⌛75th Hunt-Pt.2: The Challenge

1.7K 51 11
                                    

75th Hunt-Pt.2: The Challenge


Payne's POV ♕

"Hey! I'm asking you!" Hinampas ko yung kamay ni Kris habang kinakaladkad niya'ko papasok ng Palasyo.

"Ang excited mo talaga lagi, Princess." Nakangisi niyang sagot at tuluyan na kaming nakapasok sa nakabukas na main door.

"Curious ako! Hindi ako excited! Uhm!" Buong puwersa kong inapakan yung paa niya kaya agad siyang napasigaw at patalun-talon niyang hinawakan yung paa niya.

"Aray! Ikaw—" Gigil niya'kong nilingon at muli siyang napangiwi sa sakit. "URGH! AYOKO NA! ZUHO! IKAW NA DITO!" Buong pagtitimpi niyang tinawag ang nagtatakang si Zuho.

"Oh? Anung nangyari sa'yo?" Natatawang puna ni Zuho sa kanya matapos nitong lumapit sa'min. Sina Ruru at Luhann nawala na.

"Yang bubwit na 'yan! Apakan ba naman yung maganda kong paa!" Sumbong niya sabay layo sa'min. "Ikaw na bahala sa kanya, Zuho! I quit!" Pahabol niya at dali-dali siyang naglakad palayo.

"Hoy Kris!" Mukhang nataranta si Zuho. "HOYY!"

Gusto kong matawa! Hahahaha! Pero pinigilan ko dahil baka mapagkamalan niya akong baliw.

"Zuho." Tinapik ko ang balikat niya at sabay pa kaming napakislot. Nagulat yata siya sa'kin. "Nanggugulat ka naman!" Reklamo ko.

"Ikaw kaya nanggugulat." Nakanguso niyang sagot sabay ekis ng mga braso niya.

"Nerbyoso ka lang eh." Bulong ko sabay lakad. "Tara na nga lang."

"Baka kasi apakan mo rin paa ko eh." Narinig kong bulong din niya habang sabay kaming naglalakad.

"Hindi ah! Nakakaasar lang kasi 'yong si Kris." Depensa ko sabay ngiti sa kanya. "Kaya 'wag mo na lang akong asarin para walang mamatay na kuko diyan sa paa mo."

Binigyan niya'ko ng gulat na mukha. Yun bang namimilog mga mata niya pati butas ng ilong niya! Hahahaha!

"Matatag pala talaga si Chiro." Umiiling-iling niyang sabi sabay harap sa daan.


Alam kong hindi niya sinadyang iparinig sa'kin yun pero matalas talaga itong pandinig ko.


Hindi na ako sumagot dahil hindi naman siguro pago-open topic yung ginawa niya.


Pero tama ka, Zuho. Matatag talaga si Chiro. Kung iisipin ko ngayon ang lahat ng kasalanang nagawa ko sa kanya, baka makatulog na lang ako sa pagbibilang. Mula noong hindi pa kami close hanggang sa ngayong sobrang close na kami... Ilang beses ko na siyang inaway, ilang beses ko nang pinagtangkaan yung buhay niya, at ilang beses na rin niya akong nililigtas...


Kung hindi dahil kay Chiro, malamang patay na ako.


Prinsesa ako, at ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino. Pero ano pa nga ba ang dapat kong isipin at maramdaman? It's the truth.



I owe Chiro my life. BIG TIME.


Natauhan ako dahil sa isang malakas na tunog ng bumubukas na pinto.


Serlande University: Hunting AssassinsWhere stories live. Discover now