CHAPTER 2 : TODAY IS ANOTHER DAY

4 3 0
                                    

SHAINE'S POINT OF VIEW

Hay buhay, sa wakas naka-alis din sa punyetang hospital na 'yon.

Nakakabwisit 'yong araw na pumunta doon sila mommy at daddy.

Sermon na naman, mga kung ano-ano na naman ang mga sinasabi. No'ng naka-uwi na kami sa bahay ay hindi ako kinikibo ni dad, as if naman may pakealam ako?

Kung kaya niya 'kong 'di kausapin mas kaya ko siyang gawing parang hangin lang. Kung mataas ang pride niya mas mataas ang pride ko.

Kung sa tingin niya matatakot niya 'ko, well sarili niya lang ang niloloko niya.

Nandito lang ako sa loob ng room ko, nakahiga ako sa malaki at malambot kong kama, busy mag-scroll sa facebook. Tamang hintay lang na may mag-aya ng gimik mamayang gabi.

Tagal na kase simula no'ng gumimik kami sa bar, 'yong araw pa na na-aksidente ako. What an unluckiest day.

Boring din kase sa bahay, eh. Wala man lang mapagka-abalahan.

Habang busy ako na mag-scroll sa facebook wall ko ay may bigla namang kumatok sa pinto ko.

Tinignan ko 'yong oras sa phone ko and it is already 8 o'clock p.m.

Time for dinner na, siguro si yaya ang kumatok.

"Busog pa 'ko yaya, mamaya na lang ako kakain!" sigaw ko kung si yaya man ang nasa labas ng pinto.

"Shaine, si mommy ito!" sigaw ni mommy sa labas.

Hinayaan ko lamang ito na nandoon sa labas. Bahala siya riyan hindi ko siya papapasukin, manigas siya riyan. Mabuti na lang ni-lock ko 'yong pinto.

"Gusto ko munang maging mapag-isa, huwag na muna sana kayong mang-istorbo!" sigaw ko rito, kahit ang totoo ay ayaw ko lang talaga siyang maka-usap o makita dahil naiirita ako.

"I want to talk to you." pagsasalita nito.

"Pero ako, ayo'ko." madiing sagot ko rito.

Maya-maya ay natahimik na roon sa labas at nagulat na lang ako nang makita kong nasa tabi ko na ito. What the fvck?!

"Hi" bati nito sa 'kin.

Agad naman akong napabalikwas ng bangon at napamura.

"Damn!" sigaw ko dahil sa labis na gulat.

"What?!" sigaw ni mommy sa 'kin.

"You really scared me, mom! How did you enter my room?" tanong ko rito.

Itinaas naman nito agad ang mga susi na hawak-hawak niya, it is the spare keys of all rooms in this house.

Sakaniya ko na siguro namana ang pagiging ninja at tahimik kung kumilos, hindi ko man lang naramdaman na nandito na pala siya sa loob.

I sighed.

"Ano ba kaseng kailangan ninyo?"

"Gusto lang kitang maka-usap."

"Tungkol saan ba? Importante ba 'yan?" tanong ko rito.

"Yes, it is." siguraduhin mo lang.

"Siguraduhin niyo lang na hindi 'yan sermon, baka ako na ang magtulak sainyo palabas. Wala si daddy sa house, wala kang kakampi at mapagsusumbongan." pagpapa-alala ko rito.

"Hindi naman."

"Then good, so what is it?" prangkang tanong ko.

Napatingin muna siya sa gilid at natahimik.

"Sasabihin mo ba o hindi? Sinasayang mo 'yong oras ng pagpapahinga ko." sita ko rito.

"Ano kase..."

"Ano ba kase?!" naiinis na ako, kita mo nang maikli lang ang pasensya ko.

The Red String Where stories live. Discover now