16

15 1 6
                                    

Lito's POV...



Nandito ako sa ward ni Loren. Binabantayan ko sya, wala lang gusto kong bumawi eh. Si Ysa naman sabi ni sir Antonio sya na muna mag babantay.

"Paka tatag ka misis ko." Sabi ko pa sa kanya habang natutulog pa sya.

"Hmm? Baby ko? Yung baby ko? Si Ysa?" Saad pa bya habang pikit pa mga mata nya.

"Shh! Kalma ka po mommy namin." Sabi ko naman sa kanya.

Dumilat naman na sya at aligaga pa.

"Yung baby natin? Ok lang ba sya? Si Ysa ok lang din ba?" tanong nya agad sa akin.

Hindi na ako maka sagot sa kanya dahil nag sisimula na mamuo yung mga luha sa mga mata ko.

"Ano? Nasan mga anak natin?" Tanong pa nya sa akin.

"L-loren? Makinig ka muna sakin." Sabi ko pa sa kanya.

Lalo pa akong sumiksik sa kanya.

"Ano nga nangyari?" tanong pa ni Loren sa akin.

"W-wala na ang baby natin." Sagot ko sa kanya. "S-si Ysa naman, wala pa ring malay." Sambit ko ulit kay Loren.

"H-hindi totoo yan, nandito pa yung baby ko. Naririnig ko sya kanina. Umiiyak nga sya eh, nagugutom nga sya. Kasama pa nya si Ysa. Si Ysa masaya din sya kanina." Saad pa ni Loren sa akin.

"Shh! Our baby is gone. Hindi ko kayo naligtas. Hindi ko kayo nasamahan. Si Ysa, possible na mabulag sya." Saad ko pa sa kanya.

"K-kasalanan ko ito eh. Kasalanan ko kung bakit nawala yung baby natin. Hindi ko kasi agad sinabi sa'yo eh. Nadamay pa si Ysa sa mga nangyari." Sambit pa ni Loren sa akin.

"Shh! wala ka ngang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa mga anak natin ok?" Sabi ko pa sa kanya at yumakap na lang ako.

"Nasan yung baby natin? Si Ysa ba nasa ward na rin?" Tanong pa ni Loren sa akin.

"Sabi nung isang ob, tinanggal nila agad yung fetus sa sinapupunan mo. Kasi doon na sya namatay sa loob and wala kang malay, para ilabas iyon. Kaya sila na nag labas nang fetus. Pero nandito na sya, nasa loob nang jar." Sagot ko naman about sa baby namin. "Si Ysa nasa ICU pa daw. Hindi ko na rin alam kung pati si Ysa mawala sa atin." Sabi ko naman ulit.

"Sorry ha? Sorry kung nadamay si Ysa." Sabi pa ni Loren sa akin.

"Shh! Mag sisimula tayo ulit ok? Bibigyan kita nang pamilya na hindi mo nakamtam sa dating asawa mo." Saad ko pa sa kanya.

"Sana nag ingat ako. Sana hindi na lang ako umalis. Sana di ko sinama si Ysa." Sabi pa ni Loren.

"Wag mo na isipin yan please.. Wala kang kasalanan." Sabi ko na lang.

"Pero kanina, may naka sunod sa amin. Lahat nang galaw at kilos namin alam na alam nila." Sabi pa ni Loren.

Bigla naman akong napa isip, lalo na sa sinabi ni Tony.
Na babalikan nya kami. Lalo na ako.

"Wala ka bang idea? Kung sino yung nasunod sa inyo??" Tanong ko pa sa kanya.

"Wala naman, tanging nakaka alam nang hospital na pinupuntahan ko at kung saan kami nag papa check up kundi si...." Sagot pa nya sa akin. "Si Tony? Impossible yun, takot lang nya." Sabi pa nya ulit.

"Loren? Anong impossible? Possible yun misis ko. Ako lang naman gusto nyang managot eh." Sabi ko pa sa kanya.

"Paano kung hindi naman totoo?" Sambit pa ni Loren sa akin.

"Loren? Bakit parang mas pinag tatakpan mo pa sya?" Tanong ko naman.

"Dahil hindi naman nya kayang manakit eh. Kahit na babaero ang dati kong asawa, never syang nanakit." sagot pa nya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Jar Of Our HeartsWhere stories live. Discover now