𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 17

73 4 0
                                    

Kasalukuyan akong nag iimis ngayon sa salas habang nasa labas si nanay toleng nagsasaing para sa gabihan namin ng bigla akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan

"Aghh n-nay!!!" Sigaw ko dahil sobrang sakit na

"Ayy sus maryosep manganganak kana nga elaine. Karding!! Tulungan moko buhatin ang batang to dalii!" Agaran naman nila akong sinakay sa isang trycicle

Nakarating naman kami kaagad at agaran naman akong inasikaso ng mga nurse "Mrs kalma lang po" pinainom naman nila ako ng pampahilab ng tiyan at tumayo muna ako dahil hindi pa ako tapos mag labor at tinukod ko nalang muna ang kamay ko sa gilid ng kama

Nakita ko naman si Maureen na pumasok "Ano bess kamusta ano kaya pa?" Tumango nalang ako sakaniya at nakita konamang naka uniform pa sya galing atang trabaho

mahigit 12 hours nako dito dahil hindi padin ako tapos mag labor kaya sobrang hirap pero kakayanin para sa anak ko

"La-lalabas na ata" saad ko kay Maureen dahil wala ngayon si nanay toleng dahil kinukuha pa ang mga gamit nk baby "Sige sige tatawag lang muna ako ng doktor"

"Sige lang po mrs ire pa lalabas na" saad nya at nilakasan konaman ang pag ire hanggang sa nakarinig ako ng isang batang umiiyak "Its a boy!!"

"Mrs may isa papo" nagulat naman ako dahil hindi naman ako nakapag ultrasound pero kinaya ko padin hanggang sa nakarinig uli ako ng isang iyak hayy napakasarap sa pakiramdam masasabi mo talagang worth it

"Isa papo mrs" hindi ako makapaniwala pero binigay kona lahat ng lakas ko "Its a baby girl!! " hanggang sa nandilim na ang paningin ko "Mrs!!! Mrs!! Mero-" hindi kona narinig pa ang sinabi nya dahil bumigay na talaga ako

Nagising naman ako sa isang puting kwarto at nakita ko naman sa gilid si Maureen tulog kaya sinandal ko muna ang sarili ko sa headboard. Naalimpungatan naman sya at nakita nya akong nakaupo na

"Gising kana pala Eli" saad nya at tumayo na "Eto kumain ka muna dahil alam kong pagod ka" saad pa nito

"Nasan nga pala ang mga anak ko?" Tanong ko sakaniya "Nasa nursery room puntahan nalang natin pagtapos mo kumain" tumango naman ako

Tapos nako kumain ng biglang pumasok ang isang doktor na may kasamang dalwang nurse namay buhat na bata 

"Grabe anak mo maam ang gagwapo at ang gaganda" sabi naman ng isang nurse ng makalapit binigay naman nya sakin ang dalawang lalaki kong anak nakita konaman ang kulay ng mata nya na green sa kabila at sa isa naman ay kulay gray ang isa konamang anak ay kulay green pareho ganun din sa babae kong anak kaya napangiti namn ako

"Mrs apat po talaga sila pero sa kasamaang palad ay nakatulog agad kayo kaya naman nahirapan kaming kunin sya kasalukuyan po syang nasa nursery padin dahil hindi nyo pasya pwede iuwi pero nagkaroon sya ng heart desease dahil sa pagkaipit nya" napahinto naman ako

"P-pwede kopo bang makita ang anak ko?" Saad ko at tumango naman ang doktor kaya pinuntahan namin sa loob ko ay sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagiging pabaya

nakita ko naman ang isa kopang anak na may nakakabit ng kung ano ano sakatawan nya kaya naiiyak ako sa lagay nya dahil kahit sinong ina ay hindi kayang makita ng ganyan lagay ang mga anak nila meron syang brown na mata pero mas kamuka nya ang tatay nya

"Grabe maam may lahi poba asawa nyo? Nasan po pala ang daddy nila?" Saad pa nung isang nurse "Btw maam kailangan napo pala namin ng pangalan po nila" saad pa nya

𝑋𝑒𝑣𝑒𝑢𝑠 𝑆𝑖𝑒𝑙 𝑉𝑒𝑖𝑛

𝑋𝑖𝑒𝑛𝑑𝑟𝑒𝑖 𝑉𝑜𝑢𝑔ℎ 𝑉𝑖𝑒𝑛

𝑋𝑎𝑙𝑎𝑖𝑛𝑒 𝑆𝑖𝑒𝑟𝑎 𝑉𝑖𝑒𝑛

𝑋𝑖𝑒𝑙𝑜 𝑉𝑜𝑙𝑡 𝑉𝑖𝑒𝑛

A/N: DON'T FORGET TO VOTE AND FOLLOW BEFORE LEAVING AND LET ME KNOW YOUR FEEDBACK🍒

PSYCHO'S OBSESSION Where stories live. Discover now