat ng busina ng sasakyan. Dali kong nilingon kung sino man ang estrangherong nasa likuran ko. Ang una kong napansin ay ang suot niyang kaswal na kasuotan. I was expecting a police uniform. It seemed he did read my mind dahil itinambad niya sa paningin ko ang dala niyang badge.

"Thomas, at your service." he lightheartedly said. I cautiously took a step back. Kahit siguro magbigay ako ng paliwanag ay hindi mapapalitan ang impresyon niya sa akin. Ako, na nahuli niyang nagmamasid dito sa pinangyarihan ng krimen. Sinulyapan ko ang pintong nakaawang sa kanyang kanan, kung nasaan siya nagmula. Thomas blocked it with his shoulder by leaning on the entrance way. Napamura na lang ako sa isipan ko.

"I'm in charge of this case, you know. Let's set things straight.. are you Miguel *****?" ibinigkas niya ang buong pangalan ko. I stop racking my brains at the moment on how to get out from here. Parang hindi siya nagmamadaling hulihin ako kung yun ang pakay niya. Sinubukan kong lunukin ang namumuong kaba sa lalamunan ko.

"Yes.. ako nga.." parang wala naman yatang saysay na magsinungaling. The police have caught a wift of my identity even long before I'm back here.

Walang pasintabing hinugot at ikinasa niya ang kanyang baril na nakasukbit sa likuran ng pantalon niya. Ako naman ay walang magawa kundi itaas ang dalawa kong kamay sa ere. "Paano kung patayin kita.. muli?" saad niya. "Muli..?" nagtataka kong tanong. "Alam mo ba ang totoong nangyari sa akin?" dagdag ko pa. Thomas just shrugged his shoulder like it's nothing new to him. "Yeah, I'm just like you back then. A manwhore, a lying son of a bitch.. and it made me, made you the perfect victim for her." He explained, he had a far away look but his gun still steadily points at me.

"If I gun you right now, maybe she'll reappear? since you're her new plaything now." Natatawang saad ni Thomas. Hindi ko maintindihan kung saan ba patutunguhan tong pinag uusapan namin.

"Nasaan ba siya? Hindi ko siya mahanap rito." usisa ko. No presence of her at all in this wretched of a house. Only the remnants. Unwashed dishes. Broken vases. Personal belongings. Cabinets pried open. "She left, like she always does, she leaves with mess left behind." tugon ng detective. Hindi ba nangangalay ang braso niya?

"The man who died in there.. was my bestfriend." He pointed the bloodstained mattress. "I was away when this all happened. Damn it. There's my chance of meeting her once more.. gone." It seems he has a different agenda of his own. He doesn't look so miserable telling me that his closest friend died. Parang may pagkutya sa kanyang mga mata.

"Bat mo ba siya hinahanap?" tanong ko, ramdam kong nanlalamig na ang mga palad ko. I need to get out of here. Fast. Think! The window on my right is too far away. Kung lulundag ako roon ay mauunahan pa ako ng bala. "Isn't it obvious? I love her! I let myself die in her hands, I thank her that she gave me this second.. life. She is my God. My Savior. Pero inabandona niya na ako.. nang natutunan kong mamuhay sa pekeng pagkatao kong ito. I changed my identity, if you haven't guess man. My death in the past wasn't uh.. clean, like how it happened to yours now.." He was deep in his monologue, but his eyes surely didn't leave me. Parang agila na binabantayan ang bawat galaw ko. "She loves her men miserable you know. Kinalimutan niya na ako dahil may nahanap na siyang bago. Ikaw."

"I'm sorry man pero yung dugong akala mo ay iyo.." he gestured at the blood smeared wall on my left. "We had it run in the lab and it's not yours but from Amanda." Napamaang ako. Natigil ang nagtatakbuhang plano sa isipan ko. "She's dead. Patay na siya. The person living here is dead." Nagpintig ang sentido ko.

"Then what the fuck is happening?" bulyaw ko. I slowly lowered my hands. "She's Amanda. She was. And tomorrow, next day.. I wonder who will she be again?" He smiled. Nakakaloko ang ngiti niya. Na para bang nakakatuwa ang nangyayari. "Hindi siya tao. Demonyo siya o Diyos o kung ano man ang gusto mong itawag sa kanya. But one thing I can tell to you is this.. hindi siya tao." at pagkatapos niyang ibinigkas iyon ay kinalabit niya ang gatilyo ng baril niya ng walang pag aalinlangan. "Ah fuck--" Mabagal ang naging reaksyon ko. I fell down on my back, my hand found where I was bleeding. In my stomach.

"Wag kang mag alala, malayo naman yan sa bituka." Kutya ni Thomas kasunod ang tawa niyang umalingawngaw sa apat na sulok ng silid.

"Nagbabakasali lang akong baka magpakita siya. Pero kung hindi, ang malas mo naman." dagdag pa niya. I bit the inside of my cheek. Ramdam ko ang mainit na dugo kong nagiging sapa na sa kung saan ako nakahilata. Ah shit.. sana naman matuluyan na ako neto.

"Oh shit..!" gulat na sambit ni Thomas. Sinubukan kong itaas ang sarili ko mula sa pagkakahilata. Gamit ang isa kong siko, ginawa ko tong pansuporta sa sarili ko. Pansin ko ang pagkawala ng kulay sa itsura ni Thomas. Sinundan ko kung saan nakapako ang tingin niya. Isang babaeng hubot hubad, maihahalintulad sa kulay ng upos ng sigarilyo ang balat niya. Kulubot ang mga ito, dikit na dikit sa kanyang buto. Walang kalaman laman. Parang pinagtagpi tagpi lamang ang buhok niya sa kanyang ulo. Her eyes.. they were devoid of life. Bulging from its sockets. Blue and violet veins bulges around her eyelids, stretching down the entirety of her face.

Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumiti. Her black lips spreads widely, a gleam of sharp animal like teeth could be seen. Parang nakita ko sa mga segundong iyon si kamatayan. "Talagang hindi mo talaga ako tatantanan.. Thomas.." ibinaling ng nilalang na ito ang tingin niya kay Thomas na nangangatog sa takot habang sinusubukang ituon ng maayos ang baril niya rito. "Amanda?! No.. fuck.. no.. hindi ikaw to.. isa kang demonyo.." Sinubukang itanggi ni Thomas ang katotohanan. "Hindi ikaw ang babaeng mahal ko--" pinaputukan niya ang nilalang pero sa isang iglap ay sinunggaban siya neto. Her weight pinned him down while her nails roughly slashes on his face and throat, repeatedly, all the while she screams and laughs merrily.

This was a chance. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at nagawa kong maitayo ang sarili ko. The pain was the last thing on my mind. Adrenaline rushed through me. I staggered forward, I only have one thing in my mind at that moment: to get out of there. As I ran, stumbling at anything blocking my way, rinig ko pa rin ang malasatanas niyang tawa kasabay ng pag nguya at pag kagat niya sa kalamnan ng kanyang biktima.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. takbo. My lungs were on fire. Nakakasiguradong nag iiwan na ako ng bakas ng aking dugo sa daan. Saan na ako pupulutin neto? Ako na ang susunod niyang pupuntahan. Fuck. Fuck. Returning to my parents house is out of the option. I'd be damned if I let them get in this mess too. I can't ask for help to Sally or his father. Rei is dead. Manuel too.

Kung pupunta ako sa hospital ngayon, I'll just be trapped in there and I'll be sure to get stuck in jail. Jail sure do sounds nice right now but who is to say that she won't appear there?

AmandaWhere stories live. Discover now