Bloody Red Thirty Two

2.3K 38 2
                                    

||Princeton Kyle||

Isang linggo na ang nakakalipas noong nangyari ang Masquerade Ball. Napakadaming nangyari; isa na doon ang isang taong nagbalik ngunit ang araw nila ay nagbalik na sa normal. Pero nakakagulat pa rin ang nangyari sa Masquerade Ball.

"Hey, kuya! Kasama pa rin ba si Red sa grupo natin? After what we know?" Tanong ni Sofia. Oo nga. Kasama pa rin ba siya sa gropo namin o nakasama ba talaga siya ng grupo ko. After kasi ng Masquerade Ball nagkagulo na ang mga pangyayari.

"Kailagan kong makita kung sino ang may birthmark na star-like-shape sa left shoulder nila" sabi ni Alex. "Now pull down your left sleeve of the dress," he continued.

Ang unang nagbaba ng left sleeve ay yung si Alexis daw. Pagkababa na pagkababa ng sleeve niya ay meron akong I mean kaming nakitang star- shape-like birthmark. Agad namang sinugod ni Iris yung si Alexis ng kanyang dagger. Pipigilan ko na sana pero may pimigil sa akin bago ako makagalaw sa aking posisyon.

"Wag." Surprisingly Xander had stopped me in what I plan to do.

"Bitawan mo ako at pipigilan ko sila!" Naiirita na ako sa nangyayari.

"No. Never interrupt my fight Princeton Kyle or should I say Blue Prince?" This time si Alexis na ang nagsalita at ngumisi. Her voice gives me chills throughout my body. Damn! Paano niya alam ang pangalan ko at how did she know my identity as a fighter.

"Ano? Why can't you fight back, Phoenix Alexis Iris Nicks!" Galit na sambit ni Iris I mean Alexandra. Alexis smirked at her rage.

"Oh? Is that what you want? A fight? Sure. Let's do it right here right now." Calmado lang si Alexis pero ma-authority yung boses niya. Naglakad naman si Alexis sa gitna ng hall. Lahat naman ng tao ay nakapaligid sa kanya at mukhang gumawa sila ng ring.

"Bring it on!" Sabi ni Alexandra at pumunta din sa gitna ng hall. Dahan dahan na tinanggal ni Alexis ang dress niya pero pagtanggal niya noon meron siyang sout na nakita ko noon. Sa one on one namin ni Red noon sa Paris. Pero alam kong si Alexandra ang totoong Red the well known Red Eyed Queen. Aish! 'Di na ako sure kung sino ang totoo!

"Ohh~ bro akala ko wala siyang damit!"

"Lalong uminit dito!"

"Show off!"

"Such a slut!"

"Malandi!"

Madami silang mga sinasabi pero 'di ko yun pinansin. Tinignan ko si Alexandra na parang nashock kasi ready si Alexis. Wow this scenery is too much to take it! 'Di ko alam kung sino ang papaniwalaan ko.

"Hoy, Alex di mo ba sila pipigilan!" Nainis na tanong ni Ryder. I'm sure 'di na rin nila alam ang gagawin nila kasi yung aura ni Alexis iba sobrang nakakatakot at super dilim.

"Nope. Isa pa kailagan kong makita kung sino talaga sa dalawang babae ang twin ko," sagot ni Alex but smirked like he knows something we don't. Tama siya kailagan masigurado kung sino ang nawawalang Red Eyed Queen. Kaya wala kaming nagawa at panoorin na lang ang nangyayari sa gitna ng hall.

Nagstart na palang umatake si Alexandra. Pero naka dress pa rin siya. Mabilis namang nakakailag si Alexis sa mga atake na binibigay ni Alexandra. Pulido ang mga galaw ni Alexandra pero 'di kasing bilis ni Alexis.

Kumuha si Alexis ng dagger sa boots niya. Yung dagger niya ay color pula at meron siyang mga anim na pakpak. Dalawa ay malalaki na malapit sa patalim niya. Meron ding dalawang maliliit sa harap ng malaking pakpak. Sa dulo naman ng dagger yung dalawang pakpak. Meron ding siyang parang pulang ribbon sa patalim.

Red Eyed QueenWhere stories live. Discover now