⌛7th Hunt: Four Over Five

2.7K 96 25
                                    

7th Hunt: Four Over Five


Payne's POV ♕

"What? Si Max ang sumalo kay Princess Yuri kahapon? Are you sure?" Narinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya. Nasa Serlande University ako ngayon.

"Oo nga! I swear! I can't be wrong! Binuhat pa nga niya ang Prinsesa at dinala niya 'yon sa clinic."

Ohh... So binuhat talaga ako ng lalaking yun? Well, alangan namang kaladkarin niya'ko. Hihi!

"Does he know that she's a Princess?" Singit ng isa.

Napangiti ako. Trending ako dito sa Seriun ah? Second day ko pa lang ngayon andami nang nakakakilala sa'kin! Hihihi! Marami akong magiging friends dito! I want friends!

"Hindi namin alam, friendy. Mukhang oo, kasi kalat na kalat na rin naman sa buong University yung tungkol kay Princess Yuri."

I think hindi nila napansing nakaupo ako sa isang bench na malapit lang sa kanila. They keep talking about me kahit nandito lang ako sa likuran nila. Haha!

"Hello schoolmates!" Matinis kong bati sa kanila sabay talun-talon papunta sa harap nila.

Napangiti sila and they bowed down.

Eh..?

"D-Don't bow down!" I said. "As long as I'm wearing this uniform and as long as I'm a Seriun student, you don't have to pay some respects before me." Nakangiti kong pahayag. Napanganga sila. Marami sila ah. Andami ko nang friends! Hihi!

"P-Pero..."

"It's okay! I don't want special treatment. As long as tinuturing niyo akong friend niyo, there'll be no.single.problem." Inisa-isa ko talaga ang NO. SINGLE. PROBLEM.

They smiled back at me, finally.

"Okay Princess Yuri!" They retorted.

I nodded with a bright smile and then I waved my hands.

"I need to go! Bye-bye!" Paalam ko and I skipped my way towards the main Comfort Room.

I was skipping like a kid with a sweet smile on my face pero hindi inaasahang nadulas ako!

My legs went upwards and my back landed on the concrete floor!

"Ouuccchhhhh..!" I grunted at napabaluktot ako. "It hurts!" I cried. Hindi ko na kayang pigilan yung luha ko. Masakit eh!

I rubbed my eyes habang nakahiga pa rin ako sa sahig, habang humihikbi. Hindi ko pa kayang tumayo.

"Princess Yuri?" May tumawag sa pangalan ko. Isang lalaki. I sniffed and looked at him. Hindi ko siya kilala... "Are you okay?" He asked.

"Fool! Asking me a question that has an obvious answer!"

"Mukha ba'kong okay??" Sarkastiko kong sagot at napangiwi na lang ako.

He shrugged and he slowly carried me, like a bride, again. Ilang lalaki pa ba ang bubuhat sa'kin gaya nito?? Tskkk! (Check MM Photo to see Payne carried by the guy).

"Dadalhin kita sa clinic, Princess." Nakangiti niyang pahayag. Ang cool niya, grabe.

"T-Teka! Ayoko!" I exclaimed. Nawala ngiti nya at napatitig siya sa mukha ko.

"Why? You wanna die?" GRABE! AYOKO!

"PATAY agad?" Nanlaki mga mata ko. "Galing na'ko dun kahapon kaya ayoko nang bumalik ulit dun!"

"Then? Saan kita dadalhin, Mahal na Prinsesa?" Parang nagjo-joke siya pero hindi naman nakakatawa. Haaaay people here are weird!

"Classroom." I answered and I sighed.

Serlande University: Hunting AssassinsWhere stories live. Discover now